Magkano ba ang transaction fee or add-on kung magpapadala ka ng BTC sa Coins.ph or any wallet kung outside sa Pilipinas? For example gamit ang Coins.ph, may add-on fee na 40php kung magcacash-in ka ng 2000php sa 7-11 store. Sa hongkong or any other country, magkano ba? Mas maliit ba cya kaysa sa mga pera padala na existing ngayon?
Ang mahal sa coins.ph 70k satoshis ang miners fee halos mga 250 pesos kaya pag magpapadala ka ng maliit na amount lugi ka at yung fee sa coins.ph hindi sakto kapag nag bayad ka ng 0.0007 btc mas mababa pa yung gagamitin nilang fee. Sa blockchain at electrum pede ka pa mamili ng transaction fee. Nakabase ang fee depende kung busy ang network mas mahal pag maraming bitcoin transaction na unconfirmed.
syempre naman boss mas mahal kapag sa ibang bansa na, klaseng tanong yan. ang sinasabi mo ba dito ay kapag bibili ng bitcoin sa ibang bansa gamit ang coins.ph?? kung sa atin namamahalan kana mas mahal dun. kung ako sayo turuan mo na lamang sila kung papaano magkakaroon ng bitcoin sa pagsali sa mga signature campaign kaysa bumili kasi ang mahal ngayon malaki value ni bitcoin
Halimbawa lang yung sinabi niya, ang tanong niya magpapadala ng bitcoin. Parehas lang naman ang transaction fees kapag magpapadala ka ng bitcoin sa ibang bansa except na lang kung may fixed fee ang ginagamit mong wallet.