I already tried Binance P2P and mas malaki pa jan transaction ko, pero gumagamit ako multiple banks para safe na din.
Always find ung mataas na review at madami ng succesful transaction sa Binance P2P para mas safe.
Ito pa rin talaga ang best way para magwidraw. Gamit ng maraming bank accounts at financial platforms tulad nina Gcash at Paymaya para mascatter. Although, kung ang account ay meron mga malikhang transactions sa past, wala naman problema si $6k lalo na hindi naman umabot ng 400k sa peso. Sa AMLA kasi ng Pinas noon, P500k talaga ay medyo maging alert si bangko lalo na kung unsual sa account o di kaya walang business, etc. Pero kalaunan ay kahit pala P400k ay mainit na rin sa mata nila.
Tsaka wag na rin kalimutan ang mga limits pag hindi bangko ang paglagyan. Sa Gcash kung saan into ang pinakapopular ay P100k lang yan monthly unless hihingi kang special limits.