Kung ikaw ang hacker, tatanggapin mo ba yung reward or lie low lang muna since may possibility na bluff lang yung offer ni Sun
Kung ako ang hacker, tatanggapin ko yung reward
[kahit na alam ko bluff yung sinasabi niya tungkol sa identity ko], dahil minark na nila ang mga stolen funds at sa oras na gagamitin niya ang mga ito, magtataas ito ng red flags!
Tama ka naman kaso ang mahirap dyan, lalo na kung bluff lang na kilala ka na nila, ay yung security at safety mo pagkatapos mo tanggapin yung offer nila. Tsaka sa history ng crypto, maraming stolen funds na ang nangyari at kahit sabihin mong mark na ito ay may mga ways pa rin na nagagawa yung mga magnanakaw na bawasan yung funds na nanakaw kaso lang mahirap galawin ng buo yung nanakaw.
pwede naman nya ipahuli nalang sa pulis yung hacker withotu announcing na nakuha na nya yung info ng hacker?
May point ka, pero sa tingin ko sinusubukan nilang iwasan ito na maging "cat and mouse game".
Parang mas naging cat at mouse game nga ito dahil sa public announcement nila dahil notified si hacker sa nangyari unlike kapag ginawa nila yung operation na hulihin yung hacker na wala sya kaalam-alam kung totoong alam na nila yung identity ng hacker.
gaya padin ng comment ko sa taas, duda talaga ako dyan na alam o identified na nila ung hacker.
unang una kung alam talaga nila hindi na kailangan i announce yan.
Commonsense kasi na magkaka idea na yong hacker na identified na siya eh di double or triple ingat na siya (if kung totoo nga)
puedeng sinabi lang nila yon parang propaganda na identified na nila pero wala naman talaga.
walang pinagkaiba sa ibang exchanger dati na nagsara kesyo na hack ni ganito ni ganyan para hindi sila habulin ng mga clients nila.
- Ako man to be frank parang ganun din ang iniisip ko, bluffing o sinasaywar lang na sinasabi ng iba para kumagat yung tao na iniisip mong mahulog sa patibong na meron kang iniisip. Kaya lang mukhang hindi rin naman ganun kabobo yung hacker para maniwala sa ganyang statement lang.
Edi sana kumagat na agad yung hacker kung naniwala ito sa sinabi nung tao, Saka kung ako yung siguro nasa kalagayan ng hacker ay wala naring dahilan pa makipagtransaksyon ako, mas nanaisin ko nalang na manahimik kesa yung magbigay ng replay sa sinasabi nila.
my punto ka, kasi para sa akin talaga mas naniniwala akong hindi nila tukoy kung sino talaga yong hacker possible kasi na propaganda lang nila yon na tukoy na nila..
pero sabihin na nating tuloy na nila at possible din na kailangan pa nila ng mas concrete na information paano nila ma entrap yong hacker baka sakaling magreply or kumagat sa offer na 10M.
agree din ako sa iba, kung ako hacker hindi na ako magrereact (kung existing talaga yong hacker puede kasing isa sa kanila lang yon.)
Sure naman na hindi nila alam basic information ng hacker, Siguro ang alam lang nila is yung IP address ng hacker but not their real Identity, if that's the case bakit pa nla papaabutin sa negotiation kung pwede naman directly ihain yung demanda and warrant since sabi nga nila ay alam na nila kung sino yung hacker. Matatalino na ang mga tao ngayon pagdating sa ganyan, alam nila kung for trap lang ang ginagawa sa kanila or hindi. Isa pa sa mga tinitignan ko dito, baka naman mamaya ay inside job ang nangyari at palabas lang nila ito sa mga tao na alam na nila kung sino yung nanghack ng system kahit ang totoo ay isa lang sa kanila ang may gawa ng mga incidents.
Syempre pwede nilang gawin na i sue na agad yong hacker , Ipahuli at ipakulong in which Madali lang nila magagawa yon kasi nga alam na nila lahat ng data ng hacker and hindi maglalabas ang team ng ganyang pahayag kung talagang wala silang pinanghahawakan.
Ang problema pag ginawa nila yon eh may dalawang pwedeng mangyari na siguradong malaki ang impact .
UNA - Makikiusap yong hacker na wag na Siya ipakulong and isasauli nalang nya lahat ng Na hack nya.
PANGALAWA - Hindi sya makikipag cooperate at isasama na nya sa Kulungan at kamatayan ang Ninakaw nya, dahil sure na mabubuhay ang pamilya nya ng ilang saling lahi sa laki ng Perang nakuha nya in which merong ganong klaseng tao na isasakripisyo ang sarili nya para sa kapakanan ng mga mahal nya sa Buhay.
So sa mga ganyang bagay mate eh nangyayari kaya nag ooffer ang Poloniex ng ganyan kalaking pera para lang ma assure na maibabalik ang funds sa kanila .