Pages:
Author

Topic: What if.. (Read 402 times)

hero member
Activity: 952
Merit: 515
May 06, 2018, 12:29:59 PM
#27
malabong mangyari na ang mga local section ay mawawala dahil isa tong community at welcome lahat ng mga tao, kung walang local I doubt na magiging ganito successful ang bitcoin kaya wala po tayong dapat ipangamba enjoy lang natin ang ating ginagawa and let us help the bitcoin community as well.
sr. member
Activity: 789
Merit: 273
May 06, 2018, 11:07:52 AM
#26
Tingin ko hindi mangyayari yan kasi una sa lahat marami ang mapipilitang mag english kahit na hindi talaga sila marunong so hindi papayag ang mga bagohan na pinoy dito sa bitcoin, pangalawa pag asa ng karamihan ang local board dito pag wala tayong local board malamang mga genius na ang mga nagbibitcoin o hindi lang genius english speaking pa. Marami ang hindi sasangayon sa iniisip mong mangyayari lalo na ang mga bagohan pa lamang dito sa bitcoin at ang mga pinoy kasi alam naman natin na ang mga pinoy ay tagalog kaya baka hindi pumayag ang karamihan lalo na halos lahat ng mga users dito ay pinoy.
full member
Activity: 378
Merit: 100
May 06, 2018, 10:20:32 AM
#25
Discrimination is real po talaga pag nakikihalubilo ka sa mga matataas na rank na yan. Minamaliit nila ang pilipinas dahil sa hirap lang mag English. Pero kung tutuosin, di sila marunong mag Tagalog, papuntahin mo ang mga yan sa local section natin, bully yang mga yan.

Wala namang rason para pumunta sila dito sa local section, lol. Di naman nila minamaliit ang Pilipinas, kundi ung mga pinoy na nag ku qualify as shit-posters. Di lang naman pinoy ang nilalait nila, mas madalas mga Indians.
Yes i know bro di talaga yan bibisita sa section natin. Naawa lang talaga ako sa mga kababayan nating nilalait nila. Minsan kasi nadadala ako sa emosyon ko pagdating sa mga ganitong issues. Ok lang sana kung idedelete lang ang mga shitpost, pero yung iba, nireredtrust nila, sayang ang pinaghirapan eh kawawa naman. Discrimination talaga.
jr. member
Activity: 112
Merit: 2
May 06, 2018, 09:45:43 AM
#24
Discrimination is real po talaga pag nakikihalubilo ka sa mga matataas na rank na yan. Minamaliit nila ang pilipinas dahil sa hirap lang mag English. Pero kung tutuosin, di sila marunong mag Tagalog, papuntahin mo ang mga yan sa local section natin, bully yang mga yan.

Wala namang rason para pumunta sila dito sa local section, lol. Di naman nila minamaliit ang Pilipinas, kundi ung mga pinoy na nag ku qualify as shit-posters. Di lang naman pinoy ang nilalait nila, mas madalas mga Indians.
member
Activity: 214
Merit: 10
May 06, 2018, 09:38:59 AM
#23
What if some sections in locals will be remove, and philippines may be one of those, are you in favor of it? Many foreigners here especially some of the higher ranks doesn't seem to like us here. They just keep on saying that we've just been doing shits all around here while lurking.

Maybe this might be a problem for us if this is where about to happen.
Normal naman po siguro na makaramdam tayo ng lungkot o panghihinayang kung tatangalin nila ang locals ng philippines ngunit wala naman tayo magagawa kung gawin nila ito lalo na kung biglaan. Sa lahat naman po ng bagay ay may mga foreigner na maliit ang tingin sa ating mga pinoy kahit na sa forum na ito. Parang maling gawa o post ng iba ay may epekto na sa lahat damay damay na lalo na kung pinoy ka. Kung ang bawat pinoy ay magkaroon ng disiplina at sumunod sa mga rules lalo na sa pag post ay maari mabago ang tingin ng iba lahi sa atin. Nasa bawat isa ang pagbabago lalo na at minamaliit tayo ng ibang lahi dahil sa mga walang kabuluhang post ng pinoy wag sana ito maging dahilan para burahin nila ang locals ng philippines. Mas maganda siguro gawin na patunayan natin na mali ang tingin nila sa pinoy ayusin po natin ang trabaho natin dito sa forum dahil bawat isa sa atin pinoy ang nagdadala ng pangalan ng bansa natin yun ay ang pilipinas.
full member
Activity: 378
Merit: 100
May 06, 2018, 09:30:38 AM
#22
Discrimination is real po talaga pag nakikihalubilo ka sa mga matataas na rank na yan. Minamaliit nila ang pilipinas dahil sa hirap lang mag English. Pero kung tutuosin, di sila marunong mag Tagalog, papuntahin mo ang mga yan sa local section natin, bully yang mga yan.
jr. member
Activity: 112
Merit: 2
May 06, 2018, 09:30:36 AM
#21
May mga matatagal na members talaga dito na may pagka racist pag nag post. Tinatawag ung mga sumasali sa bounties na shit posters, third-world posters, pajeets, atbp. Ung iba may paka kupal lang talaga pero may punto naman kasi sila. Ang dami naman talagang shit-posters kung tawagin at base sa mga example ng post nila e mga one liners na wala naman talagang sense (na against sa forum rules). Ung tipong may ma ipost lang para ma meet ung requirement sa signature campaigns. Kung hindi ka naman shit-poster e wag kang magpa apekto at kung gusto mo naman sumabat sa usapan nung mga un e dapat hasain mo ang English proficiency mo para di ka nila mahanapan ng butas at pagtawanan.

Malabong matanggal yang local threads. Sobrang daming members ang hindi magaling sa English at sa local threads kumukuha ng impormasyon at ito din ay gumagawa ng internet traffic para sa forum.
full member
Activity: 392
Merit: 101
May 06, 2018, 08:19:28 AM
#20
sa tingin ko hindi naman mangyayari yun madami ang aangal kung sakaling mangyari man yun ang mga pinoy na katulad natin ay sasabak sa pangeenglish kahit hirap sila lalo sa mga nagsisig camp
member
Activity: 196
Merit: 20
May 06, 2018, 07:59:14 AM
#19
Di ko alam kung sino exactly nag sabi nito pero nasa punto talaga sinabi niya at isa rin siyang DT Member. Ginawa daw talaga ang local section para sa mga member na hindi ganoon kagaling pa sa English at pwede sila mag start doon bago sila makisali sa ibang discussion sa ibang sections ng forum. Malaki ang alinlangan ko na tatanggalin ang kahit isang local section dito sa forum, kasi isa na ring paraan ng pag wewelcome ang mga local section para sa mga baguhan dito sa forum na hindi ganoon pa masyado kagaling sa comprehension sa English.
Talaga DT? Huwag kang magpatawa boy hindi porke may nagsuggest na magkaroon ng local board ay DT agad iyon. Alam naman ng lahat na may language barrier tayo kaya malamang magkaroon talaga ng ganoon section. Sa totoo lang wala naman problema kung international language gamitin natin pero dahil sa malaki ang target numbers of people ng mga site na tulad nito. Nilagyan nila ng local board para mareach at matouch ang mga taong di ganoon kagaling sa English vocabulary. Kasi nga naman paano sila kikita kung di naman naintindihan ng kahit na sino ang sites na ginawa nila. Just think about it??
sr. member
Activity: 819
Merit: 251
May 06, 2018, 07:54:30 AM
#18
Lahat ng local boards ay nakakatulong sa lahat lalo na sa mga newbies tulad natin nuon diba lahat naman tayo nanggaling duon. Kahit hindi nila gusto ang local boards hindi nila pwede itong tanggalin kahit anong mangyari lalo na ang mga moderators ng ph thread.
sr. member
Activity: 784
Merit: 251
https://raiser.network
May 06, 2018, 07:27:53 AM
#17
What if some sections in locals will be remove, and philippines may be one of those, are you in favor of it? Many foreigners here especially some of the higher ranks doesn't seem to like us here. They just keep on saying that we've just been doing shits all around here while lurking.

Maybe this might be a problem for us if this is where about to happen.

kaya nga dapat nating patunayan na hindi na tayo katulad ng dati totoo naman at aminado tayo dati na sobrang gulo at basura talaga ang lamang ng mga thread natin dito pero ngayon mas gumanda naman at naging maayos at dapat nating maintain ito
newbie
Activity: 84
Merit: 0
May 06, 2018, 07:18:32 AM
#16
Siguro dahil yung mga ibang pinoy basta may ma ipost lang tapos okay na pero malabong tanggalin nila yung local naten dito sa forum syempre dito lang mas madaling maintindihan yung mga beginners guide at madali ding mag tanong pag may di tayo maintindihan kailangan na malaman na may sasagot ng di pang babash pero pano nga ba nila nasasabe na mga pinoy kadalasan yung mga sht posters eh madami ngang pinoy nag mahusay sa english.
newbie
Activity: 294
Merit: 0
May 06, 2018, 07:10:19 AM
#15
Hindi naman siguro nila ginawa itong forum para burahin yung mga ibang local board katulad natin madaming madidismayang mga kababayan natin kung mangyayari nga yun mapipilitan tayong magenglish para lang makapagpost lalong lalo na sa mga sumasali sa mga sign camp siguro kung buburahin man yung thread natin isa lang ang magiging dahilan yun ay ang pagiging matigas ang ulo at hindi pagsunod sa mga patakaran dito s forum na ito.


sr. member
Activity: 375
Merit: 1021
Just in case no one loves you, I love you 3000.
May 06, 2018, 05:45:35 AM
#14
What if some sections in locals will be remove, and philippines may be one of those, are you in favor of it?Many foreigners here especially some of the higher ranks doesn't seem to like us here. They just keep on saying that we've just been doing shits all around here while lurking.

Maybe this might be a problem for us if this is where about to happen.
Una, ano yung point mo po at nag-english ka pa? local board naman to pwede ka magtagalog pag mga ganitong issues(Or gusto mo talagang maintindihan ng mga ibang lahi ang point mo kabayan?).

are you in favor of it?
Pangalawa, At bakit need pa itanung kung in favor? Hindi ako pabor dun kabayan, malamang hindi tayo papayag nun kasi parang tinanggalan tayo ng karapatan na ipahayag sa sarili nating wika ang nalalaman natin about bitcoin. Mas maganda ipahayag mo ang alam mo sa bitcoin sa sarili mong wika. Mas madali i-explain kung sarili nating wika ang gamit.

Many foreigners here especially some of the higher ranks doesn't seem to like us here. They just keep on saying that we've just been doing shits all around here while lurking.

Maybe this might be a problem for us if this is where about to happen.
Pangatlo, Nasa atin nayang issue na yan kung magpapa-apekto tayo. Kung iisipin niyo na mahina tayo at shitposter lang tayo wala talagang mangyayari sa ating mga pinoy. It's all in your minds kabayan. ipakita natin na hindi tayo ganun.

Credits din nmn kay Dabs and Rick na inaayus ang ating local board. Panget kasi ng ganitong issue na post mo kabayan parang sinasabi mo na walang ginagawa ang moderators dito. Alam ko hindi mo yun intinsyun pero iba kasi impact ng ganito at english mo pa, parang meron kang pinaparinggan kabayan.

Alam naman ng karamihan sa Forum na Pinoy ako bakit wala naman silang issue saken? at hindi naman ako napagsasabihan ng mga ganyang bagay. My mga naging kaibigan na nga ako dito kahit na naging active lang ako nitong March 2018. At hindi naman naging problema saken ang issue na yan para ipahayag ang gusto ko at nalalaman ko about bitcoin sa ibang lahi. Kaya dapat tayo mismo dito magtulungan bilang isang Bansa. Dito pa lang dapat ipakita natin na meron tayong quality post kahit tagalog lang ang gamit.

At kung titingnan niyo madaming umiiyak na pinoy about sa merit system. Wag tayo maging ganun, hayaan lang natin. Paulit ulit kong sinasabi sa ibang lahi na wag isipin ang merit system kasi kahit ako nagsimula sa wala as in Zero lamang kababayan. Basta alam mo lang kung san ka papasok at alam mo yung pinaguusapan madali ang merit. Just like what Rick said: isipin niyo na office ito, mas maganda kung papasok ka na alam mo yung issue sa isang usapan kesa sa papasok ka na walang alam at nakita mo na paulit ulit na lang ang issue, wag mo na lang patulan or wag mo ipapasok like " I agree" or kahit anung words para maipasok mo lang.
Plus factor ang meron kang alam at nagreresearch ka talaga sa isang bagay kahit na yung English mo ay hindi ganun kagaling basta alam mo ang sinasabi mo, ang importante naiintindihan ka ng tao.
Kaya natin ito. Isang Bansa! Mabuhay ang Bansang Pilipinas!

From Zero to 76
Be Positive
global moderator
Activity: 2324
Merit: 1179
While my guitar gently weeps!!!
May 06, 2018, 02:45:22 AM
#13
Medyo OT:

Itong klase ng mga usapan ang mas nakakababa ng tingin ng iba sa karamihang Pinoy... Remember, "hindi nilalahat" ang pinoy ng ibang lahi, kasu masyado lang nadadala yung ibang Pinoy ng emosyon nila, o sadyang guilty lang... Kayo lang ang nagbababa sa mga sarili niyo...

Walang pumipigil sainyo na mag post sa Main board, only that, ayusin ang pag post... Lagi ko tong sinasabi, yung iba may maipost lang ay pwede na... Isipin niyo lagi na forum to, hindi chatroom at lagi niyong iisipin na mas may alam ang kausap niyo kaysa sainyo...

Imagine if ang Bitcoin Discussion is an office, marami kang gusto sabihin, pero habang tinitingnan mo yung mga kausap mo, para na silang mga answering machine, paulit ulit na lang and worst, kinokopya pa ng kinokopya...

Planning to either trash or lock this thread later since this is more like another spam haven(check the stickied thread by Dabs)...
jr. member
Activity: 252
Merit: 8
May 06, 2018, 01:11:41 AM
#12
No. Wala naman sigurong pinoy dito ang may gusto na mawala ang local board natin. Ang mga iba kasi may hindi ginagawang tama katulad ng merit abuse kaya tayo nadadamay pero kung tatanggalin ang local board wala naman tayong magagawa sa desisyon ng staff balik tayo sa local thread katulad ng dati.

Alam ko may thread dati sa meta section tungkol sa mga pinoy na binan tapos yung mga ibang pinoy naman sige ang pag sagot (ewan ko kung bakit sinagot siguro tropa niya yung nadali) dahil hanapbuhay daw ang sig campaign tapos lalong gumulo yung sitwasyon. Iyon ang isa sa mga dahilan kaya hanggang ngayon marami ang galit sa atin.

Well, I just based on some comments of some certain persons in Meta, I really don't know what's the cause of these issues, on why they're not giving any shits out of us. Some have said that they're tired of seeing filipinos as they're also one of those shitposters and bounty spammers. As for me, Hindi naman masama na pagkakitaan itong forum na ito dahil hindi naman tayo tulad nila,pero hindi ko rin naman maitatanggi na halos karamihan nga sa atin ay ito ang ginagawa kung kaya naman may tama rin sila sa kanilang opinyon.

Ano nga ba ang pwede nating maging solusyon dito upang maging iba na ang tingin ng mga dayuhan satin?
Hindi lang nmn sa forum nato mababa ang tingin ng mga foreign people sa pinoy..kht sa totoong buhay..but not all of them,hindi lang tlga maiiwasan n mdameng racist sa mundo and snwerte sila nauna sila sten dto..

But if the btt community would let those racist continue ung pagbabadmouthing nila sa mga pinoy eeh hindi n nmn tama un..madame sa mga foreigner n yan nauna lang cla dto sa forum nato thats why mataas at rank at mdameng merit..pro try to browse ung mga pinagpopost nila n namemeritan most of them are nonsense and kung pwde lang magagainst sa mga minimeritan aagainstan ko mdme sa mga foreign people n yan...meron pako nakita nanghihingi ng loan na legendary..ano b nmn un wala bang crypto nhwak un at nangungutang pa at nghhnty mabayran sa campaign nila..look,,, baket cla pwde mgganun kht alam nten lahat n it may cause ng pangloloko?pro sa pinoy simpleng salita eh kung makaarte cla kala mo sobra n ang gnwa..pro un nga d nmn lahat kaso mdme cla..

Ginawa tong forum nato pra magkaron ng knowledgable ang sharing of discussion sa lahat ng tao sa MUNDO and not just for the people ng malalaking bansa..kung may nkikita cla mga tao n gumgwa ng against the rules pwde nila iban or bgyan ng negative trust pro kung grupo ng mga tao n yan ay gagawa ng discussion pra iales ang local section ng mga pinoy is sobra n un and those kind of RACISM should not be tolerated sa mga world forum like this..
hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
May 06, 2018, 12:37:28 AM
#11
Aba, syempre, hindi ako pabor kung tatanggalin nila yung local section natin. Grabe naman sila kung gagawin nila yun. Kaya nga ito tinawag na local section para dito tayo mag-usap-usap without any language barrier. Isa pa, ginagawa naman ng ating mga local mods yung job nila to filter out yung mga walang kwentang threads na ginagawa dito sa local section natin.

Karamihan din satin eh mas natututo ng mga bagay-bagay regarding crypto sa pagtingin tingin sa mga threads dito sa PH section.
newbie
Activity: 34
Merit: 0
May 06, 2018, 12:22:19 AM
#10
Para sa akin hindi ako papayag, at wala namang pilipino ang gustong mawala ang mga local section lalong-lalo na ang philippines. Isa pa, nakakatulong din naman saating mga pinoy na mas madali nating maunawaan ang mga topics. So para sa akin hindi ako papayag na mawala ang philippines sa local section.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
May 05, 2018, 11:25:04 PM
#9
Quote from: npredtorch
Yes, agree ako na negative ang tingin ng ibang lahi sa atin dito sa bctalk. Why? Yung ibang pinoy din kasi may kasalanan.

May pag asa pa kaya tayong umangat sa ganitong issue? Paguugali rin ng kapwa natin pinoy ang may problema, hindi naman natin sila kontrolado sa ginagawa nila. Hindi man masamang dito lang tayo tumambay pero syempre pano tayo matututong makisalamuha sa iba lalo na sa mga dayuhan kung palagi tayong nandito at kung mangyari man na makisalamuha tayo ay masama naman ang kadalasang feedback satin.

But still don't be alarmed. Hindi lang naman tayo, Mas malala pa rin ang issue sa RUSSIAN SECTION Smiley
legendary
Activity: 1246
Merit: 1049
May 05, 2018, 10:19:41 PM
#8
Yes, agree ako na negative ang tingin ng ibang lahi sa atin dito sa bctalk. Why? Yung ibang pinoy din kasi may kasalanan.
Abuses, scam at kung ano ano pang kalokohan yun ang madalas nakikita nila. Yun ang dumadating sa kanila at palagi sila pa yung nag aayos, disputes ganun.

Yung sa local forum natin, malabo siya alisin.
Kabaligtaran, tingin ko mas gusto pa nga nila na mas tumambay tayo dito dahil na din sa hindi tayo masyadong fluent sa english.
Pages:
Jump to: