Isa sa naiisip ko is Health Care. Pwedeng gamitin ang blockchain technology para mag track o kaya mag tabi ng medical records. Imaginin mo sa araw araw kung gaano karaming medical records ang napproduce sa mga hospital, clinics, etc. Kung may system na pwede pag lagyan ng mga ito na madaling maaccess at secured, ang naiisip ko lang ay blockchain. Sa totoo lang maraming pwede pag gamitin ng blockchain technology, at sa ngayon nasa early stage pa lang tayo ng adaptation, kaya siguro in the near future magagamit na natin to sa pang araw araw na gawain.
Isang malaking advantage kung maiinvolve ang blockchain technology sa healthcare system ng ating bansa. Isa nga yan sa struggle ng mga nasa medical fields. Siguro isa ring magandang paggamitan nito ay ang health insurance ng mga Pilipino. Sana iacknowledge ng gobyerno ang pagaccept ng crypto sa health insurance or magkaroon ng isang company ng insurance na puro cryptocurrency muna ang ipaprioritize. Sa ganitong paraan ay mas makikilala ang crypto sa iba't ibang important fields.
Sa totoo lng, sa sobrang delayed natin sa technology due to corruption napakalaking hakbang ang gagampanan ng blockchain sa araw araw nating gawain. Healthcare, governance, election, banking and finance, education, etc... lalo na sa mga ginagamitan ng salapi. Malaking transparency ang mangyayari kung madevelop natin ang cryptocurrency.
Ang gobyerno natin ay isa lamang sa mga factors sa technology advancement natin pero hindi natin pwede isisi lahat sa gobyerno. Maraming nag attempt na pinoy na gumawa ng sarili nilang project pero karamihan sa mga projects na yun ay hindi na nag eexist ngayon. Dahil sa nag pa silaw sa pera ang founders at usually yun yung dahilan kung bakit sa tingin ko onti lang international investors sa pinoy na project dahil sa pagkawala nila ng tiwala. Though may mga projects padin na pinoy yung members na nag eexist padin and tuloy lang sa pag develop. Isa din sa mahirap na part sa blockchain technology is yung implementation kasi parang new whole system yung papalitan if ever maiapply yung blockchain tech sa government services like sa healthcare. Sa international companies naman like ibm, As far as I know gumagamit na sila ng blockchain technology sa company nila. Let's just hope na soon after ma prove ng ibang bansa yung effectiveness ng blockchain is ma apply din saatin kahit late na. For sure mag babago ang bansa natin since magiging transparent na tayo.
Totoo, ang implementation part ang mahirap, mapapalitan ang buong sistema kung sakali mang maiplement ang blockchain. Isa pa, takot ang lahat sa pagbabago, nandyan ang pagdududa. Isipin mo bago nauso ang internet era, iilan lang ang gumagamit ng internet, halos lahat walang alam dito, pero malaking advancement ang pagkakaroon ng internet, walang choice ang lahat kung hindi sumunod ang lahat. Tignan mo naman ngayon halos lahat internet dependent na, business, school, healtcare system, government, at marami pang iba. Siguro kailangan lang talagang may mag simula at kapag nakita nila ang tulong at convenience ng blockchain tech, everything will follow.