Ang thread na ito ay aking ginawa upang ilaan sa usapang merito at upang ibahagi ang ating iba't ibang pananaw kaugnay dito.Unang tanong, anong preperesya mo sa pag bibigay ng merits?Nag dadalawang isip ako bago ko isagawa ang aksyon na ito, ngunit isang thread sa board natin ang nakatulong ng malaki sa akin, hindi lamang sa aking crypto space world ngunit pati narin sa aking pag aaral sa kolehiyo. gawaan ng proyekto namin ngunit ang aking PC ay nagloko sa point na sobra kong kailangan ng tulong hanggang sa nabasa ko ang thread na ito tungkol sa paraan kung paano magkaroon ng kopya ng
Windows 10. Sinubukan kong unaawain at ang maganda dito, naiformat ko ng maayos ang aking PC.
Dahil jan, ito ang unang beses kong magpakawala ng malaking bilang ng merit, medyo selfish kung titignan ngunit para sa akin, ang pag bibigay ng merit ay hindi lamang naka kulong sa kung ano ang pananaw ng madami sa ating post, ngunit kung gaano ito nakatulong ng malaki sa atin.
isang step na din siguro ito para buksan ko ang ating pananaw na huwag nating itago ang mga merito na ating natatanggap. Ang merito ay napapalitan at hindi dapat na ipinagkakait sa mga karapat dapat at ang huli ay hindi masamang mag bigay ng maraming merit dahil patuloy parin naman itong mag sa-cycle sa ating forum.
Pangalawang tanong, makatutulong ba ang pag bibigay ng merit para sa ating local board?Para sa akin, oo, napapansin ko na matapos ang yobit campaign, tila kumokonti ang bilang ng mga post sa ating local board, kaya para sa akin, wala mang campaign, maiging bigyan ng motibasyon ang bawat isa sa patuloy na paglikha ng mga magagandang post sa pamamagitan ng pag aappreciate nito sa tulong ng merits.
Nakatutulong nga ba ang merit spree topic na nililikha ng iba, upang makaenganyo ng magagandang post?Marahil napa isip ka sa tanong na ito, ako din naman, tinatanaw ko itong isang magandang gawi dahil na bibigyan ng suporta ang mga patuloy na lumilikha ng magagadang post ngunit isa sa downside na nakita ko dito ay ang pagiging panandalian nito. Marami sa mga miyembro ay nagiging aktibo lamang kung mayroong ganitong post (kasama na din ako), ngunit mas magandang maiemphasize base sa aking pag ninilay nilay na maging isang gawi ang pamamahagi ng merit at maisantabi ang ilang pag aalinlangan kung mayroong magandang post na nararapat makatanggap ng merito. Dito, Long term at patuloy ang pag unlad ng kalidad ng ating forum.
Kinakailangan ba ng mga merit sources - base sa rank ng mga miyembro?Isang topic sa Meta na pinamagatang
Do we need merit sources for low ranks? ang aking nabasa at napagnilayan, kailangan nga ba ng merit sources na na sentro sa mga mababang rank lamang? ano nga ba ang mga dapat isa-alang alang sa pag kakaroon ng merit sources? Ilan sa aking mga naisip ay ang Bansa at nasasakupan nito, kadalasan sa mga bansa ay mayroong sariling lenggwahe at isa ito sa mga dahilan kung bakit kinakailangan na mag karoon ng merit source bawat bansa, upang mas matutukan ang mga kasapi nito at panatilihin ang magandang sistema ng ating forum. Kabilang banda naman, ang ideya ng pamamahagi ng merit sa mga miyembrong mayroon lamang na mababang rank para sa akin ay hindi naman kinakailangan, ang mga merit source ay maalam ay may natural na
instinct kung sino ang karapat dapat na mag karoon ng merit, marahil marami ang natatanggap ng mga higher ranks sa kadahilanang talaga namang magaganda ang mga post nila at malaman batid narin sa haba ng experience nila dito sa forum. Hindi nito inaalisan ng oportunidad ang mga newbies na magka merit sapagkat kailangan natin maunawaan na mahirap mag rank up dahil epektibo ang ating sistema, kung kinakailangan, dadaan sa mahabang panahon ang bawat newbies natin upang mag karoon ng mga solidong post na nararapat magkamerit.
Isang inspirasyon sigurong maituturing si nullius dahil sa mga contents niyang malaman at mabigat sa kabila ng kanyang mababang activity ngunit mataas ng merit count. Ilan lamang ito sa mga tanong na nasa aking isipan, at nais ko din malaman ang inyong pananaw ukol dito, at bilang karagdagan, ang thread na ito ay malaya kaya't kung kayo mayroon ding mga katangunan kaugnay dito, maaari natin itong pag usapan.