"Buy low, sell high" lang yan. ang difficulty na lang ay sa prediction ng future price ng mga nasa market. Isa na ang candlestick analysis sa mga pinakagamit na technique para ma-predict ang future price. Try mo lang magbasa ng mga ebook tungkol dyan. Marami nyan sa internet. Makikita mo rin sa google search.
Thanks po.di ko kasi alm pano tingnan ung graph o depende sa altcoins kung gaano kbilis bumaba at tumaas?
Hindi lang basta buy low, sell high ang trading. Kung wala ka pa talagang experience sa larangang ito, suggest ko lang brad na magresearch ka muna kunti sa trading. Pwedeng mag-umpisa ka lang muna sa mababa (about 5k sat) at magandang pag praktisan mo muna ang doge. Naglalaro lang sa 70 to 90 sat sa ngaun pero malaki ang volume nya. Basta tandaan mo na huwag na huwag kang magbebenta ng palugi.
Makikita mo naman sa trading platform ang 24 hour low at high nya. Bili ka pag malapit sa low at mag issue ka agad ng sell order ng mas mataas sa kung magkano mo binili.
Di ako sure kung nagets mo mga pinagsasabi ko kung talaga ngang baguhan ka sa trading kaya dapat research ka muna ng kaunti para nagkakaintindihan tayo.
Natry ko na po kaso laging lugi ..hindi bumababa ung selling price hindi tumataas ... Ung price ng buy hindi gaano bumababa pero sa chart tumataas ..nallugi ako..hhe
Hindi ka maluluge basta basta kapag mahaba ang pasensya mo kaya habaan mo lng kung gsto mo mag profit
Mag-search ka lang ng mga forex techniques para dyan. Lagi ko naman dinudugtungan ng mga dapat pag-aralan kapag sinasabi ko na buy low, sell high ang trading.
Ang trading ng mga altcoins ay parang sugal din. Malulugi ka lang kung makikipagsapalaran sa mga bagong labas na coins. Kagaya ko ngayon, bumili ako sa ICO ng MOOND at nakikipagsapalaran akn dun. Sa ngayon ay bumaba ng 3 sat ang price nya. So lugi na ako ng 150k sat. Pero gaya nga ng sabi ko, sumugal ako dito. ICO pa lang naman nila yun at umaasa ako na pag dumami na magtetrade sa coin na yun ay tataas at tataas ang price nya. Kailangan ko lang na mahabang pasensya para hindi ako magpanick at magdump agad.
Pero kung ayaw mong sumugal, kagaya ng lagi kong sinasabi, sa doge ka magtrade. Subok na ang coin na ito at malaki ang trading volume nya. Suggest ko kang sayo, mag-issue ka na ng buy order sa 65, 60 at 55 sat. Pag nareach yung buy order mo, mag issue ka naman ng sell order sa 75 to 85 sat. So wala kang kalugi-lugi di ba?
Kung ayaw mo namang magtrade ng altcoin, try mo ang btc/usdt sa poloniex.