Pages:
Author

Topic: Trading Tips - page 2. (Read 427 times)

full member
Activity: 686
Merit: 108
April 26, 2019, 04:43:39 AM
#8
Ang hirap lang kasi ngayon sa pagtratrade ng altcoin pag pump up si bitcoin dump ang alt pag dump si bitcoin dump padin ang altcoin ito yung masakit na part sa pagtratrading kaya dapat my stop loss ka pag nagtratrade mga 2% sa iyong buy order. Malaking tulong ang thread mu OP lalo na sa mga nawawalan ng pag asa sa pagtratrade baka makatulong ito sa inyo.
Sa nakikita ko sa market when bitcoin pumps, altcoins will follow kase right now nasa bear market paren tayo so altcoins will also have to pump. Yes, this trading tips is so worth it lalo na kung talagang babasahin mo ito at gagawin. Marami sa atin ang nagtratrade lang basta basta and it can cause trouble to the trader. Everything of this should be consider while trading, wag basta basta bumili o magtrade ng walang plano.

hero member
Activity: 2716
Merit: 904
April 26, 2019, 02:58:44 AM
#7
 
2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Idagdag ko din dito para ilawak natin ang kaalaman sa punto na kung kailan bumili at magbenta.
Hindi naman palagi na magbenta pag mataas na ang presyo, kailangan din magbenta kung lugi ka nah at patuloy na
bumabagsak ang presyo na hinahawakan na assets. Eto ang pagtatag ng risk profile, na kung saan may naka.set na limitasyon na hanggang kung kailan ka lang magbenta. For example, pag umabot ng P1k ang lugi mo, need mo ng magbenta kaysa malugi ka pa ng mas malaki pa.
Yung pagbenta pag mataas ng ang presyo nito. Hindi lang din nah out of nowhere gusto mo nah magbenta. Kailangan may strategy, kung magkano ang gusto mo na gain. Kasi cyclical naman ang pag trade tumataas at bumababa, kaya para mabawasan ang stress bago magtrade may sariling strategy nah.
full member
Activity: 688
Merit: 101
April 26, 2019, 02:22:35 AM
#6
 
2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Idagdag ko din dito para ilawak natin ang kaalaman sa punto na kung kailan bumili at magbenta.
Hindi naman palagi na magbenta pag mataas na ang presyo, kailangan din magbenta kung lugi ka nah at patuloy na
bumabagsak ang presyo na hinahawakan na assets. Eto ang pagtatag ng risk profile, na kung saan may naka.set na limitasyon na hanggang kung kailan ka lang magbenta. For example, pag umabot ng P1k ang lugi mo, need mo ng magbenta kaysa malugi ka pa ng mas malaki pa.
full member
Activity: 798
Merit: 104
April 25, 2019, 10:51:54 AM
#5
Ang hirap lang kasi ngayon sa pagtratrade ng altcoin pag pump up si bitcoin dump ang alt pag dump si bitcoin dump padin ang altcoin ito yung masakit na part sa pagtratrading kaya dapat my stop loss ka pag nagtratrade mga 2% sa iyong buy order. Malaking tulong ang thread mu OP lalo na sa mga nawawalan ng pag asa sa pagtratrade baka makatulong ito sa inyo.
copper member
Activity: 182
Merit: 1
April 25, 2019, 10:48:17 AM
#4
kailangan talaga dito sa trading ay dapat bihasa ka nah, hindi kasi madaling gawin ito lalo na kung ikaw ay baguhan. medjo kailangan talaga pag toonan ito ng pansin bantay bawat oras o minuto. pero dahil dito sa artikulo na ito ay malaki ang maitutulong sa mga baguhan na gustong pumasok at mamuhunan sa trading na ito. bawat detalye ay ma babasa mo ito at intindihin kung paano. salamat sa kabayan malaking tulong ito
member
Activity: 476
Merit: 12
April 25, 2019, 10:17:06 AM
#3
Also include Bitmex testnet in trading demo take note margin trading a bitmex kaya ingat ingat nalang maliquidate.
By the way thank you for providing a helpful tips regarding sa trading baka my mga baguhan tayong kababayan na gustong matutong magtrade alam ko my topic din na ganito regarding sa pagtratrade.
sr. member
Activity: 896
Merit: 267
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
April 25, 2019, 09:17:02 AM
#2
Malaking bagay ang ibinahagi mo kabayan lalo na sa mga taong gusto mag trade ng mga cryptocurrency. Alam naman natin na mahirap maging isang trader lalo kung ikaw ay baguhan kaya dapat bago ka pumasok dito dapat ay may alam kana. Lahat ng sinabi mo kabayan ay kailangan nilang aralin upang maging successful na trader at dapat pag igihan nila ang pag aaral sa mga ito dahil makakatulong ito sa kanila na magkaroon ng magandang buhay.
member
Activity: 312
Merit: 10
(。◕‿◕。)
March 30, 2019, 08:42:19 AM
#1
 
Trading Tips Para sa aking Kababayan

    Sa panahon ngayon mahirap ng kumita at kadalasan puro lugi lang nakukuha sa pag HODL ng mga crypto currency. Yung mga kababayan ko diyang gusto mag try ng katulad ng Trading. Here are some tips para maimaximize nyo ang inyong tubo.

1. Mag try muna ng Trading Simulator

    Madaming mga websites na pwede kang gumawa sarili mong Demo Account. Importante ang pag practice ng trading sa umpisa kasi ang trading ay isang kasanayan na nangangailangan ng oras at karanasan. Sa umpisa kailangan mo munang alamin ang mga basics tapos mag practice para masanay ka sa sistema.

    Hindi ka pwedeng dumeretso agad sa pag tre-trading kung di mo pa alam ang basics neto. Posibilidad neto ay pwedeng maubos ang pundo mo o di kaya magkakaroon ka ng napakalaking lugi, na di katanggap tanggap.

2. Alamin ang Basics ng Trading
   
    Walang nagnanais na mawalan ng pera. Bukod dito ang masakit ay pwedeng umabot ng higit na libo libo. Kung nag uumpisa ka palang at ayaw mong mag ka roon ng lugi, wag mo ng balakin mag trading.

2A. Paano Tumaas o Bumaba ang mga Presyo sa Crypto Market
    Maraming mga kadahilanan kung bakit ang mga presyo ng crypto ay tumaas o bumaba. Kabilang dito ang media, ang mga opinyon ng mga kilalang tao sa Crypt, pulitika at FUDs, risk, supply at demand, at kakulangan ng angkop na alternatibo. Ang kabuuan ng mga salik na ito, kasama na ang lahat ng may-katuturang impormasyon na naibigay, ay lumilikha ng isang tiyak na uri ng tingin ng tao (example, bullish at bearish)  at isang kaukulang bilang ng mga buyers at sellers. Sa madaling salita pag mas maraming sellers ang presyo sa market ay malamang bumaba. Kabaligtaran naman pag mas maraming buyers ang presyo sa market ay maaring tumaas.

2B. Bakit Mahirap Gumawa ng Predictions

    Halimbawa, ang presyo ng crypto ay tumataas over couple of months na. Ang iba titignan ito as a potential threat kasi mag kakaroon ng market correction any time soon. Ang crucial part ay kung ano ang mag-trigger ng selloff o eksakto kapag mangyayari ito. Kaya ang iba mag sesell na ng kani kanilang crypto samantalang ang iba nag hihintay ng pagkakataon para maka enter. Yung mga risk takers ay maaring ipag palagay na mas malaki ang kita nila kasi bumili sila sa mas mababang halaga at manonood nalang na tumaas ang presyo sa market. Dahil dito, ito ay gumagawa ng ilang tanong sa trader. Una, kailan ang the best mag enter at  pangalawa kailan mag eexit? Kung predictable lang ang market madali lang naten yan masasagot ngunit hindi.

2B. Tatlong Mahahalagang Bagay na dapat I-konsider

    1.  )  Presyo ng Coin  Ang actual na presyo ng coin ay natutukoy batay sa market activity neto. Pag gumagawa ng desisyon kung kailan bibili or mag sesell, traders ay madalas na pi naghahambing ang presyo ng latest na presyo sa average price sa market. Halimbawa, kung ang isang coin ay nag tretrade sa .5$ per coin at ang average price nya sa market sa araw na iyon ay .7$, it may be worth buying. Kabaligtaran kung ang isang coin ay nag tretrade sa .9$ sa araw na iyon tapos ang average price nya sa market sa araw na iyon ay .6$, ang coin na iyon ay pwede nating ikonsider as overvalued at ang trader ay advised na lumayo nalang dito.

    2.  )  Triggering Event

Dapat alam mo kung anong event ang pwedeng mag cause ng  trend reversal. For example, Twitter Official posts. Coin Reviews or Crypto Currency daily News.

    3.  ) Ang iyong Decision Process

    Kapag gumagawa ng mga desisyon, dahil may isang trader din sa kabilang panig na handang bilhin ang iyong selling o ibinebenta kung ano ang gusto mong bilhin, dapat mong maiproseso ang may-katuturang data at gumawa ng isang mahusay na desisyon. Gayunpaman, imposibleng malaman ang lahat ng kailangan mong malaman at iproseso ito nang walang anumang bias. Sa kadahilanang ito, minsan tayo ay gumagawa ng panget na desisyon na maaring maging ikakalugi naten. Nagaganap ito kahit sa mga analytical na indibidwal.

2. Best Time to Buy And Sell

    Ang dalawang pinakamahalagang desisyon na gagawin ng trader ay kung kailan bibili at kung kailan mag bebenta. Ang pinakamagandang na oras para bumili ay kapag ang iba ay negatibo(bear market). Ang pinakamagandang oras na pag benta ay kapag ang iba ay aktibong bumibili(bull market). Kapag bumibili, tandaan na ang pag-asa ng isang mataas na return ay mas malaki kung bumili ka pagkatapos bumaba ang presyo nito kaysa halip pagkatapos ng pag taas ng presyo. Ngunit kailangan ang masusing pag-iingat.


Summary

    Ang crypto market ay isang kumplikadong lugar kung saan ang hindi angkop sa mga baguhan. Madaming kadahilanan kung bakit ang presyo ng mga coin ay tumataas at bumababa na maaaring mahirap na unawain. Dahil ang tanging sigurado ay pwedeng bumaba ng zero, kapag nag-invest ka, isaalang-alang ang pagdaragdag ng proteksyon (2FA verification, Avoiding Phishing sites atbp). Siguraduhin na ang coin na iyong binibili ay may potential. Maliban kung mahilig ka sa panganib, at maaaring iwasan ang paglagay ng masyadong maraming pera sa isang coin.

    Kailangan ng maraming taong kasanayan para ikaw ay maging dalubhasa sa crypto currency market. Maaari kang humingi ng patnubay sa taong kilala mo o di kaya pinag kakatiwalaan mo. Maaaring mukhang tulad lang ito ng miscellaneous expenses mo ngunit ang pagpunta sa hindi pamilyar na teritoryo ay kadalasang nagkakahalaga ng higit sa inaasahan mo.


Sources:
http://www.bitcointradingsites.net/features/demo-mode/
https://www.learn.altcoinfantasy.com/featured/2018/11/19/vbvbxvbvcb
https://www.forbes.com/sites/mikepatton/2015/04/28/five-basics-you-should-definitely-know-about-the-stock-market/#10aa9a447efa

Pages:
Jump to: