Pages:
Author

Topic: Ano ang dapat isaalang-alang ng gobyerno upang ganap na tanggapin ang BTC? - page 2. (Read 573 times)

hero member
Activity: 3136
Merit: 579

Pamahalaan yan kaya kung may kumikita hahanap at hahanap ng butas yan para makakamkam ng buwis, diyan kasi nagkakakomplikado kasi hindi naman lahat ng pumapasok sa wallet ay talagang galing sa kinita kasi merong ibang bagay gaya ng for remittance purposes lang. Kung pinag-aaralan nila ito tiyak na malapit nalang ay mangyayari ang regulasyon para rito, the thing is hindi magiging handa ang lahat at expected na may mga kokontra, kritisismo kung may mailalabas man para rito, noise barage na naman sa social media without knowing the whole truth. Papunta tayo diyan gaya ng ibang bansa kaya brace yourselves nalang.

Gusto ko nga aralin ng gobyerno kung paano ito ma itatax at sino ang pwedeng i tax, imbitahan din nila lahat ng mga players para makapagbigay ng output at recommendation, dito malalaman nila na hindi lahat ng nasa Crypto ay puro income lamang malalaman nila mga risk at stats ng mga gumagamit, hindi yung mag set sila na lahat ay dapat may tax, malaman din nila mas lamang ang talo dito kaysa panalo.
Ang mahirap lang nag invest ka bumagsak ang market may tax ka pa.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Isa na rin yan sa mga dahilan kaya di nila matanggap si BTC pero sakin may mas malalim pa silang dahilan maaaring pinagaaralan pa nila kung paano ba nila ito matatanggap. May pagkakataon kasing nagkakaproblema lalo na sa blockchain kapag mas maraming gumagamit nito ay mas bumabagal ang takbo. Isa pa ay kung paano nila malalagyan nang buwis ang bawat gumagamit nito sa kani-kanilang bansa pero kung titignan ay pwede naman nila itong buwisan sa tulong ng mga partners wallet kung nanaisin nila. Katagalan ay magiging tanggap din ito yun nga lang hindi lang natin alam kung kailan ba ito mangyayari, mahalaga ay maghanda na lang tayo dahil alam naman natin na maapektuhan din tayo nito kaya mas mainam na paghandaan kung sakaling habulin man ng gobyerno.
Pamahalaan yan kaya kung may kumikita hahanap at hahanap ng butas yan para makakamkam ng buwis, diyan kasi nagkakakomplikado kasi hindi naman lahat ng pumapasok sa wallet ay talagang galing sa kinita kasi merong ibang bagay gaya ng for remittance purposes lang. Kung pinag-aaralan nila ito tiyak na malapit nalang ay mangyayari ang regulasyon para rito, the thing is hindi magiging handa ang lahat at expected na may mga kokontra, kritisismo kung may mailalabas man para rito, noise barage na naman sa social media without knowing the whole truth. Papunta tayo diyan gaya ng ibang bansa kaya brace yourselves nalang.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
Meron at merong investors talaga na gustong gusto ung volatility ng BTC. Pero pag ang pinag uusapan natin is ung masa, ung mga taong literal na walang ipon na kung saan living from paycheck to paycheck lang sila, then definitely hindi para sakanila ang bitcoin.
Para sa akin ang volatility ang pinaka mahirap na masolusyonan sa lahat ng mga problema na kinakaharap ng Bitcoin. Ang ease of use, scalability at iba pang issue sa Bitcoin ay may pag-asang ma solusyonan (lalo't parami na rin naman ang nagiging techie at merong ng Lightning network) pero para sa akin skeptical ako kung ano nga ba ang solusyon sa volatility. I guess dito sa volatility parang mapapako making it a legal tender not just Philippines pero most countries na rin.
Isa na rin yan sa mga dahilan kaya di nila matanggap si BTC pero sakin may mas malalim pa silang dahilan maaaring pinagaaralan pa nila kung paano ba nila ito matatanggap. May pagkakataon kasing nagkakaproblema lalo na sa blockchain kapag mas maraming gumagamit nito ay mas bumabagal ang takbo. Isa pa ay kung paano nila malalagyan nang buwis ang bawat gumagamit nito sa kani-kanilang bansa pero kung titignan ay pwede naman nila itong buwisan sa tulong ng mga partners wallet kung nanaisin nila. Katagalan ay magiging tanggap din ito yun nga lang hindi lang natin alam kung kailan ba ito mangyayari, mahalaga ay maghanda na lang tayo dahil alam naman natin na maapektuhan din tayo nito kaya mas mainam na paghandaan kung sakaling habulin man ng gobyerno.
sr. member
Activity: 647
Merit: 253
Ang finance ay sadyang kaakibat ng taxation. Napakakomplikadong usapin, na aking maaamin na hindi ako eksperto bagkus ay isang amateur lamang na tagasubaybay.

