Pages:
Author

Topic: Unofficial Gcash Thread/ Discussion (Read 477 times)

sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
June 15, 2024, 12:11:10 PM
#39
Pwede ba sa thread na ito magbenta ng crypto? O wala tayong ganun dito sa Pilipinas na board? Ang hassle kasi simula nung nawala yung Binance sa Pinas at hirap din ako na magbenta sa mga kakilala ko dahil kailangan din nila yung pera at di nila agad maipapalit sa bitcoin o sa kung ano man na crypto yung ibebenta ko sa kanila. Sana talaga ay totoo ang balita na bablik ang Binance dito sa Pilipinas kasi sila lang yung katiwa-tiwala na centralized exchange na nagamit ko.
Sa thread na ito for sure bawal magbenta ng crypto at magiging out off the topic na yung post at maari itong madelete ng moderator kung saka sakali. Kung magpopost ka ng Buy & Sell ng crypto ang local lang din naman makakatransact mo pwede mo yan dito ipost sa Pamilihan Board dito sa Pilipinas, regardless kung ano pa man yan basta buy and sell. Lagay ka nalang ng options na BTC para hindi ma moved sa Altcoin Pilipinas. Okay lang yun kung counted yung post mo dun, samin kasi hindi.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
May 24, 2024, 09:11:21 PM
#38
Pwede ba sa thread na ito magbenta ng crypto? O wala tayong ganun dito sa Pilipinas na board? Ang hassle kasi simula nung nawala yung Binance sa Pinas at hirap din ako na magbenta sa mga kakilala ko dahil kailangan din nila yung pera at di nila agad maipapalit sa bitcoin o sa kung ano man na crypto yung ibebenta ko sa kanila. Sana talaga ay totoo ang balita na bablik ang Binance dito sa Pilipinas kasi sila lang yung katiwa-tiwala na centralized exchange na nagamit ko.

Idagdag ko lang kabayan na pwede rin nating ireport ito directly sa GCash by submitting a ticket: Spot and report unauthorized transactions or phishing
- For the most part, mas effective sila kaysa na tayo pa mismo ang ko-contact sa mga registrars.
Salamat sa reminder na ito, siguradong magagamit ko to sa mga bwisit na nagspam sa number ko ng text messages, karamihan sa mga tarantado ay gumagamit ng GCash kaya tingin ko ay magagamit ko ito para mareport sila, hopefully ay responsive si GCash regarding sa mga ganito na issue kasi kung mas matagal yung dating nung report ay mas matagal din na nasa kalayaan pa yung mga scammer at tumataas yung chance na may mabibiktima sila.
hero member
Activity: 3136
Merit: 579
May 24, 2024, 10:35:16 AM
#37
Dito ko na lang i post to,



So ngayong hapon lang to makikita nyo naman sa oras, so ingat ingat at wag basta mag click ng mga links or ibigay ang OTP nyo kasi kitang kita na phishing attempt to.

At alam naman nating ang dami nang naglipana na scammers dito sa Pilipinas at tinatarget ang may mga Gcash account.

Sa lahat talaga ang Gcash ang pinaka targeted ng mga hackers at scammers kasi marami tayong mga kababayan na hindi educated kung paano nia ma protektionan ang kanilang account sa isang bagauhan malamang i click ang link na yan.
Buti naman at ang Gcash ay palaging may paalala tuwing nag rerequest ka ng OTP minsan pa nga ay humihimgi sila ng verification para malaman na yung tunay na user ang gumagamit.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
May 22, 2024, 01:29:02 PM
#36
ingat at wag basta mag click ng mga links or ibigay ang OTP nyo kasi kitang kita na phishing attempt to.
Idagdag ko lang kabayan na pwede rin nating ireport ito directly sa GCash by submitting a ticket: Spot and report unauthorized transactions or phishing
- For the most part, mas effective sila kaysa na tayo pa mismo ang ko-contact sa mga registrars.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
May 22, 2024, 09:06:15 AM
#35
Dito ko na lang i post to,



So ngayong hapon lang to makikita nyo naman sa oras, so ingat ingat at wag basta mag click ng mga links or ibigay ang OTP nyo kasi kitang kita na phishing attempt to.

