Sa totoo lang dahil sa post mo napa-google search ako about sa UnionBank at doon ko nalaman na Ethereum blockchain ang gagamitin para sa kanilang sariling stable coin. para sakin kasi connected siya sa seminar nila dahil patungkol sa Ethereum blockchain ang main agenda ng training program at sa tingin ko na isa sa mga rason kung bakit nila ginawa ito ay upang makahanap na din ng mga pinoy devs na makakatulong sa kanilang proyekto.
Great news and congrats sa ating lahat, unti unti na talaga tayong nakikilala at naadopt ang crypto world, sa ngayon, ang medyo maarte na lang talaga na banko ang ang BDO, medyo dami question pag sinabi mong galing crypto ang iyong income, hindi ka nila papayagan na mag open ng account sa kanila hindi tulad ng RCBC. Sa ngayon, gusto ko matry mag withdraw sa Unionbank ATM, sana magkaroon dito sa province namin para mashare ko sa friends ko na legal ang Btc.