Isa to sa rason kung bakit marami tayong mga low-quality posters at spammers(not talking about pinoys specifically).
Maybe magandang i front muna ang kaalaman kaysa kita, baka kasi mainterpret agad ng viewers na yung goal sa bitcointalk is to earn not to learn. But if earning would be secondary, I think this would be a better way to advertise bitcointalk community.
Ang isa sa napansin ko ano sa mga pinoy, hindi naman lahat pero karamihan ay pinapasok ang lahat ng website na pwedeng pagkakitaan, sa ibang bansa din siguro ganon pero sa pilipinas yun talaga ang front e. Gaay nga dito sa bitcointalk, totoo naman na pwede ka kumita pero yun ay kung makakapasa sa requirement na hinihingi sayo bilang isang member. Yung learning at knowledge given na maaattain naman ung through time, siguro ang isa lang na maipapayo ko ay wag masyadong gawing main purpose ang pagkita, magiging isa ka lang na shitposter.
Natural na siguro yun para sa atin, dahil nga natural sa mga pinoy na salihan ang mga pwede pagkakitaan ng walang inilalabas na pera kaya kahit saan ay sinasalihan.
Tama, pwede kumita sa forum pero may requirements pa rin, kaya dapat hindi ito ang pinaka-main focus kapag inintroduce ito sa ibang tao. Nangyari na ito noong 2017-2018, dinagsa ang forum ng napakadaming account dahil sa kumalat na kita sa signature campaign.
Or perhaps, pwedeng iadvertise ang bitcointalk to offer services gaya ng web development, virtual assistance at iba pang service to earn. Kasi yung point na directly signature campaign, it could attract spammers at maaaring makaapekto sa quality ng forum at topics.
True, meron pa kong nakitang video dati na pinopromote ang bitcointalk dahil sa mga campaign which is napakamasamang take for the forum, para kang naghahakot ng bata para gumawa ng bahay. Maraming pwedeng pagkakitaan dito especially sa para sa mga IT, they can offer their services here.
Agree, mas mabuti i-introduce ang forum sa mga may kayang mag offer ng services, mas mabuti ito para madagdagan ang mga nagpopost ng services at lumago pa ito.