At alam naman nating ang dami nang naglipana na scammers dito sa Pilipinas at tinatarget ang may mga Gcash account.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 04, 2024, 02:44:38 PM
#34
Mismo. Bukod dyan mate is malaki din kasi ang kinikita ng gobyerno natin sa mga online casino na ito. Kaya kahit na gusto man nilang pagbawalan o magpa lielo sa mga sugal para sa tao hindi nila magawa kasi mababawasan kita nila. Di ba nga isa ito sa mga dahilan bakit yung mga nawawalang mga sabungiro hindi umuusad ang kaso kasi nga nag aalangan na mabawas kita ng gobyerno. Naalala ko nun sa isang buwan daw 600M ang kita ng gobyerno sa mga ganitong mga online casino. Kaya malabong mawala ang sugal sa mga iwallet na yan kasi pati gobyerno supportado yan.
Ganun na nga, kaya hindi dapat tayo mangamba kung sakaling magkaroon ulit ng ganitong issue. Sa sobrang daming users ng online casino sa application nila, baka nga hindi na nila alisin yan at mas damihan pa nila yan sa susunod na panahon.

Sa pagkakaalala dati ay halos nakatago pa yung section sa gcash at bingo plus lang ang available game. Sobrang upgraded na nga ngayon ng casino sa gcash since may sarili na itong category under games while dati ay na social category pa sila kasama nung mga free to play games.

Sobrang dami kasi talagang gambler na pinoy na gumagamit ng gcash sa pag deposit kaya sigurado yan na mas dadami pa ang mga casino soon sa gcash dahil sobrang laki ng kita nila dito. Sobrang lakas dn ng mga gcash cash in at cash out outlet kaya duda ako na may magrerekalmo dito sa mga casino sa gcash app kahit na madaming talo sa sugal.
Andali na kasi ng access verified  account lang didiretso ka na agad sa pagsusugal at kung wala naman problema sa account mo madali din yung cash in cash out direkta pa kesa mag create  ka ng account sa mga online casino na minsan mahirap magcash out dahil sa mga policy na dapat sundin,  unlike dito sa gcash kaya siguradong mas Dadami pa talaga yung mga casino casino nq makikipag partner  sa kanila kahit madaming talunan madami pa rin ang gagamit ng gcash para magsugal.
hero member
Activity: 1512
Merit: 605
Bitcoin makes the world go 🔃
February 04, 2024, 07:13:28 AM
#33
Mismo. Bukod dyan mate is malaki din kasi ang kinikita ng gobyerno natin sa mga online casino na ito. Kaya kahit na gusto man nilang pagbawalan o magpa lielo sa mga sugal para sa tao hindi nila magawa kasi mababawasan kita nila. Di ba nga isa ito sa mga dahilan bakit yung mga nawawalang mga sabungiro hindi umuusad ang kaso kasi nga nag aalangan na mabawas kita ng gobyerno. Naalala ko nun sa isang buwan daw 600M ang kita ng gobyerno sa mga ganitong mga online casino. Kaya malabong mawala ang sugal sa mga iwallet na yan kasi pati gobyerno supportado yan.
Ganun na nga, kaya hindi dapat tayo mangamba kung sakaling magkaroon ulit ng ganitong issue. Sa sobrang daming users ng online casino sa application nila, baka nga hindi na nila alisin yan at mas damihan pa nila yan sa susunod na panahon.

Sa pagkakaalala dati ay halos nakatago pa yung section sa gcash at bingo plus lang ang available game. Sobrang upgraded na nga ngayon ng casino sa gcash since may sarili na itong category under games while dati ay na social category pa sila kasama nung mga free to play games.

