Anong bait lang, ang sabihin mo talaga bait sa hacker yan, baka iniisip nila na ganun lang kasimple na maconvice yung hacker sa ganun strategy na ginagawa nila. Pero tulad ng sinabi mo matalino nga talagang yang hacker na yan.
Baka nga naliliitan pa yan sa offer sa kanya, posibleng ganun pa yung mangyari diba? saka tama ka rin malaking exchange parin yang poloniex kaya malamang hindi nya gagawin na manghack kung alam nyang mahuhuli siya ng mga awtoridad sa aking palagay at opinyon lang naman.
Maaaring ganun na nga, gumagawa nalang sila ng mga posibleng paraan at nagbabakasakaling mabawi ang mga perang nanakaw. Kaysa naman mapahaba pa ang usapan at lalo na ang imbestigasyon na maaaring mauwi sa wala kaya nagbigay nalang sila ng ganitong offer o bait para matapos na agad.
Mataas ang chance na hindi pansinin ang offer. Mukha din namang hindi basta-basta ang hacker at alam niya ang ginagawa niya dahil hindi naman ganun kadali ang manghack ng exchange. May mga plano yan na paniguradong hindi siya madaling mahuhuli.
good luck sa naisip nilang paraan, paniguradong hindi na pagtutunan ng pansin yan ng hacker, baka at this point, nakapagtago na ang mga ito at lumipad na sa ibang bansa lalo na malaking pera ang hawak nila, napakadaling umalis at magsimula ng bagong Buhay sa ibang bansa. Siguro sa mga nangyaring hacking incident, mas Mabuti na pagtuunan ng pansin at pondohan ang paghihire ng mga best IT sa bansa to Prevent cyberattacks from happening again in the future.