Mangyayari lamang na magkakaroon ng interes ang ating pamahalaan sa bitcoin, partikular, kung ito'y makapagdudulot ng benepisyo para sa pangangalap ng buwis ng gobyerno.

Kamakailan lamang, nagpalabas ng balita na ang gobyerno ay magpapataw ng karagdagang mga penalty sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

Siguro, dahil sa pandemic at lumobo ng husto ang utang ng Pilipinas, pinipilit nito ang kalapin ang lahat ng kaya nilang kalapin.

Samantala, karamihan sa mga negosyanteng Pilipino ay naghihikahos ng dahil sa matumal na bentahan at huminang ekonomiya bunsod ng lockdown at pandemic.

Sa aking sariling kuro-kuro, kung ang layunin ng gobyerno ay mapaigting ang koleksyon ng buwis, maraming benepisyo ang isang transparent digital-ledger. Ngunit, sa aking palagay, hindi nito tutukuyin ang Bitcoin, sapagkat napakalaking risk nito dahil sa volatility.

Sa aking sariling kuro-kuro, kung sakali man, siguro't mas gugustohin pa ng gobyerno ang gayahin ang Tsina na naglunsad ng kanilang digital currency.

Ang poder ng gobyerno ay kapangyarihan at hindi sila papayag, kailanman na magkaroon ng isang bagay (lalo na pag may kinalaman sa taxation) na hindi nila maaaring makontrol.

Kung sakali mang magkakaroon ng isang pera na blockchain-based, siguro'y ito'y magiging "centralized" at hindi tulad ng bitcoin.

Tama, Ang gobyerno mag aadopt lang yan ng isang bagay na alam nilang pwede silang kumita (taxation) o pwede nila ma control ang mga tao. 
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Kung ako ang tatanungin mo sa bagay na yan, ang sagot ko lamang diyan ay wala. Wala dapat gawin ang gobyerno sa usapin ng cryptocurrency at Bitcoin. Wala silang dapat ipatupad na batas o kahit na ano pa para lang maging lehitimo ang Bitcoin. Isa itong digital asset, kaya sa tingin ko may saklaw na ito sa existing laws natin pagdating sa mga bagay na galing sa internet at mga digital technologies. Ang financial sector hindi kumontra noong pumasok ang crypto sa Pinas, so dapat wag nang pakialaman pa.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Sana sa darating na halalan, iboto rin natin ang presidente na open sa pag legalized ng bitcoin as a legal tender.
Never pa ako nakarinig sa mga plataporma ng mga tra-po. As far as I know only Pac-Man ang pinakamalapit sa ganito, well, we see kung gaano siya ka open sa cryptocurrency but doubt if he's really that knowledgeable though. Getting neutral muna kasi hindi dapat maging basehan sa ang pagiging crypto-friendly lang ng isang kandidato ang iboboto kasi kung tutuusin hindi lang diyan umiikot yung gobyerno natin, hindi lang iyan ang focus. Let our right to suffrage, be right and wise as always.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Dadami ang papasok na pera kung tatanggapin ng bansa natin ang bitcoin as legal tender. Wala namang masamang implication kung maging legal tender ang bitcoin, nasa pandemic tayo ngayon, kailangan natin ng making taxes para maibangon ang economy natin, siguro high time na para maging aggressive ang bansa natin sa pag tanggap at pag regulate ng crypto.

Habang ang ibang bansa ay unti unti ng tumatanggap, siguro as developing country, makakatulong ito para sa atin at sa mga mamamayang Pilipino.

Sana sa darating na halalan, iboto rin natin ang presidente na open sa pag legalized ng bitcoin as a legal tender.
jr. member
Activity: 119
Merit: 1
Una sa lahat.isipin na mas malaki maitutulong sa ating bansa kung ,bigyan ng pagkakataon na gamitin at syang magiging isa sa transaksyon upang madali at mabilis ang bawat habang na gagawin ..
Sa panahon ngayon,tayo na ata nahuhuli sa mga hightech..na pamamaraan kya sumasang ayon ako na sana maliban na gamitin natin  ang BTC...ay payagan ng ating government na isulong ,importante bawat tao  marunong silang ,ipairal at intindihin ang rules and guidance ng individuals na gagamit..
Sa palagay ko,mas mainam  nag gamitin at nakaktulong s karamihan sa ating bansa..you can learned and earned pa...
full member
Activity: 257
Merit: 102
Yung price volatility and the fees talaga ang mostly problem right now and that’s why maraming businesses ang hesitant pa sa pag tanggap nito kase baka malugi lang sila especially nasa bear trend tayo.

