Daming klase ng wallet ngayon na nagsulputan at hindi mo talaga alam kung alin dito ang pinakasafe at pinakahindi kaya naman dapat mamili tayo ng uri wallet na sa tingin natin na safe talaga na maaaring protektahan ito sa mga mapagsamantala na gustong kunin ang ating mga coins na nasa wallet ang gamit ko ngayon ay online wallet at maybe in the future gagamitin din ako ng ibang wallet.
Kahit marami namang nagsulputang mga walle diyan alam naman ang wallet na maari nating pagkatiwalaan at sa hindi.
Gaya ng coins.ph ito ay isang online wallet na maaari nating gamitin dito sa Pilipinas at alam naman talaga na ito ay napakalegit namaaari na nating gamitin dahil ito ay subok na simula pa lang nung una until now.
Doon na lang tayo sa safe and trusted, yes, so far mga income ko sa posting, trading and sa freelance work ko directed sa coins.ph and okay naman, never pa naman ako nagkaroon ng problema dito, pero kapag token siyempre MEW ang gamit ko kasi trusted ko na siya ever since na nagstart ako, diretso cash out naman ako lagi, kunti lang hold ko para hindi masyadong masakit if ever.
Payo ko lang kabayan, huwag masyadong kampante sa pag-hold sa coins.ph kasi balita ko minsan nangla-lock sila ng account once na na-detect nila na may suspicious activity na kahit minsan ay wala naman talaga. Although convenient ngang gamitin, maganda pa ding practice ang mag-hold sa harware wallet gaya ng ledger kung ang balak mo ay mag-hold ng pang matagalan.
Tama ang sinabi ni Ashong. Wag masyadong kampante dahil lamang sa kadahilanang wala namang problemang na-encounter so far. Mapagkatiwalaan ang kahit anong wallet until such time na may aberya or nagkaroon ng problema. Lagi namang ganun. At the end of the day, kapag dun na tayo kumilos at naliwanagan sa tuwing may aberya na, wala na tayong mababalikan pa.
May account ako sa Bitfinex dati, walang problema. May account din ako sa Cryptopia dati, wala ring problema. Pero isang araw nabalitaan ko na lang na ang mga exchanges na ito ay na-hack, at from then on hindi na nakabangon pa. Buti na lang wala akong funds na naipit sa Bitfinex pero sa Cryptopia meron at medyo significant pa. Minsan ding na-block ang HitBTC account ko pero buti na lang naayos ang lahat. Ganun pa man, naging lessons lahat ng yun.
Kapag ang coins mo ay for HODLing, mas mabuting naka-store ito sa isang hardware wallet o kahit man lang wallets na nasa iyo ang private keys. Kapag hindi ka naman nagtitrade, walang dahilan kung bakit sa exchange wallets mo i-store ang mga coins mo. Kapag hindi mo naman balak na gastusin o i-convert into PHP ang mga coins mo, wala ring dahilan kung bakit sa coins.ph mo i-store ang mga ito.