Mahirap maiwasan ang spam since open sa lahat ang application kahit may red trust IIRC basta ma-meet iyong minimum rank requirements. Ang titino lang dyan iyong mga mahal ang mga accounts nila pero dun sa red trust accounts at sure ng patapon, mag-tatake advantage yan.
Pag offline si Yahoo sigurado andyan na ang mga daga at ttyming patago. In other words, kikita pa rin iyong mga spammer kahit sa 1 day ratratan hangga't di sila nahuhuli at narereport. Instant profit sila kasi no need gandahan ang post dahil in the end mababan din sila.
Pero kagandahan nito kahit papaano mababawasan na ang spam since handled na sya ng reputable manager. Ano pa't basta may mareport na spammer ,uunti din ang bilang ng mga yan. Ganyan ang nangyari noon sa Bitmixer hanggang sa pinasok ni Lauda. Umayos ang campaign in the long run at dun din yata nabuo iyong SMAS.
Wag masilaw dyan. Yang sinasabi mong figures e dapat walang palya kada araw. Tipong kahit Sabado at Linggo pwersado ka magpost. Tipong nasa binyagan at birthday ka need mo magpost. Tipong mag iinom kayo need mo magpost etc. para lang maabot iyong target.
Mahirap yan 140 post a week para lang mamaximize iyong bayad. Dugo utak mo dyan kasi di ka na komportable sa mga post dahil pwersado na at kahit spammer hirap gawin yan.