Author

Topic: [Translation] Pag limita ng gobyerno sa pang publikong impormasyon at pag-hayag (Read 177 times)

sr. member
Activity: 631
Merit: 253

Sobrang limitado talaga ng nga binabahaging impormasyon ng ating gobyerno patungkol sa paggamit nila ng pondo na ating pinagbuwisan. Ang madalas lang nilang ipinapaalam sa atin ay ang total cost o ang % na nagastos sa ating pondo. Walang breakdown. Harap-harapan na nga rin tayong niloloko eh, sobrang obvious ng mga kurakutan at overpricing ng mga proyektong gawang gobyerno.

Sa press freedom naman, limited ba tayo sa kasalakuyan?
Medyo matagal tagal na rin akong di nakakabisita sa ating local boards. Oo dahil noon pa man ang mga kababayan natin ay sobrang open pagdating sa social media, at halos ilahad na nila ang kanilang mga personal na impormasyon sa kani-kanilang BIO. Wala kasi sa konsepto ng ating mga kababayan ang pagiging pribado pagdating sa online at mga social media.

Tungkol naman sa gobyerno ay masasabing kong close to worse talaga ang takbo. Ayun nga sa sinabi mo na wala man lang breakdown kung saan nagagagastos ang lahat binabayad nating buwis basta ang pagkakaalam lang natin ay naglalaan lang sila ng pondo sa kung saan, halimbawa may pondong ilang milyon para makapagpatayo ng mga bagong paaralan. Hindi na kasi importante para sa mga kababayan natin ang mga kumplikadong calculation tungkol sa pera at kung saan man ito mapupunta, ang importante lang ay kung makakakuha sila ng benepisyo mula sa mga opisyal na namumuno o kaya naman manalo ang kanilang pambatong kandidato.
hero member
Activity: 2268
Merit: 789
Siguro sa ibang bansa ay ganito pa din ang sitwasyon tungo sa limitadong impormasyon sa publiko pero sa atin kasi ay sobrang open na ang lahat para makakuha ng impormasyon dahil sa social media. Madami na din kasing nagpopost ng mga leak information at madali ng makaupdate dahil pnipost na ang lahat sa social media.

I agree sa sinabi mo. Siguro malaking factor din dito na demokrasya pa rin ang system ng pag-vote natin where nasa masa talaga ang kapangyarihan kung sino gusto natin i-vote for our public officials. Not to mention, with our rich history of ousting leaders via a revolution of the people (people power 1 and 2), we can say na malaki talaga ang kapangyarihan ng bawat indibidwal sa atin.

Quote
Ang nakikita ko nlng limitadong impormasyon na hindi talaga ma solusyunan ay ang pagiging transparent sa mga budget na ginagastos ng gobyerno sa lahat ng mga project dahil tinatago nila ito sa publiko dahil obvious naman na dahilan. Mapalad tayo na mayroon tayong malayang access sa mga data.

In addition to this, may mga laws kasi tayo that forces our government officials to somehow circumvent transparency to their advantage. Naalala mo yung famous pork barrel dito? Napakalaking scandal ang nangyare dito and binigyan ng sobrang kapangyarihan ang ating senators to have their own funds and create projects to their liking without any possible transparency to the public.

Though ito nga yung case, I think madami nang innovations ang nagawa ang ating government system especially on the scrutiny due to our checks and balances among the executive, legislative and judiciary. Yun nga lang, sobrang clogged ang cases sa judiciary kaya medyo natatagalan ma-resolve yung mga ganitong problema.
legendary
Activity: 1680
Merit: 6524
Fully-fledged Merit Cycler|Spambuster'23|Pie Baker
Gumamit ka ng matatalinong salita, Eureka_07.

Sa katunayan, mahirap paniwalaan na ang isang gobyerno ay 100% bukas at tapat sa kanyang mamamayan. Ang interes ng mga pamahalaan ay kontrolin ang mga tao, hindi ang kontrolin ng mga tao. At ang pinaka-epektibong paraan ng pagkontrol ay sa pamamagitan ng pag-iwas ng impormasyon sa publiko.

Sa katunayan, ito ay naging mahirap na trabaho sa panahon ng teknolohiya, ngunit ang lahat ng mga pamahalaan ay may isang paraan o iba pa upang panatilihing pribado ang impormasyon -- kahit na ang makatwirang impormasyon.

Ang nilalaman ng artikulong ito ay isang totoong kwento at ang mga ganitong bagay ay nangyayari pa rin sa ating panahon. Ito ay dapat na isa pang dahilan upang huwag magtiwala sa mga sinasabi ng mga pulitiko at upang ilapat din ang prinsipyong ito: "huwag magtiwala ngunit i-verify"!
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited

Sobrang limitado talaga ng nga binabahaging impormasyon ng ating gobyerno patungkol sa paggamit nila ng pondo na ating pinagbuwisan. Ang madalas lang nilang ipinapaalam sa atin ay ang total cost o ang % na nagastos sa ating pondo. Walang breakdown. Harap-harapan na nga rin tayong niloloko eh, sobrang obvious ng mga kurakutan at overpricing ng mga proyektong gawang gobyerno.

Sa press freedom naman, limited ba tayo sa kasalakuyan?
hero member
Activity: 2954
Merit: 796
Siguro sa ibang bansa ay ganito pa din ang sitwasyon tungo sa limitadong impormasyon sa publiko pero sa atin kasi ay sobrang open na ang lahat para makakuha ng impormasyon dahil sa social media. Madami na din kasing nagpopost ng mga leak information at madali ng makaupdate dahil pnipost na ang lahat sa social media.

Ang nakikita ko nlng limitadong impormasyon na hindi talaga ma solusyunan ay ang pagiging transparent sa mga budget na ginagastos ng gobyerno sa lahat ng mga project dahil tinatago nila ito sa publiko dahil obvious naman na dahilan. Mapalad tayo na mayroon tayong malayang access sa mga data.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Hindi na lingid sa kalaman ng karamihan na maraming talagang impormasyong hindi pinapayagan ng gobyerno na makarating sa mga mamamayan.  Lalo na kung ang impormasyong ito ay napakasensitibo at may kinalaman sa sistema at implementasyon ng gobyerno na kung saan kapag nabunyag ay maglalagay  sa seguridad sa alanangain.  Bukod dito, natural din na itago ng gobyerno ang mga kalokohan na ginagawa nila.  Tulad ng mga under the table agreement at iba pa.

Ang mag lumalabas sa mga tv at mass media ay kadalasang nafifilter na ng gobyerno lalo na kapag ang balita ay may kinalaman sa mga kriminalidad na nagawa ng mga kinauukulan specially during the war on drug campaign noong panahon ni dating Pang. Duterte.
legendary
Activity: 1708
Merit: 1280
Top Crypto Casino
Akda ni: GazetaBitcoin
Orihinal na paksa: Governs try to limit access of public to information and freedom since ages




Ngayon magkakaroon ng karugtog ang ilan sa mga akdang gawa gawa ni GazetaBitcoin. 1, 2 and 3.

Alam naman natin na ang gobyerno ay sadyang mitikoloso sa pang usaping impormayon kahit dati pa man ito at isa na sa mga ito ay ang pag lilimbang ng mga diyaryong babasahin, simula 1448 ito na ay isa sa pang malawakang gamit para mag pahayag ng impormayos. Pag katapos ng pag gagawa nito ni Gutenberg ito ay nagging popular sa publiko at hindi na kaya ito ma-kuntrol ng gobyerno kasunod na nito ay ang pag gawa ng aklat, sulatin at iba pang porma ng pag papahayag ng impormasyon. Dahil dito ay dumami na din ang nag iimprenta ng mga akda. Taong 1517 hanggang 95 ang mga akda ni Martin Luther ay na imprenta ng libo-libong kopya at naisalin na din sa ibat ibang dayalekto, dahil dito ay nahatulan sya ng salang kamatayan pero dahil sa kanyang gawa ay namulat ang mga tao sa mga karanasan.

Kung sino ang may alam ay siyang mas makapang-yarihan, sa madaling salita ang mga ganitong impormasyon ay ang mga asa itaas na tao lang ang nakaka alam tulad ng mga taga pag patupad ng batas, simbahan, tulad sa nangyari kay Luther, at gusto nilang hindi mamulat ang mga mamamayan.

Balik tanaw sa kasalukuyan. Ang akda na The Times of Cypherpunks. Isa si John Gilmore sa mga ito kung saan ay taligwas sa NSA, o di kaya sya ay merong pag hihiganti sa mga ito, Isa sa mga kilalang maka tanyag na mga ayda ay noong 1989 ni Golmore kung saan ito ay na-isa publiko pero sikretong dokumento lamang. Ang may akda ay nag mula sa Xerox at Nasa kung saan ang Xerox mismo ang nag sabi na sirain ang akda na ito. Si John Gilmore ay tumaligwas dito sumakatuwid ay inilimbag nya pa ito sa internet, and nakita agad ng maraming tao at nag simula na ang hidwaan nila Gilmore at ng NSA.

Noong 1992 nagkaroon na naman sila ng alitan sa kadahilanang usaping pang impormasyon, ayon sa akda ni William Friedman, ang tinatawag na Grandfather of cryptograhy in USA ang sinabing iilan lang ang nakaka alam nito pero naisulat ito sa WWII. Tinaligwas ito ni Gilmore kung saan mas mainam na ito ay naisa-publiko. Inimbitahan nila NSA kung saan ipinakita ditto ang Freedom of Information Act pero sila ay tumanggi. Natagpuan nila ang isang akda ni Friedman sa isang silid aklatan kung saan ipinakita ito sap ag lilitis at pilit nila itong ibinibigay sa gobyerno, at siya ay inakusahan ng espionage at maaring makulong ng sampung taon. Kalaunan ay ang libro ay nalimbag padin at ito ay ang |

Ang kasong ito ay nailimbag din pero naipawalang bias dahil sa mga nailapat na dokyumento. Nanalo si John Gilmore sa kaso at ang mga tao kung saan ang impormasyon at bukas para sa lahat.

ipag laban ang kalayaan sa pag bibigay ng karapatang mag salita para sa sarili at sa iba. Ito ngayon ay nasasa-iyo.


Jump to: