Medyo mahirap yan tukuyin lalo na't wala naman magsasabi talaga kung magkano o gaano karami ang hawak nilang bitcoins unless ipapakita nila sa'yo yung wallet nila. Pero kung sa kumpanya siguro, gaya ng nabanggit ng ilan na din dito, yung SCI (Satoshi Citadel Industries) ang isa sa masasabing may pinakaraming holdings ng bitcoins sa Pinas dahil isa sila sa pioneer ng Bitcoin adoption dito sa atin, pero pag-individually, hindi pa matutukoy kung sino.
Nga pala, yung kakilala kong Pinoy, na nakabase po sa US, isa siya sa mga unang nag-adopt ng Bitcoin and other cryptocurrencies noong mababa pa ang mga presyo nito. Yung pinakita niyang wallet niya dati sa akin has 10,000 BTC at over 2 million received transactions. Yung portfolio niya pagnakita niyo, halos nasa thousands mga hawak niyang LTC, XRP, ETH, BCH, XLM, IOTA, etc. Pero kung tatanungin niyo po ako kung sino siya ay hindi ko na po babanggitin yung pangalan para sa privacy na din po niya.
grabe ang kakilala mo brad ha.hindi ko akalaing may mga pinoy na may hawak ng ganyang karaming bitcoins at merong pang hawak na malalaking supply na altcoins. Miguel Cuneta rin yung pick na pinakamaraming hawak na btc.