Hello mga kababayan,
Noob-user here, so please go easy on me.
Meron pong similar na thread sa English pero mga advance user karamihan ng mga nagdidiscuss ng mga bagay tungkol dito sa Wasabi 2.0 ,. (
https://bitcointalksearch.org/topic/what-software-exists-to-run-a-coinjoin-server-wasabi-debacle-5402254).
Baka meron po tayong mga katanungan na nahihiya tayong ilabas doon, eh pag usapan na lang natin dito sa Local.
Mga terms na I just encountered because of this Wasabi Wallet v2.0 ,
Paki correct po mga master kung mali ang pagkakaintindi ko.
CoinJoin - Isang paraan ng pag mix ng funds para ma-improve ang privacy. Halimbawa, meron kang P1000 peso bill , na "tainted" or may bahid ng anything that will make it fall under dirty money(kunwari pamasko ni Ninong noong Pasko). Para malinis ito, eh pwedeng gamitin ang CoinJoin. So isasama mo lang itong P1000 mo sa ibang mga pera na mag co-CoinJoin, iyong pera mo ay babalik not necessarily the same na P1000 na buo, pwedeng 10 na tig-100 or dalawang tig-500 , basta ang importante ay same value.(less CoinJoin fee).
WabiSabi - Dati-rati, kelangan mag coordinate ni user with other coinjoin users para gumawa ng isang CoinJoin tx. Sa Wasabi 2.0 eh automatic na ito dahil mayroon ng coordinator na siyang bahalang magbuklod sa mga btc na ico-coinjoin.
(ito lang naintindihan ko mga paps, paki share and elaborate naman po kung mayroon kayong ideya)
Good Reads CoinJoin discussion from 2013 -
https://bitcointalksearch.org/topic/m.2983902