sanay kasi tayong mga pilipino na kapag naglabas ng pera ay gusto agad kumita ng malaki kaya ang daming mga pilipino ang naloloko dahil sa mga pangako ng mga investment site na ganun, sino ba namang hindi maiinganyong magbitaw ng pera kung sasabihin sayo na dodoble agad ang pera mo sa loon lang ng 1buwan.
Ang problema kasi ang hihilig sa mabilisang kita. Kapag legit ang inaalok ang daming arte kasi kesyo mabagal raw ang kita. Maliit ang tubo. Pero kapag may nag-alok ng malakihang tubo sa maiksing panahon, labas agad wala ng tanong tanong kaya ayan tuloy scam ang dating. Iyak-tawa sa huli, minsan tuliro kasi yung buong savings itinaya sa investment program na scam pla.
Kaya minsan need talagang pag-aralan ang mga offer. Kapg masyadong maganda ang offer , yung tipo bang wala sa katotohanan mag-isip isip ka na. Saka alamin mabuti ang background at mga legalities.
Nakakatawa man isipin pero siguro ganun na nga ang karamihan sa atin ngayon, kung may mas madaliang paraan go lang ng go without thinking further lalo kung ang nag invite sayo ay kaibigan o kamag-anak mo, andun kasi tayo sa point na madali tayo magtiwala kaya nga sana maituro na lang natin ang mga karanasan natin sa mga kapatid at anak natin para hindi mangyari sa kanila.