Sa ganitong dahilan din kung bakit madaming pinoy ang natatakot mag invest sa crypto, gawa ng mga scammers sa market.
Nakakalungkot isipin na madami talagang pinoy ang naiiscam sa crypto dahil sa kakulangan ng impormasyon tungkol sa proyekto na papasukan nila. Minsan kasi nadadala sila sa mga pahype ng mga streamer eh, sa utak kasi nila "tsineck na nya ito kaya mag invest na ako" ang hindi nya alam na may mga streamer pala na binabayaran para ihype yung project nila para madaming mabiktima. Kaya sana i-check talaga ng mabuti yung project na papasukan natin bago mag-invest kasi pera natin yan eh tapos hindi madali maghanap ng pera ngayon kahit na extra money pa yan.
Basta kasi sa usaping pagkakakitan yung mga taong to' eh pasok lang ng pasok at pag nakaramdam ng konting biyaya eh talagang
mandadamay na, kawawa yung mga mahuhuli.
Sa mga mauuna medyo meron talagang mapapalang biyaya, naalala ko tuloy ung kasama ko sa work, sobrang eager na magrefer
to the point na talagang pati mga kasama namin eh kinukulit.
Hindi na lang ako nagsasalita para wala na lang mahabang usapan, tahimik na ngayon at wala ka na makikitang post which nun
mga nakaraan eh talagang minuminuto talaga kung makapag post.