Dahil sa congested ang network ngayon, at maraming nagtatanong kung paano mapapabilis ma confirmed ang ating transaction, isang suwestiyon ang gumamit ng transaction accelerator.
So naisipan kung gumawa ng simpleng tutoryal tungkol dito para sa mga hindi pa nakakagamit nito or medyo nalilito pa sana makatulong sa inyo.
1. Pumunta sa official website nila: (
https://www.viabtc.com/tools/txaccelerator)
Makikita sa halimbawa na mayroong "Remaining hourly FREE transactions" 63 transactions na libre na pwede nating gamitin o i take advantage para mapabilis natin ang transaction.
2. I lagay ang iyong transaction ID sa "Please enter your Transaction ID" textbox at i-click ang "FREE submission" button.
3. Sagutin ang Captcha.
4. Makikita sa taas ang message na "
Successfully submitted an acceleration request" kung ang iyong transaksyon ay tinanggap.
Kung hindi ito pumasok, makikita nyong naman ang message na ganito: "
Submissions are beyond limit. Please try again later".
Ibig sabihin nito ubos na ang Free submission nila at kailangan mong mag-antay dahil every hour ang reset nito. So kung gusto mo mapasama ang transaction o mapabilis mag antay ka sa susunod na oras at ulitin ang proceso hanggang matanggap ang transaksyon mo, (UTC ang ginagamit nilang timezone).
Tapos makikita mo rin naman sa baba ang limitasyon ng free submission.
FREE Submission
01 Enter the TXID
Paste or enter the TXID you want to accelerate. The volume of a single transaction must be ≤0.5 KB, and the transaction fee rate should be ≥ 0.0001 BTC/KB.
Tingin ko sakto na to sa 1 input=1 output transaction. So halimbawa sa signature campaigns natin, pag pasok sa Electrum at ipapasok natin halimbawa sa Coins.ph or ano mang wallet, pwede na tong ≤0.5 KB.
Note: yung mga Transaction ID na ginamit ko, galing to sa mempool at hindi ito sa kin. At hindi mo na rin kailangan mag register ng account sa kanila unless gagamitin mo yung Paid Service nila.