Sobrang dami kasi talagang gambler na pinoy na gumagamit ng gcash sa pag deposit kaya sigurado yan na mas dadami pa ang mga casino soon sa gcash dahil sobrang laki ng kita nila dito. Sobrang lakas dn ng mga gcash cash in at cash out outlet kaya duda ako na may magrerekalmo dito sa mga casino sa gcash app kahit na madaming talo sa sugal.
full member
Activity: 467
Merit: 100
Binance #Smart World Global Token
February 04, 2024, 06:58:29 AM
#32
Mismo. Bukod dyan mate is malaki din kasi ang kinikita ng gobyerno natin sa mga online casino na ito. Kaya kahit na gusto man nilang pagbawalan o magpa lielo sa mga sugal para sa tao hindi nila magawa kasi mababawasan kita nila. Di ba nga isa ito sa mga dahilan bakit yung mga nawawalang mga sabungiro hindi umuusad ang kaso kasi nga nag aalangan na mabawas kita ng gobyerno. Naalala ko nun sa isang buwan daw 600M ang kita ng gobyerno sa mga ganitong mga online casino. Kaya malabong mawala ang sugal sa mga iwallet na yan kasi pati gobyerno supportado yan.
Ganun na nga, kaya hindi dapat tayo mangamba kung sakaling magkaroon ulit ng ganitong issue. Sa sobrang daming users ng online casino sa application nila, baka nga hindi na nila alisin yan at mas damihan pa nila yan sa susunod na panahon.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
February 04, 2024, 05:33:12 AM
#31
Mabuti naman at meron na rin Gcash thread. Malay natin sooner or later meron din representative ng Gcash na mag entertain sa atin dito para sa kanilang mga services like Coins.ph noon.

So meron na ba sa inyo na nagcashout thru Gcash from crypto? Instead of other platforms especially Binance kung saan libre, mabilis at mataas ang rate sa kanilang peer to peer. Kumusta naman kaya ang GCash experiences at ang rates.

Early February na tayo at di ko pa rin nagawang e-widraw yung Binance balance ko. At few days ago dun pa rin ako nag cashout using p2p.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
February 03, 2024, 01:54:56 PM
#30
Magandang balita, balik na uli sa normal yong operasyon ng Gcash pati mga betting platforms nila ay okay na. Pwede na ulit tayo tumaya sa ArenaPlus at SpotsPlus. Akala ko kasi noong una ay tuluyan na nila itong tatanggalin dahil sa mga reklamo hehe pero mali pala ako, may update lang sigurong silang dinagdag.

Malabo na ata na alisin nila yan dahil malaki ang nakukuha nila sa mga palarong iyan. Dagdag active users din ang pagkakaroon nila ng mga games sa platform nila. Official partner din nila yang mga games na yan, yung iba nga nakikita ko sa mall gaya ng bingo plus na naghihikayat ng bagong manlalaro para subukan ang mga laro nila.

Mismo. Bukod dyan mate is malaki din kasi ang kinikita ng gobyerno natin sa mga online casino na ito. Kaya kahit na gusto man nilang pagbawalan o magpa lielo sa mga sugal para sa tao hindi nila magawa kasi mababawasan kita nila. Di ba nga isa ito sa mga dahilan bakit yung mga nawawalang mga sabungiro hindi umuusad ang kaso kasi nga nag aalangan na mabawas kita ng gobyerno. Naalala ko nun sa isang buwan daw 600M ang kita ng gobyerno sa mga ganitong mga online casino. Kaya malabong mawala ang sugal sa mga iwallet na yan kasi pati gobyerno supportado yan.
full member
Activity: 467
Merit: 100
Binance #Smart World Global Token
February 03, 2024, 07:38:28 AM
#29
Magandang balita, balik na uli sa normal yong operasyon ng Gcash pati mga betting platforms nila ay okay na. Pwede na ulit tayo tumaya sa ArenaPlus at SpotsPlus. Akala ko kasi noong una ay tuluyan na nila itong tatanggalin dahil sa mga reklamo hehe pero mali pala ako, may update lang sigurong silang dinagdag.

Malabo na ata na alisin nila yan dahil malaki ang nakukuha nila sa mga palarong iyan. Dagdag active users din ang pagkakaroon nila ng mga games sa platform nila. Official partner din nila yang mga games na yan, yung iba nga nakikita ko sa mall gaya ng bingo plus na naghihikayat ng bagong manlalaro para subukan ang mga laro nila.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
February 03, 2024, 03:41:40 AM
#28
Magandang balita, balik na uli sa normal yong operasyon ng Gcash pati mga betting platforms nila ay okay na. Pwede na ulit tayo tumaya sa ArenaPlus at SpotsPlus. Akala ko kasi noong una ay tuluyan na nila itong tatanggalin dahil sa mga reklamo hehe pero mali pala ako, may update lang sigurong silang dinagdag.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 02, 2024, 06:56:47 PM
#27
Tama kabayan dahil may gcrypto naman na din si Gcash kaya okay na okay na sinimulan mo itong thread na ito. Para kung may concern sa gcash related transactions at features, dito nalang din natin pag usapan dahil wala pa ngang main thread para dito.
What if kaya no kung may mismong Gcash/Gcrypto rep ang dumaan dito sa forum at maging official representative nila. Kasi kay coins.ph nangyari dati kaso hindi din tumagal.

Hindi ko na try gamitin yung Gcrypto feature ni Gcash, may mga nababasa kasi akong feedback galing sa mga crypto enthusiast sa social media na medyo mag kalokohan din itong Gcrypto, dahil kapag tumaas yung presyo ng Bitcoin or any altcoin na supported ng Gcrypto ay bigla daw nag ma-maintenance. Not sure kung gaano ka totoo, pero kadalasan sa mga nababasa kong comment ay galing sa mga legit social media accounts.
Well, hanngat andyan pa si Binance P2P ay yan parin ang gagamitin ko kasi mas komportable ako dito.

Yan din yung mga nababasa ko kaya alanganin pa rin ako at dahil nga buhay pa naman si Binance eh yun pa rin ang madalas ko na gamitin hanggat hindi pa naman napfifinalize na magsasara na yung service nila dito sa bansa, dagdag hassle at stress kasi ung exicited ka magpadala ng assets mo tapos biglang maintenance.

May alam ba kayo kabayan kung bakit nawawala yong Gcash as Play Store?

Ewan ko kung totoo pero may balita daw na until February 10 nalang sila, yong kasamahan ko sa trabaho ang nagsabi pero wala akong article na nakita kaugnay nito.

Fake news daw yan bro, nag post yung official Gcash facebook page kahapon.



Meron pala talagang ganitong naging issue buti na lang meron na silang official statement, gamit ko kasi sa mga bills ko yung gcash kaya medyo need ng adjustment kung sakaling magsara pero hindi naman pala.
hero member
Activity: 2828
Merit: 553
February 02, 2024, 09:20:03 AM
#26
Tama kabayan dahil may gcrypto naman na din si Gcash kaya okay na okay na sinimulan mo itong thread na ito. Para kung may concern sa gcash related transactions at features, dito nalang din natin pag usapan dahil wala pa ngang main thread para dito.
What if kaya no kung may mismong Gcash/Gcrypto rep ang dumaan dito sa forum at maging official representative nila. Kasi kay coins.ph nangyari dati kaso hindi din tumagal.

Hindi ko na try gamitin yung Gcrypto feature ni Gcash, may mga nababasa kasi akong feedback galing sa mga crypto enthusiast sa social media na medyo mag kalokohan din itong Gcrypto, dahil kapag tumaas yung presyo ng Bitcoin or any altcoin na supported ng Gcrypto ay bigla daw nag ma-maintenance. Not sure kung gaano ka totoo, pero kadalasan sa mga nababasa kong comment ay galing sa mga legit social media accounts.
Well, hanngat andyan pa si Binance P2P ay yan parin ang gagamitin ko kasi mas komportable ako dito.

May alam ba kayo kabayan kung bakit nawawala yong Gcash as Play Store?

Ewan ko kung totoo pero may balita daw na until February 10 nalang sila, yong kasamahan ko sa trabaho ang nagsabi pero wala akong article na nakita kaugnay nito.

Fake news daw yan bro, nag post yung official Gcash facebook page kahapon.

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
February 02, 2024, 12:22:17 AM
#25
Ewan ko kung totoo pero may balita daw na until February 10 nalang sila, yong kasamahan ko sa trabaho ang nagsabi pero wala akong article na nakita kaugnay nito.
May nakita akong video tungkol dito, pero I highly doubt magkakatotoo ito!
yep! nakita ko kahapon sa facebook page nila na nag labas sila ng statement na fakenews lang daw yung kumalat na balita na hanggang feb10 na lang sila, pero pag check ko ngayon sa fb page nila di ko na makita yung post nila tungkol dun sa fakenews. but as we can see na available na sa playstore ulit yung GCASH.

Balik na nga yong app nila sa Play Store, pero ang hindi pa nila naibabalik ay tong mga betting platforms nila kagaya ng ArenaPlus at SportsPlus. Sayang finals pa naman ng PBA kaya mapipilitan nalang ako tumaya sa mga crypto bookies ngayon.

May chance pa kaya na maibabalik ang mga yon, baka kasi matulad to sa online sabong eh na tinanggal nila sa Gcash dahil sa dami ng reklamo.

Buti nga lang na withdraw ko na mga winnings ko sa platform nila, meron pa rin naman daw sa mga nak Iphone or IOS, pero sa Android hanggang ngayon hindi na ma-access,



Kaya dun ako sa kabila naglalaro ngayon, sa Paymaya, BingoPlus at ArenaPlus at PeryaGame nandun.  Grin
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
February 01, 2024, 10:33:30 PM
#24
Ewan ko kung totoo pero may balita daw na until February 10 nalang sila, yong kasamahan ko sa trabaho ang nagsabi pero wala akong article na nakita kaugnay nito.
May nakita akong video tungkol dito, pero I highly doubt magkakatotoo ito!
yep! nakita ko kahapon sa facebook page nila na nag labas sila ng statement na fakenews lang daw yung kumalat na balita na hanggang feb10 na lang sila, pero pag check ko ngayon sa fb page nila di ko na makita yung post nila tungkol dun sa fakenews. but as we can see na available na sa playstore ulit yung GCASH.

Balik na nga yong app nila sa Play Store, pero ang hindi pa nila naibabalik ay tong mga betting platforms nila kagaya ng ArenaPlus at SportsPlus. Sayang finals pa naman ng PBA kaya mapipilitan nalang ako tumaya sa mga crypto bookies ngayon.

May chance pa kaya na maibabalik ang mga yon, baka kasi matulad to sa online sabong eh na tinanggal nila sa Gcash dahil sa dami ng reklamo.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
February 01, 2024, 04:29:00 PM
#23
Ewan ko kung totoo pero may balita daw na until February 10 nalang sila, yong kasamahan ko sa trabaho ang nagsabi pero wala akong article na nakita kaugnay nito.
May nakita akong video tungkol dito, pero I highly doubt magkakatotoo ito!
yep! nakita ko kahapon sa facebook page nila na nag labas sila ng statement na fakenews lang daw yung kumalat na balita na hanggang feb10 na lang sila, pero pag check ko ngayon sa fb page nila di ko na makita yung post nila tungkol dun sa fakenews. but as we can see na available na sa playstore ulit yung GCASH.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
February 01, 2024, 02:17:12 PM
#22
May alam ba kayo kabayan kung bakit nawawala yong Gcash as Play Store?
Nag-isyu sila ng "advisory kanina" na nagsabing dahil ito sa pag-update nila ng ilang features ng Android version nila.
- Available na ulit ang GCash sa Play Store.

Ewan ko kung totoo pero may balita daw na until February 10 nalang sila, yong kasamahan ko sa trabaho ang nagsabi pero wala akong article na nakita kaugnay nito.
May nakita akong video tungkol dito, pero I highly doubt magkakatotoo ito!
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
February 01, 2024, 02:45:47 AM
#21
May alam ba kayo kabayan kung bakit nawawala yong Gcash as Play Store?

Ewan ko kung totoo pero may balita daw na until February 10 nalang sila, yong kasamahan ko sa trabaho ang nagsabi pero wala akong article na nakita kaugnay nito.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
January 31, 2024, 02:28:10 PM
#20
Ano sa tingin niyo maganda kaya itong feature na ito na dinagdag ni Gcash? Nakita ko ito sa mga facebook posts parang magiging hassle ito kung nakikipag p2p transactions ka dahil 30 days ay pwede nilang refund ang sinend nilang pera sa ibang tao.
Maganda kung ikaw ang sender kasi protected ka for 1 month tapos one time payment lang. Pero sa receiver, hindi, kasi nga may chance na bawiin ng nagpadala yung pera. Kaya kalimitan ng seller online (at kahit sa p2p) hindi nila ina allow yung ganito dahil risky sa part nila. Ang masaklap nyan pag na check mo na kahit accidentally lang at nag process, kada transaction lagi ng ganyan.

Kaya kelangan talaga munang unawain bago mag decide kung gusto mo ba maging protected. Isipin mo din yung sender dahil kahit wala ka namang intensyon na magpa refund eh hindi mawawala yung doubt sa part nila.
Pages:
Jump to: