Regarding dito sa, Copying posts/Rephrasing posts.
Dati gumawa ako ng threads. Tapos nagulat ako na may kapareha pala ako ng topic. Nagmukha lang updated version sa akin kasi old na yun post nung nauna sa akin.
Ang tanong ko po ngayon, sa dami ng threads na naipon at naging archive na. Maliban sa binanggit ko, ano pa ang paraan na dapat gawin para malaman kung may existing topic na?
Kung may old post palang ganon dati at nagmukhang "updated" version yung iyo, panindigan mo na. Lahat ng relate sa topic na old na yun, ibigay mo na yung current state ng mga ngayon. Wala namang mali don lalo na kung di na naupdate ng OP yung kanya tapos ang dami ng bago.
Actually yung way mo (search bar then kung wala, google) sa paghanap ng mga old posts ay effective na para sakin. Since wala naman ng ibang way sa pag hanap ng mga old posts bukod sa mga yon.
EDIT:
pero yung pagquoquote siguro wala namang gaanong harm
Depende kasi sa haba ng iquoquote mo kung mag memean siya ng harm o hindi. Let's say na yung kino-quote mo ay yung mismong bounty/ann thread (which is ginagawa ng iba) nag cacause talaga ng harm. Pero yung pag quote ng maikling reply na nandon naman talaga yung idea or thought na gustong ibigay, bakit hindi diba?
Para kay OP, dagdag ko lang sa
1. Shitposting
sir, yung mga agree ng agree tapos wala namang idadagdag na information. Kung nag aagree ka kasi meritan mo (kung meron ka at kung nagustuhan mo talaga yung sinabi, wag kang matakot mag merit). Okaya mag agree ka nalang sa utak mo at wag ka ng mag reply ng "i agree..." tapos wala namang sense yung sinabi mo edi nag shitpost ka lang. Kaya wag ka nalang mag reply para naman may macontribute ka kahit papano sa forum. Sabi nga nila "Kung ayaw mo maglinis, wag ka nalang magkalat" (parang ganyan yun e). Para na rin mabigyang daan yung mga may sense yung sasabihin, napupuno yung thread sa paulit ulit na "i agree..." at "thank you sa post mo...".
Sample:
More power sayo. Thank you so much for collecting and collating these information. Madami akong natutunan sayo, susubaybayan ko ang mga susunod mo pang mga thread. Aasahan ko ang mga magaganda mo pang mga post. Dapat mabasa ito ng marami at maging halimabwa din ito para pagbutihin ang pagbibigay ng kapakipakinabang na impormasyon.
Mabuti na lang madami pang katulad mo na nag bibigay gabay para sa mga kapwa natin dito sa forum.
Bato bato sa langit ang tamaan wag magalit. Ganon din naman ako minsan pero nag dadagdag naman ako ng information kahit papano. Pero sa dami din kasi ng required post, di mo na maiiwasan ang pagtuyot ng utak mo haha ganon pa man goodluck padin sa lahat at Ma Hal Ko Ke Yo.