Ngek? Ganun talaga? Erm, parang hindi ata sapat yung $75 para bigyan mo sila ng full access sa PC mo. Pwede mo ngang kitain yun dito s a forum in a week or two. FB adverstising lang naman pinapagawa sayo, kung tutuusin di naman nila kailangan malaman kung ano yung iba mo pang naka-open na program. Saka ba mamaya makalimutan mong may nakasave ka pa lang scandal mo dun, baka makita pa yun, sumikat ka pa!
Ewan natin ang hirap na talaga maniwala so good to be true na lang kasi halos lahat. Nabiktima na din kasi ako kaya hirap na ako magtiwala ng mga ganyan at di ko din ipagkakatiwala ang pc ko.
Online work din ba o iba yung nakadale sayo? Ako nasubukan ko na madale nung tinatawag nilang HYIP - basically Ponzi scheme lang. Di naman talaga ako nagpapaniwala sa mga ganyan pero para tigilan na ako ng kuya ko ng kakatanong kung sinubukan ko na, nagpasok ako ng pera dun sa btcriver. As expected after ilang days di na-accessible yung site. Buti na lang mga Php300 yung pinasok ko dun.
Teka pala, ano yan magkaiba yung sig mo sa avatar, hiwalay na bayad din ba yang avatar mo?