Author

Topic: Trade vs HODL - mga dapat iwasan (Read 127 times)

legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
Today at 01:48:13 AM
#17
Ang downside lng talaga ng trading is pwedeng madelete ang lahat ng profit mo from many successful trade sa isang bad trade lang na natrigger ka.

Kaya ako holding nlng tlaga while nagiinvest nlng ako sa copy trading if ever gusto ko mag trade since para less stress and hassle sa pagiisip at bantay ng trade dahil mga pro trader naman typically yung mga copy trader.
Oo tama ito, kalimitan nangyayari is panalo ka sa trade the next time talo ending up pag nagcompute ka mas talo ka pa in the end while if naghold ka wala talagang kaworry worry sa mental health mo at ayun makikita mo na lang gains ka pa ng malaki kesa sa daily grind on trading. Provided lang if ayaw mo ng sakit sa ulo, pero kung talagang magaling naman paldo paldo talaga.
sr. member
Activity: 2016
Merit: 283
December 03, 2024, 09:44:49 PM
#16
And trading ay para lamang sa mga gustong kumita ng pera sa ma ikling panahon kun saan more on technical analysis at kailangan talaga nang maraming oras para ma protektahan ang kapital sa posibling reversal or kung magiging against man ang market sa trade mo para din ma ligtas ang iyong profits sa tamang panahon .

Sa hodling nman. Higher time frame ang kaylangan at syempre dapat maging matatag ka at wag mag papadala sa mga news kasi marami na ngayong na huhulog sa FOMO.  Build your own strategy at be patient. Kasi yan talaga ang susi sa pagiging Holder. Kun sigurado ka sa iyong prediction so be it at focus lang sa goal keep adding sa kapital mo and keep holding kasi at the end malaki talaga makukuha mo. .

Sa akin talaga walang pinag ka iba ang TRADE vs HOLDING , yung difference lang is yung time ng pag take ng profits. Same sa technical analysis and strategy.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
December 03, 2024, 01:49:57 PM
#15
Saan exchange ka nagka-copy trading? wala bang mga fees o bawat panalo din ng kinacopy mo may commission siya sa profit mo? Interesado din ako sa pag copy trading pero kung gagawin ko man baka maliit na halaga lang at konting trade lang din at yung most ay ihohold nalang para less hassle. Malaki laki din ba kinikita mo sa copy trading kabayan? may mga nakikita na din ako sa FB na ginagawa itong copy trading pero grabe mang mislead ng tao dahil ginagawang networking.

Ako naman last platform na nakita ko nag support ng copy trading dito satin sa pinas is si eToro which is recently lang is nag lift na sila na hindi na nila supported yung country natin, afaik ang isa sa mga bagong exchange nag offer nito is si OKX nakita ko lang din ito sa dating streamer ng axie na currently is nag trade nalang sa kanyang facebook post. Which is ayun nga may percentage yung pinag copy trade nila kaya if magaling ka din mag trade possible source of income din ito.
May nakikita na din akong ibang nagcocopy trade na mga influencers at pinopromote nila dahil maganda ang commission na bigayan kapag sila ang kinopy trade. Pabor din sa kanila at sa mga mag copy sa kanila dahil may commission sila at dapat maging maganda din ang trades na gagawin nila. Maganda din sana ang etoro at bago pa man ako sa crypto dati, nakikita ko na yang platform na yan at may copy trading sila na hindi ko maintindihan dahil medyo bata pa isip ko nun dati.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
December 03, 2024, 08:58:59 AM
#14
Mas okay talaga mag hold pero merong magagaling na trader katulad nalang ng ilan dito sa atin at hindi na maaalis yun. Kung holder ka tapos good trader ka pa, panalong panalo yun at kayang kaya mo na gumawa ng pera parang unlimited opportunity na iyon. Habang yung holdings natin ay nandiyan at may specific time range tayo kung kailan yun ise-sell, gumagawa ka pa rin ng pera through trading. Pero kung chill guy ka lang at gusto mo lang din mag invest ng mag invest at mag accumulate lalong lalo na ng BTC, HODL is the key talaga.

