Pages:
Author

Topic: [TUTORIAL] Send Bitcoin to Multiple Addresses in One Transaction Only - page 2. (Read 580 times)

legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
Very informative mate, I think ito yung ginagamit ng mga Campaign Managers para mas madali ang pag send ng BTCitcoin to their participants. I am just curious about the time of receiving, lahat ba sila at the same time darating yung btc nila to the designated wallet?
Oo, yung ibang mga campaign managers, ito yung gamit pag by batch sila nagbabayad sa mga hunters. Talagang the best ito para dun.

Yes, sabay dadating yung bitcoin sa mga wallet since nasa iisang transaction lang sila.
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
Very informative mate, I think ito yung ginagamit ng mga Campaign Managers para mas madali ang pag send ng BTCitcoin to their participants. I am just curious about the time of receiving, lahat ba sila at the same time darating yung btc nila to the designated wallet?

Maybe much appropriate gamitin ang term na Confirmation Time.

Yes it is.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1233
Very informative mate, I think ito yung ginagamit ng mga Campaign Managers para mas madali ang pag send ng BTCitcoin to their participants. I am just curious about the time of receiving, lahat ba sila at the same time darating yung btc nila to the designated wallet?
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
Alam mo ba na pwede ka makapag send ng Bitcoin galing sa iyong wallet papunta sa madaming iba't ibang wallet sa iisang transaction lang?
Ibig sabihin, isang transaction lang ang gagawin mo at isang transaction fee lang ang babayaran mo.

Advantage ng pag gamit ng ganito?
-Less transaction fee
-Less hassle

Halimbawa:
May lima kang kaibigan na gustong magsimula gumamit ng Bitcoin at gusto mo sila bigyan ng unang Bitcoin nila.


(Pawang mga kathang isip lamang ang mga ginamit na mga karakter sa larawan)

Mangyayari ay isang transaction lang ang gagawin mo, di mo na iisa-isahin mag send.
Mas makaka tipid ka na sa fee at less hassle, dahil iisang transaction lang gagawin mo. Gets?

Tutorial:
Dahil alam mo na kung pano ito gumana, tuloy tayo kung pano ito gawin sa iyong wallet.
Note: Hindi lahat ng wallet ay pwede sa ganito, ang alam ko lang sa ngayon na pwede ay ang Electrum, Bitcoin Core, Trezor, at Armory bitcoin wallets.

Index:
Electrum Wallet
Trezor Wallet
Bitcoin Core Wallet

Sa Electrum deskop wallet:

Pagka bukas mo ng Electrum Desktop wallet mo, Tools>Pay to many
Step 1:

ito makikita mo at sundan lang yung nasa picture.

Step 2:

  • 1st
    Ilalagay mo mga BTC address sa Pay to na field mga papadalhan mo ng Bitcoin.
    Next line lang pag dadagdag ka ng bagong address. Make sure may comma ( , ) ito after ng address para sa amount na gusto mo e send.
    <wallet address>,<amount>
    Ex.
    12Dnrcd5vjnSYCBy2E3xdzhbVv1P2vy1eS,0.01
    15HqMP4KRM93Bs23Lf9THt7uWZfQrymrFp,0.01
  • 2nd
    *Optional
    Description lng ito about sa transaction mo sa Electrum wallet mo, di ito makikita public.
  • 3rd
    Fee: Ikaw mag dedecide kung ilang fee ang gagamitin mo, sa electrum nag su-suggest siya kung ilan ba minimum or maximum. Pag gusto mo mabilis ma send, go ka sa pinakamataas, pwede ma adjust yan.
  • 4th
    Send.
    Bago ka mag send:
    Always double check yung mga nilagay mo na address kasi baka mali or may kulang ka, or mali yung amount na nailagay mo.
  • Import CSV file.
    Pwede ka gumamit ng Comma-Separated Values (CSV) file pag import ng mga addresses with amount na gusto mong e send dito.
    Pwede ka gumamit ng Microsoft Excel para dito, save mo lang as CSV file.

    Column A: Wallet address
    Column B: Amount na gusto mo e send.

DONE! Easy as 1,2,3.


Sa Trezor Wallet:

Halos pareho lang ang process ng pag send sa iba't ibang wallet.

Step 1:
Connect mo Trezor mo at pasok ka sa dashboard ng wallet mo.
At punta ka sa Send na tab.

  • 1st
    Click Send tab.
  • 2nd
    Add recipient:
    Dito mo na e aaddd ung mga address na pag sesendan mo.
    Pwede ka din dito mag import ng CSV file.
  • 3rd
    Fee:
    Select ka ng desired fee mo, mas mataas mas mabilis e confirm ang transaction mo.
  • 4th
    Send na!
    Always double check your entry! Make sure tama mga nilagay mo.
Tapos na! Easy as A,B,C! Mas madali sa Trezor kompara sa Electrum.


Sa Bitcoin Core Wallet:
Open and connect ka sa Bitcoin Core Wallet.

Then go ka sa Send tab


After that, you can fill na ang mga fields na required: bitcoin address, amount, etc.


Makikita mo sa arrow na green, pag gusto mo pa dumagdag ng mga receipents just click "Add Recipient".
Tapos dagdag lang yan another field, makikita mo sa square box na green.

Done!


Eto ang example na transaction gamit ang pag send sa iba't ibang address:
 

https://blockchain.info/tx/2d1b444fe63159032cc03bbb01e623bfc08d08bfa387d028fc6310a0bb96ccbd


May alam ka pa ba na ibang wallet na pwede mag send ng bitcoin to multiple addresses? share and post it below!

Sharing is caring ♥

P.S. : Ang mga nagamit na mga bitcoin addresses para sa mga example ay hindi ko pag mamay-ari.

Sources:
Re: How to send a transaction to multiple addresses? -BitMaxz
Re: How to send a transaction to multiple addresses? -LoyceV
Pages:
Jump to: