Personal opinyon ko din eh ganito, kung mag iinvest ka rin lang naman at hindi ka naman ganun kadami ang pera mo, mas mainam
na mag invest ka dun sa medyo kilala at meron na talagang supportang nakuha.
Mahirap kasi yung mga katulad nung nasa OP, sandaliang kita tapos mandadamay ka pa nung mabibiktima pag nagkalecheleche na
pangalan mo pa yung nakataya dahil nga sa pag invite mo na mag invest din yung mga kakilala mo.
Kahit na risk taker tayo ang hirap naman din talaga magtiwala sa ganitong ponzi scheme style programs since kadalasan nito is short term lang. Kikita ka lang ng malaki nito if hardcore promoter ka talaga since makaka earn ka ng malaki sa referral pero kargo de konsensya mo parin yung mga na invite mo since sila yung malaki ang tyansa na matalo. Kaya maging wais nalang talaga at kung gusto man ng iba na mag venture sa crypto mas mainam nalang talaga na mag deep research sila ukol dito at pumunta sa mas matinong platform.
Maraming information ang available at kailangan lang talaga ng individual na mag research para magkaroon sila ng kaalaman.
Yun ang pinakamabisang paraan, wala naman talagang shortcut maliban sa mga nakaswerte at dun sa mga kayang kunsensyahin yung
magiging risk kung sakaling makapag invite ng ganitong investment/sugal.
Ikaw kasi talaga ang magdadala nung mga talong investment galing sa mga taong naisama mo at nahikayat mong maglabas ng pera,
isang simpleng ponzi pero hanggang ngayon madami pa ring biktima.
At sigurado ako papalamigin lang ito at maglilipana nanaman yung mga scammer na manghihikayat para sa panibago nilang pakulo.
Maging matalino na sana mga pinoy at iwasan na ang ganitong ponzi schemes since paulit ulit na ito ginawa ng mga scammers at paulit ulit lang din silang na scam.