Pages:
Author

Topic: Ano ang dapat isaalang-alang ng gobyerno upang ganap na tanggapin ang BTC? - page 3. (Read 573 times)

sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
Para sa akin dapat isipin ng gobyerno natin ang kahalagahan ng cryptocurrency sa ating pamumuhay, gaya ng madali transaction na bigay sa atin. Mas transparent na ang traceability ng ating pera kung saan ito papunta kasi may address na makikita sa blockchain network.
Dapat din pagtuunan pansin ang mga pera na ginagamit sa pagpapalago ng proyekto sa bansa, lalo na sa mga paraan na ang corruption ay talamak sa mga politiko na gahaman. Malaking tulong itong cryptocurrency para matuto ang tao sa mga importanteng bagay na kung saan related ang cryptocurrency, kagaya ng trading at investments na kung saan pwede sila maka kuha ng tax.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
I doubt mangyayari yun [at least for now]... Tulad nung sinabi ni @sir_danny [kind of], mas malaki ang chance na gumawa sila ng sarili nilang CBDC kaysa gawin legal tender ang BTCitcoin and since may mga banks na hindi na tumatangap ng crypto TXs [like BPI], then maliit ang chance nito [indirectly related].
Most likely ito yung mangyayari, adapting a CBDC kasi hindi nila talaga mareregulate ang Bitcoin. Well, I think in talks na yung CBDC, right? Good thing merong Unionbank na friendly na friendly sa crypto but skeptical pa rin kung hanggang kailan nga ba sila magiging avid supporter.
full member
Activity: 798
Merit: 104
Okay naman na sa atin ang bitcoin at para sa akin hindi na kailangan pang gawing legal tender ang bitcoin. Ayos na na nandyan yung BSP na nakasuporta sa mga exchanges sa atin at sa cryptocurrencies. Tingin ko yung mga hakbang na ginawa nila sapat na yun para sa atin ay nangangahulugan na pro-btc ang government natin. Legal tender o approval na mula sa government para sa akin, okay na yang parehas na yan pero kung gagawing legal tender tingin ko malabo yan mangyari sa bansa natin. Hindi pa ganun ka ready ang bansa natin para sa ganyan. Kaya yung mga licenses na binibigay ni BSP sa mga exchanges at iba pang crypto businesses, ok na talaga siya.
Sang-ayon ako sa mga sinasabi mo kaibigan na sapat na para sa ating lahat ang ginawa ng gobyerno at Bangko Sentral ng Pilipinas ang ganitong pamamaraan na makapag earn tayo sa pamamagitan ng pagcrypto at pag invest. Sa legal tender ay  malabo tayong makakuha ng ganyang suporta kasi tayong mga pilipino ay mihilig sa traditional na pamamaraan hindi katulad sa ibang bansa na masyadong advance ang mga teknolohiya at mayayaman pa.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
Sa tingin niyo kung gagawing legal tender din ang bitcoin Pilipinas anong mga dahilang nito?
I doubt mangyayari yun [at least for now]... Tulad nung sinabi ni @sir_danny [kind of], mas malaki ang chance na gumawa sila ng sarili nilang CBDC kaysa gawin legal tender ang BTCitcoin and since may mga banks na hindi na tumatangap ng crypto TXs [like BPI], then maliit ang chance nito [indirectly related].

or kailangan bang most problem occurs for Bitcoin get solved first  before adopting it?
To some extent, yes.

and that’s why maraming businesses ang hesitant pa sa pag tanggap nito kase baka malugi lang sila especially nasa bear trend tayo.
If online businesses ang pinag-uusapan, then may ilan gateways/processors na may auto-conversions.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Yung price volatility and the fees talaga ang mostly problem right now and that’s why maraming businesses ang hesitant pa sa pag tanggap nito kase baka malugi lang sila especially nasa bear trend tayo.

In terms of government support we have it already naman and maganda talaga ang support nila since they allow many financial institution to already adopt cryptocurrency and even allow local exchanges to operate. El Salvador is a great inspiration, though it takes time to see the effect of this but this is a step closer to adopt Bitcoin.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
^^ @sir_danny

Kung gagawa man ng blockchain based na digital currency o bagong currency at hindi alinsunod sa layunin ng Bitcoin sa tingin wala pa ring pagbabago sa nakaginsnang sistema. So far ang nais ng El Salvador ay mawala ang inflation gaya nga ng nangyari sa sarili nilang salapi. El Salvador isn't thinking on the short term but on the long term effect of adopting Bitcoin.

