wala naman tlagang magandang idudulot ang gambling na yan. sa totoo lang yan p nga ang isa sa mga cause ng pagwawatak watak ng pamilya yung tipong pambili mo nlng ng pagkain nyo ipagbabaka sakali pang bka lumago mas marami mabili pero bandang huli ay ubos din. wla tlagang nanalo sa sugal, ngaun panalo ka bukas talo, o kaya talo k ngaun panalo k bukas.. bandang huli talo lang rin ang kalalabasan.
Siguro kung titignan natin sa perspective ng mga addict na sa pagsusugal, wala nga siguro.
Pero kung titignan natin ang nagegenerate na business at naeemploy dahil sa sugal, marami.
Kagaya na lang ng sabong. Ilang business ang nakapalibot at kumikita dahil dito. Mula sa mga farm na nag-aalaga at nagbebenta ng mga manok, sa mga nagbebenta ng mga feeds at vitamins ng manok hanggang sa mga nagtatari at kainan sa paligid ng sabungan. Kung sa casino naman o online gambling, madaming agent din ang maayos ang kita dahil dito. Bukod pa sa tax na naibabayad ng mga gambling establishments na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Kumikita sila in an expense na mapasama ang ibang tao. If you look at it mas maraming negatibong naapektuhan kesa sa kumikita. Ang problema kasi ay ang addiction at hindi nakokontrol ng gobyerno iyan. Ilang pamilya na ba ang nasira at mga taong napariwara dahil sa gambling addiction. Kung makokontrol sana na hindi maadict ang mga tao, pwede pa nating sabihin na higit ang positibong epekto nitong gambling.
karamihan naman ng mga nagsasabi ng negative tungkol sa gambling ay sila pa ang mga hindi kaya mag control ng sarili sa pagsusugal kaya ang bitter ng stand nila regarding gambling,dahil sila sa sarili nila hindi nila ma apply ang pagiingat sa sarili.
malaking bahagi ng tax natin sa gobyerno ay galing sa sugal so nakakatulong talaga to para sa gobyerno at para magbigay ng trabaho sa mga kababayan natin.
Paano ka nakakasiguro na ang mga nagsasabi na negatibo ang pagsusugal ay ang mga walang kontrol sa sarili? Kung addict ang tao sa sugal, hinding hindi sasabihing negatibo ang pagsusugal dahil ipagtatanggol nila ang kanilang kinababaliwan.