nakaka panghina kasi naiwan ko yung trades ko na nakasalang tapos bumagsak rate so naiwan ako.
mahirap paliwanag pero wala kasi ako magawa. importante kasi oras ko sa trading pero sa iba importante kasi mga lakad at gala. ok lang antay nalang ako ulit tumaas.
buti pa kayo guys maganda trades nyo ngayon.
Sir dont be sad nangyari din po sa akin yung ganyan. kaya nga kapag ang misis ko ay nag aaya tapos may open trades ako hindi ko pinapayagan unless nakapa important ng reason. if aalis talaga icloclose ko na agad yung trade kahit nasa losing position. minsan naman naka open trade parin pero nakabantay ako thru cellphone kaso ang hirap kasi hindi ako mapakali.
Ano po ibig sabihin ng open trade? at stop-limit medyo hindi ko po talaga maintindihan yong mga ganun kaya hanggang buy and sell lang po ako natatakot ako iry yon baka mawala bigla yong pinaghirapan ko eh, anyway dami ko po natututunan dito sobrang thankful pero sana po may magexplain nun for more info. salamat po.
meron tayong tinatawag na LIMIT order at MARKET order. ang LIMIT order ay yung ikaw ang maglalagay ng price na gusto mo, while yung MARKET order ay yung gagamitin na price is kung ano current market price.
sa advance trading meron naman tinatawag na STOP-LIMIT, STOP-LOSS, TAKE PROFIT. depende sa exchange yung iba ibang trading options. yung meaning ng STOP dyan ay yan yung triggering point, pag na hit yung triggering point then mag execute yung order. anong rate yung gagamitin sa order mo? depende kung ano pinili mo kung STOP-LIMIT or STOP-LOSS. pag stop-limit ginamit mo once mag trigger sya magiging LIMIT order sya. kung stop-loss naman ginamit mo magiging MARKET order sya. so ano gagamitin mo sa dalawa? depende sa preference mo at situation. yung most common ay yung STOP-LOSS para sure na ma execute MARKET order mo just in case na biglang bumagsak rate or habang tulog ka or naka bakasyon. yung STOP-LIMIT naman ikaw mag sasabi magkano ibebenta kung sakali bumagsak rate. pero kung biglang bulusok ang rate at nalampasan yung STOP rate mo (yung mag trigger) then hindi na nag recover then hindi sya mag place ng sell LIMIT order.
sample for stop-limit trade: EOS kunwari yung coin na ibebenta natin. nilagay mo na kapag yung rate ng EOS ay bumaba ng $8 level then ibebenta mo yung EOS sa $7. dito sa example na ito yung STOP ay yung $8 na mag trigger mag post ng sell LIMIT order mo. yung $7 naman yan yung price ng LIMIT sell mo. tanong mo bakit mo gagawin yung ganitong way? ito ang isa sa sagot, nag lalaro kunwari ang rate ng EOS sa $9-$10 and taas baba sya dyan sa level na yan, and kapag bumaba ang rate ng $8 ayaw mo pa mag benta kasi baka tumaas pa sya ulit sa $9 or $10 level. pero ginamit mo yung $8 na mag trigger ng LIMIT sell at $7. so ginagamit ito para ma hindi ka masyadong malugi kung biglang bumaba ang price habang tulog ka.
yung TAKE PROFIT saka ko na explain kasi mahaba na ito baka tamarin na kayong basahin.
so sa madaling salita kung ayaw mo malugi, wag ka matulog haha.