Nagsimula ako noong taong 2017 pero hindi pa talaga ako pamilyar sa lahat ng bagay tungkol sa cryptocurrency. Siguro noong taong 2009 parang naglalaro palang ako nyan ng mga online games at nakikipaglaro pa sa mga bata sa amin at wala akong muwang sa larangang cryptocurrency at mga 12 years old na din ako nagkaroong social media accounts. Pero ang swerte ng mga taong nakabili ng bitcoin noon taong 2009 dahil sobrang baba pa ng presyo nito.
Wow so ibigsabihin na bata ka palang ngayon or teenager tama ba? Pero marami ding mga teenager dito sa cryptocurrency at noong 2009 talaga ay mga bata pa sila kaya wala silang kaalam alam sa nangyayari sa cryptoworld na nag-uumpisa na pala ang bitcoin at maswerte rin ang iba dahil mas maaga nila nalaman ang bitcoin at nakapag-invest ng maaga pero may mga bata rin naman siguro na nakapaglagay ng pera nila sa bitcoin at ngayon mga milyonaryo na sila.
Erik Finman pinaka batang naging bitcoin millionaire. nag start sya mag invest sa bitcoin nung 12 years old pa lang siya $1,000 worth of bitcoin lang nag ininvest nya tapos naging millionaire na,
napaka swerte nya. ang problema nga lang naging mayabang after nya maging milyonaryo pakiramdam nya ay napaka galing na nya sa pag ttrade. anyway, nag start ako mag bitcoin noong 2015
dahil pinili ako ng kapatid ko na subukan tong forum na to. sa loob ng 4 years na -pag bibitcoin ang time lng na gumastos ako ay nung 2017 nung nag start tumaas presyo ng bitcoin bumili ako ng
60K(140k+ palang presyo nung bitcoin) worth of bitcoin at sa katapusan ng taon ang total na kinita ko ay nsa 300k+. nagulat na lng yung ibang kamaganak ko na ayaw maniwala nung una. haha