May natutunan ako dun sa kabilang thread na similar dito ang topic. All the while currency talaga ang bitcoin para sa akin dahil ginagamit nga natin siyang pambayad ng goods at services. Pero dahil nagagamit natin siya bilang isang bagay para pagkakitaan, maihahalintulad na siya sa gold, oil, silver, copper, etc. Meaning isa din syang commodity... So yung pag impose ng tax magdedepende na sa gobyerno natin kung ano pagkilala nya sa bitcoin...
Kung kikilalanin siyang currency, hindi papatawan ng tax yung bitcoin, sa halip, yung bagay or yung serbisyo ang papatawan ng tax. Tama po ba? Pero kung kikilalanin ng gobyerno natin na isang commodity si bitcoin, ayan na. Magkano kaya ang ipapataw na tax?
Sa ngayon si coins.ph nagbabayad yan ng tax galing nga siguro sa transaction fees natin. Pero sa ibang exchanges at wallets, yung btc transaction fees natin napupunta sa miners - hindi si tax para sa government...
So kung papatawan ng tax ang btc natin, antayin muna natin kung magkano kaya at kung makatarungan yung halagang hihingin. Sa ngayon di pa natin alam kung magkano... Kaya I'll cross the bridge when I get there na lang muna...
Nice well explained man ! keep it up may natutunan nanamang bago.
May nabasa akong article dati at ngayon nag search ako eto yung lumabas
https://www.equities.com/news/is-bitcoin-a-commodity-or-a-currency so kung sa labas e commodity siya baka dito sa pinas e ituring din syang commodity pero sana di ganun kalaki yung tax para naman parehas lang ng situation ngayon.
Thanks, vindicare. Found similar articles sa bloomberg markets and coindesk as well. So commodity nga talaga ang bitcoin. Here are the links:
http://www.coindesk.com/cftc-ruling-defines-bitcoin-and-digital-currencies-as-commodities/https://www.bloomberg.com/news/articles/2015-09-17/bitcoin-is-officially-a-commodity-according-to-u-s-regulatorIbig sabihin whether we like it or not, papatawan talaga ng tax ang bitcoin. Kung papaano nila gagawin yun, hayaan muna natin sumakit ang ulo nila
at mag enjoy muna tayong mga bitcoiners.
Matatagalan pa yung pagpapataw nila ng tax dahil pinag-aaaralan pa lang nila ang bitcoin. Sa ngayon coins.ph pa lang at ang mga ibang exchanges dito si Pinas (kung meron man) ang pinagbabayad nila ng buwis dahil registered sila as business dito sa atin. Kaya tuloy lang ang buhay bitcoiners, save up on bitcoin dahil $1k na ang price ngayon at paakyat pa.