Kahit anong coin, need talaga ng time bago sila mag pump at dapat pag aralan mo muna talaga bago ka mag invest. Yun pa rin ang magiging puno't dulo ng desisyon mo. Kasi kapag alam mo ginagawa mo, masasabi mo na worth it pa rin mag invest lalo kung bitcoin ka magi-invest. @OP pag aralan mo muna maigi kung handa ka sa volatility na meron ang market na ito.
Kailangan talaga na may mahabang pasensya na kayang maging manhid kahit na alam mo nang natatalo ka na sa investment mo , antay na magandang tyempo once na lumipad TP agad para makahanap ulit ng tyempo sa ibang coins. Unang una talaga yang search bago invest , karamihan kasi sa mga nagiinvest nadala lang ng mga posts sa mga social media tapos sa huli talo pala.
Tungkol naman diyan kay Bitcoin , masasabi ko rin na worth it . Ang kailangan lang ay oras , once na tumaas take na para mas maging worth it at may panahon pang magbuyback once na bumaba ulit.
Basta nasa choice din talaga yan kung anong crypto ang pinag-investan mo. Kung mga random altcoins lang na di mo rin sigurado, eh parang nagsugal ka lang din at bahala na yung style ng investing mo.