Ang downside lng talaga ng trading is pwedeng madelete ang lahat ng profit mo from many successful trade sa isang bad trade lang na natrigger ka.

Kaya ako holding nlng tlaga while nagiinvest nlng ako sa copy trading if ever gusto ko mag trade since para less stress and hassle sa pagiisip at bantay ng trade dahil mga pro trader naman typically yung mga copy trader.

Sobrang ganda nung diagram lara ma emphasized na sobrang daming hirap ang pagdadaanan ng trading while sa huli ay mas better pa dn talaga ang holding sa long run.
Saan exchange ka nagka-copy trading? wala bang mga fees o bawat panalo din ng kinacopy mo may commission siya sa profit mo? Interesado din ako sa pag copy trading pero kung gagawin ko man baka maliit na halaga lang at konting trade lang din at yung most ay ihohold nalang para less hassle. Malaki laki din ba kinikita mo sa copy trading kabayan? may mga nakikita na din ako sa FB na ginagawa itong copy trading pero grabe mang mislead ng tao dahil ginagawang networking.

Ako naman last platform na nakita ko nag support ng copy trading dito satin sa pinas is si eToro which is recently lang is nag lift na sila na hindi na nila supported yung country natin, afaik ang isa sa mga bagong exchange nag offer nito is si OKX nakita ko lang din ito sa dating streamer ng axie na currently is nag trade nalang sa kanyang facebook post. Which is ayun nga may percentage yung pinag copy trade nila kaya if magaling ka din mag trade possible source of income din ito.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
November 28, 2024, 03:05:03 PM
#13
Mas okay talaga mag hold pero merong magagaling na trader katulad nalang ng ilan dito sa atin at hindi na maaalis yun. Kung holder ka tapos good trader ka pa, panalong panalo yun at kayang kaya mo na gumawa ng pera parang unlimited opportunity na iyon. Habang yung holdings natin ay nandiyan at may specific time range tayo kung kailan yun ise-sell, gumagawa ka pa rin ng pera through trading. Pero kung chill guy ka lang at gusto mo lang din mag invest ng mag invest at mag accumulate lalong lalo na ng BTC, HODL is the key talaga.

Ang downside lng talaga ng trading is pwedeng madelete ang lahat ng profit mo from many successful trade sa isang bad trade lang na natrigger ka.

Kaya ako holding nlng tlaga while nagiinvest nlng ako sa copy trading if ever gusto ko mag trade since para less stress and hassle sa pagiisip at bantay ng trade dahil mga pro trader naman typically yung mga copy trader.

Sobrang ganda nung diagram lara ma emphasized na sobrang daming hirap ang pagdadaanan ng trading while sa huli ay mas better pa dn talaga ang holding sa long run.
Saan exchange ka nagka-copy trading? wala bang mga fees o bawat panalo din ng kinacopy mo may commission siya sa profit mo? Interesado din ako sa pag copy trading pero kung gagawin ko man baka maliit na halaga lang at konting trade lang din at yung most ay ihohold nalang para less hassle. Malaki laki din ba kinikita mo sa copy trading kabayan? may mga nakikita na din ako sa FB na ginagawa itong copy trading pero grabe mang mislead ng tao dahil ginagawang networking.
hero member
Activity: 1400
Merit: 623
November 28, 2024, 08:34:49 AM
#12
Mas okay talaga mag hold pero merong magagaling na trader katulad nalang ng ilan dito sa atin at hindi na maaalis yun. Kung holder ka tapos good trader ka pa, panalong panalo yun at kayang kaya mo na gumawa ng pera parang unlimited opportunity na iyon. Habang yung holdings natin ay nandiyan at may specific time range tayo kung kailan yun ise-sell, gumagawa ka pa rin ng pera through trading. Pero kung chill guy ka lang at gusto mo lang din mag invest ng mag invest at mag accumulate lalong lalo na ng BTC, HODL is the key talaga.