Kung gagawa man ng panibagong salapi ang gobyerno natin dapat mawala ang inflationary features nito. In terms sa volatility napakalaking usapin talaga yan at so far no one can address the issue kahit sabihin pa ng ibang Bitcoin Maxis na ito'y magiging estabilisado ito kung magkaroon ng adoption o marami ang gagamit, pero sa tingin ko hindi makukumbinso ang ibang gobyerno rito. Naniniwala ako na hindi hahayaan ng gobyerno ang sarili nitong salapi na mawala lalo na kung kontrol nila ito at sa kaso ng Bitcoin ito'y ang salungat.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Okay naman na sa atin ang bitcoin at para sa akin hindi na kailangan pang gawing legal tender ang bitcoin. Ayos na na nandyan yung BSP na nakasuporta sa mga exchanges sa atin at sa cryptocurrencies. Tingin ko yung mga hakbang na ginawa nila sapat na yun para sa atin ay nangangahulugan na pro-btc ang government natin. Legal tender o approval na mula sa government para sa akin, okay na yang parehas na yan pero kung gagawing legal tender tingin ko malabo yan mangyari sa bansa natin. Hindi pa ganun ka ready ang bansa natin para sa ganyan. Kaya yung mga licenses na binibigay ni BSP sa mga exchanges at iba pang crypto businesses, ok na talaga siya.
copper member
Activity: 40
Merit: 19
Ang finance ay sadyang kaakibat ng taxation. Napakakomplikadong usapin, na aking maaamin na hindi ako eksperto bagkus ay isang amateur lamang na tagasubaybay.

Mangyayari lamang na magkakaroon ng interes ang ating pamahalaan sa bitcoin, partikular, kung ito'y makapagdudulot ng benepisyo para sa pangangalap ng buwis ng gobyerno.

Kamakailan lamang, nagpalabas ng balita na ang gobyerno ay magpapataw ng karagdagang mga penalty sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

Siguro, dahil sa pandemic at lumobo ng husto ang utang ng Pilipinas, pinipilit nito ang kalapin ang lahat ng kaya nilang kalapin.

Samantala, karamihan sa mga negosyanteng Pilipino ay naghihikahos ng dahil sa matumal na bentahan at huminang ekonomiya bunsod ng lockdown at pandemic.

Sa aking sariling kuro-kuro, kung ang layunin ng gobyerno ay mapaigting ang koleksyon ng buwis, maraming benepisyo ang isang transparent digital-ledger. Ngunit, sa aking palagay, hindi nito tutukuyin ang Bitcoin, sapagkat napakalaking risk nito dahil sa volatility.

Sa aking sariling kuro-kuro, kung sakali man, siguro't mas gugustohin pa ng gobyerno ang gayahin ang Tsina na naglunsad ng kanilang digital currency.

Ang poder ng gobyerno ay kapangyarihan at hindi sila papayag, kailanman na magkaroon ng isang bagay (lalo na pag may kinalaman sa taxation) na hindi nila maaaring makontrol.

Kung sakali mang magkakaroon ng isang pera na blockchain-based, siguro'y ito'y magiging "centralized" at hindi tulad ng bitcoin.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Kamakailan lang nasaksihan natin ang pagtanggap ng El Salvador sa Bitcoin at meron pang sumunod an Paraguay na nagpasa ng bill na tanggapin ang Bitcoin bilang isang legal tender o salaping umiiral (just found this online can't say for sure kung ito nga ba Ang depinisyon ng legal tender). Sa tingin niyo kung gagawing legal tender din ang bitcoin Pilipinas anong mga dahilang nito?

Napakarami ng skeptics lalo na sa scalability, volatility, environmental impact, not for everyday payments (kasi nga yung transaction fee peaking to ATH even $60 past 2017, though masosolusyonan ito ng LN), at marami pang iba. Sabihin na nating kailangang masoluyonan agad lahat ng ito pero it doesn't worked that way, it should be gradual or one at a time pero in term of adoption ano ang dapat unahin or kailangan bang most problem occurs for Bitcoin get solved first  before adopting it?
Pages:
Jump to: