Feeling ko kase may effect sa market kung magseset ako ng 5% loss na abang na order eh. Sana may nakakaintindi.
Hi, hindi ako gumagamit ng stop loss kasi una kapag nag trade ako naka monitor ako sa laptop. Pangalawa kasi sobrang volatile ng crypto market at mauubos ka lang sa stop loss. Pwede kasi gumalaw ang markey ng 20% up or down in just minutes. So dun ako nag profit sa mabilis na galawan.
Kamusta guys marami naba nag palista sa online tutorial natin?
Ahh bale Sir Ximply nag lalagay kana talaga ng order? Hindi ka na nagka-cut-loss? Kunwari order na 5% pataas?
live trading ako, meaning pag nakita ko na mababa yung rate saka ako bibili. then monitor ako para pag tumaas na sya post agad ako ng buy rate sa current rate. iniiwasan ko talaga mag banggit sa inyo ng words na medyo technical kasi baka isipin nyo na mahirap trading.
kung binasa mo itong thread from page 1 to latest malamang alam mo na ang word na "TAMBAYAN", pag nasa tambayan na yung coins then alam mo na kung saan ang low nya at alam mo na kung saan high nya. mag babago nalang yan kapag nag higher high sya at lower low, or pwede din lower high sya at higher low (ito yung papunta sa break out ng coin so biglang spike yan).
kaya kung makikita mo mga trades ko per day marami talaga sya at paulit ulit ko ginagawa kasi ang trend ng rate ng coins is like heart-beat na pataas at pababa.
ngayon pwede na naman kayo mga shopping kasi all red at super discounted sya. nakabili ako ng LTC, BTC, XMR kasi super discounted rates nila over other coins.
Ahh live trading pala ang tawag dun sir ximply. Thank you. Last question nalang sir ximply. Ano ginagawa mo pag lets say pahinga na or matutulog wait ka lang till tomorrow? Or ano po maganda gawin?
may naka set ako na quota ko na profit per day and once ma hit ko na yung ok na ako. pag maganda market that day extend ng konte kasi sayang opportunity. pero normally once ma hit ko na daily quota ko stop na ako and bukas naman ulit. after trading nagbabasa ako ng crypto news and nanunuod ng youtube about crypto news and updates. may effect kasi ang news sa market.
Bale sir lipat mo na sa btc all coins mo? Kase halos lahat may btc pair eh diba.