Ang sa akin lang, wag sana kayo mag concentrate na magbigay lang ng merits duon sa mga nagpopost ng info about bitcoin or cryptocurrency.
Kasi lahat naman yan ay available sa google. Kung talagang gusto mo mag research about crypto, usually naggu-google muna tayo. Hindi naman kaagad alam ng tao yung bitcointalk o kung anu pa mang forum yan.
Sana kahit yung may mga naiambag na maganda dito sa forum: example sumagot sa mga katanungan ng ibang poster, mag assist sa problema ng iba, magandang palitan ng kuro kuro, etc ay mabigyan din ng merits.
Kasi kung mag concentrate lang kayo sa mga info about bitcoin, aba eh pareparehas nalang yung mga posts. Nirere-hash nalang. Or translate ng english to tagalog. Pansin ko ganyan ang maraming posts sa Philippines sub-forum. Pareparehas. Nakaka umay. Parang naglolokohan nalang. lol
Maraming nag-cocomment na may merits. Eh di ba automatic yan na pag merits ka eh meron ka din smerits. Katulad ng sabi sa rules, wala naman silbi sa inyo yang smerits. Binigay sa inyo yan para ipamigay nyo. Hindi para ipunin. Hindi nyo yan ikakayaman. Unless ibebenta nyo. lol
Kaya kayong may smerits dyan, kung may nakita kayong magandang reply o post, kahit hindi ito related sa bitcoin katulad nitong reply ko (hahaha), ay magbigay kayo ng merits para ganahan mga tao makipagtalastasan ng kuro kuro. Yan ang unang rason bakit nagkaroon ng forum in the first place.
Sabi nung ibang nag comments, madali daw sa ibang subforums lalo na sa mga foreigners magbigay o mabigyan ng merits. Eh kasi ganun talaga ang kultura nila. Pag may nakita sila maganda, hindi sila nagdadalawang isip magbigay ng merits o tip. Ang pinoy, kahit matulungan mo, kaysa magbigay ng merits ang unang iisipin eh baka farming lang ito. Hello?! Kung sa tingin mo nakatulong yung tao o maganda yung suggestion nya eh di bigyan mo. Hindi mo naman ipaghihirap yan. Nakatulong ka pa.
At kung may nakita ka naman na nabigyan ng merits, wag mo na pag isipan ng hindi maganda. Parang lumalabas tuloy eh bitter ka lang or crab mentality, kung saan dyan tayo sikat na mga pinoy.
Just my 2 cents