Ang downside lng talaga ng trading is pwedeng madelete ang lahat ng profit mo from many successful trade sa isang bad trade lang na natrigger ka.

Kaya ako holding nlng tlaga while nagiinvest nlng ako sa copy trading if ever gusto ko mag trade since para less stress and hassle sa pagiisip at bantay ng trade dahil mga pro trader naman typically yung mga copy trader.

Sobrang ganda nung diagram lara ma emphasized na sobrang daming hirap ang pagdadaanan ng trading while sa huli ay mas better pa dn talaga ang holding sa long run.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
November 27, 2024, 03:18:21 PM
#11
Mas okay talaga mag hold pero merong magagaling na trader katulad nalang ng ilan dito sa atin at hindi na maaalis yun. Kung holder ka tapos good trader ka pa, panalong panalo yun at kayang kaya mo na gumawa ng pera parang unlimited opportunity na iyon. Habang yung holdings natin ay nandiyan at may specific time range tayo kung kailan yun ise-sell, gumagawa ka pa rin ng pera through trading. Pero kung chill guy ka lang at gusto mo lang din mag invest ng mag invest at mag accumulate lalong lalo na ng BTC, HODL is the key talaga.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
November 27, 2024, 01:10:19 PM
#10
Sang-ayon ako na ang HODLing ay isang maayos na diskarte para sa mga taong may mahabang pasensya at layunin na mag-ipon ng Bitcoin bilang isang pangmatagalang asset.

Pero meron ding mga users na mas komportable sa ibang strategy depende sa kanilang risk tolerance at goal. Ang trading ay effective kung may enough knowledge, experience, at discipline sa market analysis. So hindi naman ito scam dahil may mga professional na traders na nagiging successful sa larangang ito. Ang problema lang dito ay yung mga baguhan na nagbabakasali agad kahit wala pang sapat na kaalaman kaya nalulugi sila ng malaki.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
November 27, 2024, 09:12:24 AM
#9
If wala masyadong idea sa trading better stick to buy and hodl na lang talaga and for me that was very effective pero syempre yung mga ihodl is yung less risky like mga established coins na nasa top 20 or top 10 kasi yung ibang coins na nasa market ay walang kasiguraduhan at masyadong mataas ang risk. Yung isang relative ko na sugarol magtry ka invest sa crypto kesa magsugal tapos ayun try sya 500 pesos eh ngayon nasa more or less 10k na dinagdagan nya pa kasi natuwa sya antagal nyang binalewala yung wallet tapos nung nag-open sya just a couple of weeks ago tuwang tuwa sya kaya sabi ko sa sarili ko na maganda nga maghodl ng Bitcoin pero kung kaya naman ang trading eh bakit hindi pero syempre pag-aralan muna maigi bago pasukin.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
November 27, 2024, 08:51:59 AM
#8
Hodl ay maganda sa mga baguhan at wala pang gaanong alam sa market at mga konsepto ng trading.   Pero kung sakaling marunong naman tayo ng mga bagay bagay patungkol sa trading, bakit naman hindi nating subuking magtrade.  Maaring mas malaki pa ang kitain ng isang tao kung pareho nyang iaaply ang paghodl at pagtrade, ang kailangan lang ay tamang pag analisa sa galaw o trend ng market at timing sa pabili at pagbenta.

Pwede din nmana kasing habang naghohodl tyo ay gamitin natin ang ilang porsyento ng ating holdings para palaguin sa pagtitrade.  This way maaring nating mamaximize ang ating kikitain kung dumating ang point na gusto na nating magexit sa market.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
November 27, 2024, 05:35:49 AM
#7
~

Para saken may okey ang mag HODL for long term, masless risky, less stress and hindi kumakain ng maraming oras, hahayaan mo lang mag ride ang market Dollar Cost Average lang, luckily medjo nakaipon din ako sa Bitcoin noong bagsak pa ang presyo kaya medjo maganda ang posisyon ko ngayon. Pero depende pa rin ito sa trader kung ano ang kanyang prefer na style, pero ako stick lang sa holding because im just a chill guy  Grin

~

Ako naman currently is doing both hodling and trading, for hodling siguro bought ko mga 30k price na din then nag sell ako tas accumulate lang ng profit nung nag 60k, tas may isa akong active funds para naman sa pag trade in a daily basis actaully pang kape kape lang mga ganun pero not as usual na paldo kasi nga wala din ako time so kesa mag wait nalang ako ng gains tas tamang take profit lang. Biglang nauso yang chill guy nayan sa facebook litreral na chill lang hahaha masabayan ata nyan ung beaver eh.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
November 27, 2024, 04:21:14 AM
#6

Tl: dr:
Mas maganda mag HODL, huwag mag trade!  Smiley



actually ang HODL is best if we are talking about Bitcoin  .

pero kung sakaling trading ang gusto nating pasukin eh mas ok na sumubok tayo sa mga altcoins in which pag sinuwerte ka eh mas madali ang movement .
kaso in both ways , pwedeng ma timingan natin ang pag taas or ams masama ang pag baba .

Kung bitcoin lang din naman ang pag uusapan ay sang ayon din ako talaga na mas mainam itong e HODL kaysa e trade since napaka risky talaga ng market at napaka laki din ng potensyal ng bitcoin na tumaas pa.

Kaya I prefer to accumulate even using small amount dito kaysa e trade yung meron ako.

Pero kung other altcoin or total shitcoins naman for sure automatically once kapag nakakita ako ng chance na kikita na ay ibebenta ko talaga ito dahil sobrang baba ng tiwala ko sa alts dahil mga scam na nagaganap dito.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
“FRX: Ferocious Alpha”
November 27, 2024, 02:29:28 AM
#5

Tl: dr:
Mas maganda mag HODL, huwag mag trade!  Smiley



actually ang HODL is best if we are talking about Bitcoin  .

pero kung sakaling trading ang gusto nating pasukin eh mas ok na sumubok tayo sa mga altcoins in which pag sinuwerte ka eh mas madali ang movement .
kaso in both ways , pwedeng ma timingan natin ang pag taas or ams masama ang pag baba .
legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
November 26, 2024, 11:29:46 PM
#4
Pero depende pa rin ito sa trader kung ano ang kanyang prefer na style, pero ako stick lang sa holding because im just a chill guy  Grin
Haha simpleng promote ba or flex lods. Mukhang paldo ka sa chillguy ah.


On the other note. Im not an active trader na magdamag sa monitor, I prefer yung buy at certain point then iwan ko muna fot a while, sinubukan ko din yung mag focus sa trading minsan talo minsan panalo pero nakakastress talaga siya no joke. Halong emotions like sobrang saya pag pumaldo at napakahirap kapag down ka or natalo.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
November 26, 2024, 09:57:30 PM
#3
Kung active ka naman at updated sa market siguro makakascore ka talaga sa trading lalo na kung inaaral mo din ang technical analysis, and trends napwedeng makaapekto sa market, I mean marami naman talaga ang kumikita dito sa trading pero masyado nga lang itong risky dahil possible din tayong maliquidate dahil marami talaga ang nakakaapekto sa paggalaw ng presyo ng crypto sa market, sobrang hirap mapredict ang galaw neto. High risk high reward nga tulad ng sinasabe nila, I mean sa maikling oras lang sobrang laki na ng pwede mong kitain pero sobrang laki ng din pwedeng mawala sayo.

Para saken may okey ang mag HODL for long term, masless risky, less stress and hindi kumakain ng maraming oras, hahayaan mo lang mag ride ang market Dollar Cost Average lang, luckily medjo nakaipon din ako sa Bitcoin noong bagsak pa ang presyo kaya medjo maganda ang posisyon ko ngayon. Pero depende pa rin ito sa trader kung ano ang kanyang prefer na style, pero ako stick lang sa holding because im just a chill guy  Grin

legendary
Activity: 2506
Merit: 1394
November 26, 2024, 08:49:45 PM
#2
Para sakin lang ha, pag mag te trade ka kasi eh dapat seryoso ka, it takes times and dedication. Madami ka need gawin, like mag practice, e master, alamin lahat ng pasikot sikot, para sakin para syang skill or profession.
Ang pag te trade ay more on active siya kompara sa HODL lang.

Pag nag te trade ka na naman at profitable ka, for sure mas madami kang profits kesa sa pag ho hodl lang - pero sa dalawang ito, hindi guaranteed, kahit mag hohodl ka, posible ka parin magkaka loss.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
November 26, 2024, 06:32:11 AM
#1
Akda ni: 1miau
Orihinal na paksa: Trade vs. HODL - avoid traps




Matapos ang lahat, alam naman na natin kung gaano kahalaga ang Bitcoin, kaya kailangan natin ito protektahan at kung kaya ninyo mag ipon nito, pero habang ginagawa natin ito, maraming mga patibong na dapat nating iwasan.
Isa sa mga patibong dito ay ang maling paniniwala na kayang pataasin ng Bitcoin ang maaring kitaain gamit ang pag trade.

Trade vs. HODL



Isa sa fundamental ng Bitcoin na bagay dito ay ang pag HODL dahil ang supply ng bitcoin ay limitado lang sa 21M. Kaya ang HODLing ang pinaka mainam, tumataas ang halaga ng Bitcoin sa pang matagalan kaya ang HODLing ang isa sa pinaka ligtas gawin kung gusto kumita. Mababa ang risk - maari kang kumita.
Pero kailangan natin mag bigay ng pasensiya para sa pang matagalang kita hindi tulad ng mabilisang kita pero walang kasiguraduhan.

Technical analysis ang risky

Ang ibang tao ay sinasabing, ang pag trade na may kasamang technical analysis ay isa sa pinaka magandang gawin para kumita ng pera - pero hindi ang totoo dahil delikado dahil sa mga shot term (daytrading). Kung ang technical analysis ay kayang hulaan, magiging madali nalang itong sabihin na kaya nila gawin, ibigay nyo ito sa mga "propesyonal" na trader at kaya nilang kumita.
Mag ingat sa mga ganito at wag papaloko, dahil isa itong scam!
Dahil sa techinical anaylsis maari ka ditong kumita, ang lahat ay maaring maging miyonaryo. Ang mga marunong mag code ay ginagawa ang mga ganitong "technical analysis pattern" at nag trade ayon sa kanilang gusto.
Ilang program ang hindi naman talaga ginawa dahil hindi ito gumagana. Ang Technical analysis ay hindi kayang hulaan at hindi kayang mag bigay ng kasiguraduhang kita.
Tulad ng pinaliwanag ng xkcd dito: Ang technical analysis ay tulad ng pseudo science:


https://xkcd.com/2101/


kaya mag-HODL!

Kapag tayo ay nag HODLing, ginagamit natin ang ka-kayahan ng Bitcoin. Ang Bitcoin ay limitado lang sa 21 M BTC. At kada 210,000 blocks, ang nabibigay lamang na blocks (para sa minders) ay kalahati nito, nababawasan ito kada 4 na taon.
Sa pag HODLing, ginagamit natin ang ka-kayahan ng Bitcoin dahil ang Bitcoin ay magandang asset para sa saving. Maaring ito ay pabago bago dahil sa presyo ng Bitcoin ngayon pero marami pa ding tao ang nag iimbak ng Bitcoin, makikita natin ito dahil sa presyo ng bitcoin na nagiging stable - dahilan ng pag taas ng demand para sa Bitcoin dahil sa pag taas nito.

Maaring ito ay tumagal ng ilang taon para makita natin magandang kita sa Bitcoin dahil na din sa pag galaw nito ng kada 4 na taon pero ngayon HODLing ang pinaga subok na at magandang bawin (at ang Bitcoin ngayon ay hindi na masyado pabago bago).  Wink

Tl: dr:
Mas maganda mag HODL, huwag mag trade!  Smiley



Jump to: