Pages:
Author

Topic: Anung ginagawa nyo nung 2009 -2017 kung saan ang bitcoin ay ngsimula at kumawala - page 6. (Read 791 times)

legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Sigurado ako yung mga nauna na pinoy dito sa forum may mga millionaire status dyan 😂, lalo na mga legendary members. Na swertehan ko lang din kaya ako naging involve sa industriyang ito, pero nadiskobre ko itong forum noong active pa ako sa PTC’s.

Same here, dahil sa PTC kaya napunta ako dito sa forum.  Swerte lang din at hindi ako nagstick sa BTC, at nagexplore ako sa mundo ng mga altcoins, kung saan nakakuha rin ng kita para kahit papaano umangat ang antas ng pamumuhay at makabayad sa mga utang.



nung 2009 bihasa na ako sa pag-gamit ng internet, hindi lang talaga ako napadpad kung saan pinag-uusapan ang tungkol sa bitcoin. yung mga pinoy forums dati tulad ng symbianize at iba pa, doon lang ako sa kanilang free internet tricks nakatambay ang hindi ko alam nandun lang pala sababa ng site yung mga users na piinag-uusapan nila ang tungkol sa bitcoin. nakalimutan ko lang yung name ng category, pero doon din ko rin nahanap ang tungkol sa bitcoin noong mga 2016. hindi pa rin ako napunta dito, sa kalagitnaan na ng 2018 nang mapunta ako dito pero wala pa rin akong pinagsisisihan dahil kahit papaano kumita pa rin ako dito.

Isa rin ako sa mga symbianize user, at minsan minsan nagpopost dun para ishare ang mga bagay bagay tungkol sa crypto giveaways.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
nung 2009 bihasa na ako sa pag-gamit ng internet, hindi lang talaga ako napadpad kung saan pinag-uusapan ang tungkol sa bitcoin. yung mga pinoy forums dati tulad ng symbianize at iba pa, doon lang ako sa kanilang free internet tricks nakatambay ang hindi ko alam nandun lang pala sababa ng site yung mga users na piinag-uusapan nila ang tungkol sa bitcoin. nakalimutan ko lang yung name ng category, pero doon din ko rin nahanap ang tungkol sa bitcoin noong mga 2016. hindi pa rin ako napunta dito, sa kalagitnaan na ng 2018 nang mapunta ako dito pero wala pa rin akong pinagsisisihan dahil kahit papaano kumita pa rin ako dito.
Past is past na kung titignan natin nangyari na ang nangyari hindi na natin maibabalik ang nakaraan kaya ang magandang gawin na lang ay paghusayan ang ginagwa natin dito sa forum at sa cryptocurrency o san man larangan ang isang tao na kumita ng crypto.  Ang mahalaga dito kahit late na pinasok ang pagcrycrypto ay kumikita ito at possible pa rin naman maging mayaman basta gusto ng isang tao makakaya ito.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
nung 2009 bihasa na ako sa pag-gamit ng internet, hindi lang talaga ako napadpad kung saan pinag-uusapan ang tungkol sa bitcoin. yung mga pinoy forums dati tulad ng symbianize at iba pa, doon lang ako sa kanilang free internet tricks nakatambay ang hindi ko alam nandun lang pala sababa ng site yung mga users na piinag-uusapan nila ang tungkol sa bitcoin. nakalimutan ko lang yung name ng category, pero doon din ko rin nahanap ang tungkol sa bitcoin noong mga 2016. hindi pa rin ako napunta dito, sa kalagitnaan na ng 2018 nang mapunta ako dito pero wala pa rin akong pinagsisisihan dahil kahit papaano kumita pa rin ako dito.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Sigurado ako yung mga nauna na pinoy dito sa forum may mga millionaire status dyan 😂, lalo na mga legendary members. Na swertehan ko lang din kaya ako naging involve sa industriyang ito, pero nadiskobre ko itong forum noong active pa ako sa PTC’s.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 335
Medyo huli na ng maglakas loob akong pumasok sa mundo ng crypto na siya namang pinanghihinayangan ko. Naririnig ko na ang tungkol dito noong una pa lang pero binalewala ko ito. Marahil hindi pa nga iyon ang nakatakdang panahon para sa akin upang maencounter and Bitcoin. Kaya ngayon, pilit kong pinupunan ang mga panahong pinanghihinayangan ko noon. Gusto ko din kasing maging matagumpay dito kagaya ng mga kaibigan ko.
jr. member
Activity: 117
Merit: 2
Nung mababa pa presyo nung bit coin di pa ako aware dun busy pa ako sa pag lalaro ng dota. Laging nakatambay sa computer shop nag hihintay ng kapustahan sa dota. Nalaman ko ang about sa bit coin 2017 na. mejo mataas na ang value. Pero di ko parin inintindi. ngayon nagiging interesado na ako subalit sa tingin ko ay huli na ang lahat sayang ang maraming kinita ko sana na bitcoin. Kung nalaman ko lang sana ito ng mas maaga ay siguro ganito pa rin ako. Di ko papansinin to ehh. DOTA is life nung mga panahong iyon. Smiley Smiley Smiley
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
aminin natin na nung mga panahon na yan ay kasagsagan ng mga "Scamming sa Internet" sa ating bansa at sa iba pang sangay kaya kung ang isang normal na Filipino ang tatanungin natin or pagsasabihan ng tungkol sa Bitcoin sure 8/10 magsasabing scam nanaman to kaya nung mga panahon na yan ay busy pa ang bawat isa sa kanya kanyang buhay.ang mahalaga na lang naman now ay ang Bitcoin ay simula ng na aadopt ng kahit maliliip na negosyo,kaya pag nagkataon bukas or sa makalawa ay makakabili na tayo ng suka at toyo gamit ang BTC
sr. member
Activity: 1372
Merit: 264
Sa taon na 2009 - 2015 wala pa akong ideya sa bitcoin pero busy ako nung sa pag-aaral at pagttrababho nung nasa taon 2012 na. At nalaman ko lamang ang bitcoin nung 2016 dahil sa mga HYIP program at wala ako ideya sa pagttrade sa pag invest lang.

Pero sa totoo lang nagpapasalamat ako dahil naabutan ko yung bullrun nung 2017 at buti may ideya din sa pgttrade ng taon na yun at nakahaboo pa.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Nag-aaral pa ako niyan sa mga panahon nayan kaya wala akong time mag search tungkol sa cryptocurrency. Hindi din kasi sikat sa lugar namin yan so mahirap talagang marinig yang Bitcoin. Na encounter ko lang yoong Bitcoin noong naghahanap ako ng part-time sa internet noong 2017. Isa sa mga lumabas ang Bitcoin kaya sinearch ko, and doon na nag start ang Bitcoin journey ko. Walang-wala talaga akong idea sa cryptocurrency nayan kasi hindi naman tayo masyadong advanced di katulad ng mga western sa panahon ng 2009-2015. Syempre nanghihinayang ako pero kahit na late, I'm glad na naka sakay parin ako dito.
full member
Activity: 798
Merit: 104
2009 to 2015 ito yung mga panahon kung saan nag aaral ako at talagang hindi ko alam ang salitang bitcoin after ko makagraduate nag start nako maghanap ng trabaho at nung nagwowork nako mga taon 2016 jan ako nagstart maghanao ng extra income una kong narinig ang bitcoin sa isang forum nung una di ako naniniwala na pwede kang kumita sa bitcoin hanggang sa nagtry nga ako mag faucet hanggang sa napadpad sa forum na ito, my mga bagay talaga nasa huli natin nalalaman pero its not a reason na sumuko tayo, swerte parin ako kasi naabutan ko ang bullrun wayback 2017 kung saan yung mga naipon kong altcoins sa mga bounty campaign ay nagboom din.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game

Matagal ko ng nakikita ang term na bitcoin pero di ko pinapansin. Nakita ko yan sa isang advertisement ng Neobux at Clixsense.

Then sumikat sya nung panahon ng MT Gox pero di ko pa rin pinansin. Hanggang 2015 naisipan ko out of nowhere na itry sya.

Dati kung matandaan niyo, napakadaling kumita sa faucets dati kasi mababa pa ang price. Hanggang sa tuluyang ng lumobo ang price at nalugi na ang mga faucet owneers.
hero member
Activity: 1148
Merit: 500
2009 kasi high school pa ako nun. Yun din yung taon kung kailan lumabas ang Bitcoin. Wala pa akong ideya noon about Bitcoin dahil puro online gaming lang ginagawa ko that time. But 2016 na-discover ko sya kasi gusto talaga makahanap ng pagkakakitaan kahit sa maliit na halaga lang. So napadpad ako dito at dun nagsimula ang aking kaalaman about sa Bitcoin. Kung maaga ko talagang nalaman to mayaman na sana ako ngayon😂
Pero naabutan ko yung presyo ng Bitcoin is around $45-$100. Still can't afford one pero nagsisimula na akong kumita.
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
I was in HS nung 2009 and wala pang kahit anong impormasyon tungkol sa Bitcoin ang nakakaratimg sakin noong  mga panahong iyon. Inom, tambay, at maglaro ng PC games lang ang alam ko that time.

Well, technically, naniniwala ako na nakararami saatin dito ay hindi naman basta ppadukin ang crypto kung nagkataon na nalaman natin ito around 2009 dahil wala pa tayong source, basis, at expert analysis ng mga panahong iyon.

Possible around 2013-2015 siguro bago tayo na-curious kasi around 2015 ko nalaman ang BTC mula sa isang student sa school kung saan ako unang nagtrabaho at ang pagkakaintindi ko lang ito ay virtual currency na magagamit lamang din para sa mga virtual na bagay-bagay hanggang sa nalaman ko ang tunay na gamit at kakayanan nito noong 2017.

So yun, kung around 2015 ay naintindihan ko na at pinag-aralan ito, malamang nabenta ko rin agad nung nasa 17k php palang ang value nito kada isa o baka nga nung 5k php palang dahil hindi naman inexpect ng lahat na aabot ito current ATH.

sr. member
Activity: 896
Merit: 268
★777Coin.com★ Fun BTC Casino!
Nakakahiya mang sabihin, wala Pa akong alam sa bitcoin ng mga panahong iyan. Ginagawa ko lamang ang mga normal na ginagawa ko noon na nakapokus lamang ako sa aking pag-aaral. Nakilala ko lang ang bitcoin noong 2017,ngunit hindi kaagad ako nagsimula noon. Nagsimula lamang ako na maging active dito noong 2018. Pero, better late than never naman diba?
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Nakakapanghinayang pero ayaw ko nalang isipin na ganun na kesyo "sayang mura pa dati", "sana bumili ako dati pa". Move on nalang ginagawa ko at hinaharap yung kasalukuyan. Naririnig ko na rin ang bitcoin dati pa pero binalewala ko lang pero masaya pa rin ako kasi lahat tayo na nandito masasabing mga early adopter pa rin. Hindi natin alam kung ano magiging presyo niya sa mga susunod na taon kaya kung meron ka mang hinohold na bitcoin ngayon, maging masaya ka nalang. Nung mga panahon na yan, nagdodota at aral lang ako at hindi ko naman nireregret yun kasi masaya naman ako nung mga panahon na yun.
hero member
Activity: 2702
Merit: 540
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Napakasarap isipin kung nakabili ka ng marami sa mga panahong iyon.Kahit mga 1000 btc lang ay sapat na mabuhay kahit hindi ka na magtrabaho.hahaha
Sa mga panahong iyon ay college student pa lang ako  at medyo nalulong sa jowa kaya di masiyado nakapag focus about online things pero akoy adik sa dota 2 game.
Narinig ko ang bitcoin sa mga oras na iyon pero tinuring ko lang ito na scam kasi rampant naman talaga ang ponzi at scam kahit nung una pa.
sr. member
Activity: 1442
Merit: 421
Wala akong nakikitang magandang dahilan para bumili ang isang inosenteng pilipino ng Bitcoin noon para lang yumaman sa mga susunod na panahon, ang tanging dahilan lang na naiisip ko ay dahil sa laro(online games), kung mas napaaga ang pasok ng mga Steam or naging accessable ng mas mura ang pag papaload ng mga online games(lalo yung international) then baka meron isang pinoy na yumaman ng biglaan.

Meron akong kakilala na gumawa neto, nagkaroon siya ng kulang kulang 1 Bitcoin at ang pagkakatanda nya ay mga nasa 0.7+ ang natira sa Btc wallet nya, at ang rason dahil na curious lang sya noon at meron syang Paypal balance ang inalam kung pano magkaroon ng Bitcoin. So out of curiousty lang at hindi for investment or what. To cut the long story short ang 0.7 BTC and malaki noong peak ng December 2017 at kahit na ngayon ang masama nga lang hindi nya na alam kung paano ma access yung Bitcoin wallet nya dahil nakalimutan nya ang password at ultimo username ng crypto wallet nya online.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Masarap isipin at pangarapin muli yan, naisip ko nga baka sumali ako dati sa captcha earnings na yan at bayad is Bitcoin, kaso wala talaga, nung mga panahon na yan sa captcha payment is 5BTC, biruin mo kung naipon mo yon, or meron ka nakatago, kahit 5 BTC lang instant yaman, kaya swerte ang mga nagmining din dati dahil nakaipon sila ng libo libong bitcoin at yumaman.

Sa totoo lang kung magiging realistic tayo sa gagawin ng mga bitcoin holders dati, kung ang isang tao ay may bitcoin dati nung malayong mas mababa pa ang presyo nito, mejo mataas ang chance na ibenta nalang agad nung tao ung bitcoin pag nag x5 o kahit siguro nag x2 lang ung presyo ng bitcoin. Knowing na wala pa masyadong content dati concerning long term valuations and predictions about sa price ng bitcoin.
sr. member
Activity: 728
Merit: 254
Since hanggang ngayon estudyante palang rin ako, siguro noong mga panahon na mababa pa ang value ng bitcoin at hindi pa ganun kakilala, ay pag aaral pa lang ang inaatupag ko tapos tinatamad pa. Pero kung sa panahong iyon, ay na discover ko na ang bitcoin, baka hindi ko din iengage ang sarili ko dahil medyo immature pa ako at hindi pa iniisip masyado ang pera as long as may baon ako galing sa magulang. I wish I was born earlier para matured na thinking ko noon.
hero member
Activity: 1190
Merit: 511
Maaring nasasagi sa isip nyo, papanu kung nkabili ka ng 1000 pcs of btc worth less a dollar ng mga panahong basura pa ang turing ng iba dito dahil wla syang halaga at pinagtatawanan pa ng iba, anu ang ginagawa natin ng mga panahong iyon.
sa totoo lang busy ako sa paglalaro ng cabal pero nadidinig dinig ko nadin ang bitcoin, nung nsa work ako may mga crypto lock nadin akong nadidinig at ingat na ingat kami sa office , kasi bka mabiktima ang network nmin, pero never nming check kung anu at meron bang halaga ang mga coins na yan, madalas business pinag uusapan namin, pero wla namang kaming pera, pero kung siguro bumili ako dati ng bitcoin before na mura sya like 100 bka mayaman nako, or nung mas maaga pa mga 100000 pcs ako n cgro mayaman sa pinas, yan mga pinagiisip ko minsan pagnaalala ko , pero ngaun sa isip nalang sayng talaga, minsan kung kelan wlang halaga di natin itinabi, ang aral dito minsan tumaya kadin para tumama, hindi pwede sa isip lang , dpat may gawa din, parang sa buhay para umasenso, kayo ba anu mga bagay na gingawa nyo at naiisip nyo nung mababa p bitcoin at ilan sana nabili nyo nung mura pa? share lang mga sir/ma'am pra masaya

Masarap isipin at pangarapin muli yan, naisip ko nga baka sumali ako dati sa captcha earnings na yan at bayad is Bitcoin, kaso wala talaga, nung mga panahon na yan sa captcha payment is 5BTC, biruin mo kung naipon mo yon, or meron ka nakatago, kahit 5 BTC lang instant yaman, kaya swerte ang mga nagmining din dati dahil nakaipon sila ng libo libong bitcoin at yumaman.
Pages:
Jump to: