Lesson 1:Support And Resistance LevelTopic 1: Support & ResistanceSUPPORT AT RESISTANCEAng Support at Resistance ay isa sa mga pinakaginagamit sa pagtatrade ng cryptocurrency, hindi lang ito ginagamit sa cryptocurrency kung hindi pati narin sa forex trading. Ang market ay binuboo ng bull and bearish market at ito ang gumagawa sa market. Kapag ang ang Bull (Buyer) ang nagcocontrol ng market tumaatas ang presyo ng isang coin kapag naman ang Bear ang nagcocontrol ang presyo naman ng coin sa market ay bumababa.
Kapag tumataas ang presyo ibig sabihin mas ay mas marami ang buying orders kesa sa selling orders at kapag naman bumababa ang presyo mas marami ang selling orders kaysa sa buying orders.
Kung makikita nyo sa image below yung highest point ng run ay tinatawag na resistance (kung saan bago sya mag pull o bumaba) at makikita nyo naman yung support na kung saan yung lowest point.
PAANO MAG PLOT NG SUPPORT AT RESISTANCEAng mga support at resistance ay walang eksatong number dahil alam naman nating volatile ang market merong mga panahong lumalagpas ang candlestick sa support at resistance, Ano ang dahilan? Dahil tinetesting ng market ang support at resistance at kung ito ay mag break (lumagpas) magkakaroon ng breakout sa price maaari itong bumaba kapag lumagpas ng sagaran sa support at maari ring tumaas kung ang candlestick ay lumagpas ng sagaran sa resitance.
Ang paglalagay ng support at resistance ay hindi lang basta sa pinaka peak or pinaka bottom ng chart mapapansin mo yung mga peaks ay halos magkakapantay at yung mga bottom ay halos mag kakapantay din doon mo ilalagay yung support at resistance.
FALSE BREAKOUTMapapansin nyo sa image na yung shadow (I will discuss this on future lessons) ng candle stick ay lumagpas sa resistance pero hindi nag breakout ang tawag dyan ay false breakout na kung saan ay aakalain mong magbebreak na sya sa suppport o resistance pero hindi.
Para makaiwas dito hintayin na muna ang susunod na candle stick na magclose sa labas ng resistance o support line, pero hindi natin mababasa ang market mayroong pagkakataon na kahit na ang mga sumunod na candlestick ay lumagpas na ay nag pupull back ang mga ito.
Sa tamang Practice at dami ng experience madali natin itong magagawa.