 Yes, tama ka about dito. Volatility ang reason kung bakit nagiging hesitant ang ibang business sa pagtangap ng BTC. And also di lahat ng tao dito ay gumagamit na ng BTC. Masyadong risky ito para sa kanila.

Quote
In terms of government support we have it already naman and maganda talaga ang support nila since they allow many financial institution to already adopt cryptocurrency and even allow local exchanges to operate. El Salvador is a great inspiration, though it takes time to see the effect of this but this is a step closer to adopt Bitcoin.
If that's the case, maganda ito. Kung sakaling sinusuportahan nga ng government ang crypto ang chance na mas maadopt ito ay tumataas. Ang ibang tao ay nag aalangan na iaddopt ito kasi bibihira pa lang ang gumagamit at tumatangkilik nito.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Meron at merong investors talaga na gustong gusto ung volatility ng BTC. Pero pag ang pinag uusapan natin is ung masa, ung mga taong literal na walang ipon na kung saan living from paycheck to paycheck lang sila, then definitely hindi para sakanila ang bitcoin.
Para sa akin ang volatility ang pinaka mahirap na masolusyonan sa lahat ng mga problema na kinakaharap ng Bitcoin. Ang ease of use, scalability at iba pang issue sa Bitcoin ay may pag-asang ma solusyonan (lalo't parami na rin naman ang nagiging techie at merong ng Lightning network) pero para sa akin skeptical ako kung ano nga ba ang solusyon sa volatility. I guess dito sa volatility parang mapapako making it a legal tender not just Philippines pero most countries na rin.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Yeah I do agree with this provably we cannot see this being accepted sa mga merchant kasi napaka delikado talaga ng volatility ng bitcoin although masasabi naman natin na maaaring kumita ang mga may ari pag tumaas ang presyo pero hindi talaga natin maiiwasan na may bear season at maaari itong ikabagsak ng isang negosyo pag dumating ang panahon na magkakaroob ng heavy bear market run gaya nung 2018.

Meron at merong investors talaga na gustong gusto ung volatility ng BTC. Pero pag ang pinag uusapan natin is ung masa, ung mga taong literal na walang ipon na kung saan living from paycheck to paycheck lang sila, then definitely hindi para sakanila ang bitcoin.
full member
Activity: 680
Merit: 103
Kamakailan lang nasaksihan natin ang pagtanggap ng El Salvador sa Bitcoin at meron pang sumunod an Paraguay na nagpasa ng bill na tanggapin ang Bitcoin bilang isang legal tender o salaping umiiral (just found this online can't say for sure kung ito nga ba Ang depinisyon ng legal tender). Sa tingin niyo kung gagawing legal tender din ang bitcoin Pilipinas anong mga dahilang nito?

Napakarami ng skeptics lalo na sa scalability, volatility, environmental impact, not for everyday payments (kasi nga yung transaction fee peaking to ATH even $60 past 2017, though masosolusyonan ito ng LN), at marami pang iba. Sabihin na nating kailangang masoluyonan agad lahat ng ito pero it doesn't worked that way, it should be gradual or one at a time pero in term of adoption ano ang dapat unahin or kailangan bang most problem occurs for Bitcoin get solved first  before adopting it?

Sang ayon naman ako na dapat gawing legal ang bitcoin  dito sa pilipinas para din naman sa safety ng gumagamit ng bitcoin dito sa pinas yan at maiwsan ang ano mang masamang gawain na gamit ang Bitcoin or ano mang crypto, kaso di ako pabor na gawing mode of payment ang bitcoin, napaka unstable kasi ng galaw nito, e baka pag bumili tayo ng isang posporo sa tindahan imbis na 3 pesos lang e maging 20 pesos dahil sa pag pump ng Bitcoin  Grin.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
You have your point kase most of the banks naman have their own digital application where you can spend your money online so parang Bitcoin lang ito, I think this will become more on investment and other thing, not 100% because of digitization but it's more on transparency and recording since hinde lang naman BTC ang nagiisang Blockchain, maraming altcoins na ang nagwowork with private institutions and ok naman ang nagiging result like sa XRP with the banks. Ang gobyerno should think for a better way to introduce cryptocurrency in the public, matatagalan pero sana marating naten ang panahon na ito.

In an internal back-end perspective, sure. Maaari silang gumamit ng blockchain for whatever purpose. Pero expecting the masses(outside bitcoiners) to use crypto for merchant payments? Outside ng potential future CBSC, probably not.

Yeah I do agree with this provably we cannot see this being accepted sa mga merchant kasi napaka delikado talaga ng volatility ng bitcoin although masasabi naman natin na maaaring kumita ang mga may ari pag tumaas ang presyo pero hindi talaga natin maiiwasan na may bear season at maaari itong ikabagsak ng isang negosyo pag dumating ang panahon na magkakaroob ng heavy bear market run gaya nung 2018.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Yung price volatility and the fees talaga ang mostly problem right now and that’s why maraming businesses ang hesitant pa sa pag tanggap nito kase baka malugi lang sila especially nasa bear trend tayo.
aminin natin ang katotohanan mate na hindi pa talaga killa ng mga negosyante ang Bitcoin at iilan pa lang ang nakakaunawa nito kaya sadyang halos mabibilang sa daliri ang negosyante na tumatanggap nito,
Quote
In terms of government support we have it already naman and maganda talaga ang support nila since they allow many financial institution to already adopt cryptocurrency and even allow local exchanges to operate. El Salvador is a great inspiration, though it takes time to see the effect of this but this is a step closer to adopt Bitcoin.
Napakaluwang ng gobyerno natin now towards crypto though kabilat kanan ang paunawa at pag papaalala na mag ingat sa mga scammers.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
You have your point kase most of the banks naman have their own digital application where you can spend your money online so parang Bitcoin lang ito, I think this will become more on investment and other thing, not 100% because of digitization but it's more on transparency and recording since hinde lang naman BTC ang nagiisang Blockchain, maraming altcoins na ang nagwowork with private institutions and ok naman ang nagiging result like sa XRP with the banks. Ang gobyerno should think for a better way to introduce cryptocurrency in the public, matatagalan pero sana marating naten ang panahon na ito.

In an internal back-end perspective, sure. Maaari silang gumamit ng blockchain for whatever purpose. Pero expecting the masses(outside bitcoiners) to use crypto for merchant payments? Outside ng potential future CBSC, probably not.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Agree, nasa 4-5 TPS lang ang Bitcoin compared sa other payment options na laganap na. Kaya nga dapat na ma address muna yung mga features na magiging convenient ito sa masa.

Not talking about it in a scalability perspective, kasi though mababa ang adoption, ready to use na ang Lightning. It's more of ung bakit gagamitin ng masa ang bitcoin dahil lang digital ito? Knowing na kakailanganin pa nilang bumili ng bitcoin at irisk ung pera nila dahil sa volatility, whereas anjan naman na ung ibang peso payment processors. Kung digitization rin lang naman ung goal.
You have your point kase most of the banks naman have their own digital application where you can spend your money online so parang Bitcoin lang ito, I think this will become more on investment and other thing, not 100% because of digitization but it's more on transparency and recording since hinde lang naman BTC ang nagiisang Blockchain, maraming altcoins na ang nagwowork with private institutions and ok naman ang nagiging result like sa XRP with the banks. Ang gobyerno should think for a better way to introduce cryptocurrency in the public, matatagalan pero sana marating naten ang panahon na ito.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Agree, nasa 4-5 TPS lang ang Bitcoin compared sa other payment options na laganap na. Kaya nga dapat na ma address muna yung mga features na magiging convenient ito sa masa.

Not talking about it in a scalability perspective, kasi though mababa ang adoption, ready to use na ang Lightning. It's more of ung bakit gagamitin ng masa ang bitcoin dahil lang digital ito? Knowing na kakailanganin pa nilang bumili ng bitcoin at irisk ung pera nila dahil sa volatility, whereas anjan naman na ung ibang peso payment processors. Kung digitization rin lang naman ung goal.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
If itatake into consideration natin ung safe no-touch payments(like with cash), obviously hindi necessarily na bitcoin ang magiging best solution dito. Mero na tayong GCash, PayMaya, at Shopee Pay. Ang advantage talaga ng bitcoin is ung sa counter-inflation and self-custody side.
Agree, nasa 4-5 TPS lang ang Bitcoin compared sa other payment options na laganap na. Kaya nga dapat na ma address muna yung mga features na magiging convenient ito sa masa.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
advantage ito sa gobyerno sapagkat safe and easy ang transaction lalo ngayong pandemic, kunwari may gusto kang bilhin o bayaran o padalhan ng pera. mostly ang mga tao ngayon online transactions na ang ginagawa dahil bukod sa safe na, tipid pa sa pamasahe at no interactions. wala ring limit sa purchases and withdrawals.  sana mai-consider ito ng gobyerno.,

If itatake into consideration natin ung safe no-touch payments(like with cash), obviously hindi necessarily na bitcoin ang magiging best solution dito. Mero na tayong GCash, PayMaya, at Shopee Pay. Ang advantage talaga ng bitcoin is ung sa counter-inflation and self-custody side.
sr. member
Activity: 882

Jump to: