wala naman tlagang magandang idudulot ang gambling na yan. sa totoo lang yan p nga ang isa sa mga cause ng pagwawatak watak ng pamilya yung tipong pambili mo nlng ng pagkain nyo ipagbabaka sakali pang bka lumago mas marami mabili pero bandang huli ay ubos din. wla tlagang nanalo sa sugal, ngaun panalo ka bukas talo, o kaya talo k ngaun panalo k bukas.. bandang huli talo lang rin ang kalalabasan.
Siguro kung titignan natin sa perspective ng mga addict na sa pagsusugal, wala nga siguro.
Pero kung titignan natin ang nagegenerate na business at naeemploy dahil sa sugal, marami.
Kagaya na lang ng sabong. Ilang business ang nakapalibot at kumikita dahil dito. Mula sa mga farm na nag-aalaga at nagbebenta ng mga manok, sa mga nagbebenta ng mga feeds at vitamins ng manok hanggang sa mga nagtatari at kainan sa paligid ng sabungan. Kung sa casino naman o online gambling, madaming agent din ang maayos ang kita dahil dito. Bukod pa sa tax na naibabayad ng mga gambling establishments na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.