Pages:
Author

Topic: Aside from crypto ano pa pinagkakaabalahan nyo? (2) (Read 288 times)

sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Well related pa rin naman sa Crypto pero my halong play to earn lang yung pinagkakaabalahan ko ngayon. Totally play to earn. Isa sa pinag kakaabalahan ko ngayon ay Pixels na aadik ako sa laro ito kahit na medyo mababa kita kada araw. As of now 60-90 kita kada araw depende kung magkano mapafarm na pixel. Nagsisi ako na nababasa ko yung play to earn ng pixels dinisregard ko sana kumita din ako Tulad nila ng 250K nung nagpa Play-To-Airdrop yung pixes. Ganyun focus ako sa Shuffle kapag sugal naman. Kasi kapag nag wager ka sa shuffle makakatanggap airdrop ng Shuffle token.

Talaga, pwede bang pakibigay mo yung link ng games na sinasabi mo, parang gusto kung subukan na laruin yang sinasabi mo. Hindi narin masama yung 60-90 pesos a day ba yan. San kapa makakakuha ng ganyang profit na habang naglalaro lang ay meron ng earnings na parang passive income narin kung titignan ko. Tapos nag-eenjoy kapa habang naglalaro nyan.

Parang nakakamis din kasi na maglaro ng play2earn at mukhang maganda naman yang pixel na sinasabi mo sa totoo lang at nacurious talaga ako sa larong yan. Wala naman siguro akong ilalabas na pera dyan sa games na yan.

Yeah totally wala kang ilalabas na pera depende nalang sayo kung gusto mo gumastos pang bili ng VIP (which mean malaki ang kikitain mo compared sa mga Non VIP. Pure oras lang kung gusto mung hindi gumastos.
Ito yung link:
Code:
https://play.pixels.xyz/

Listed na rin sya under Ronin Network sya. For sure kung into Axie Infinity ka alam mo na ito. Ang gameplay nya is parang Farmville. Sobrang dami din ng DAU (Daily Active User) nila ngayon umaabot ng 250K. Kaya medyo lag yun laro pero okay naman.

Salamat kabayan at simulan ko ng laruin ito, kahit maliit lang muna sa simula pero okay narin basta merong magandang future, aralin ko ito paunti-unti, at paglalaanan ko ito araw-araw kahit 1 hour lang parang time management lang ang gagawin ko, although madami akong ginagawa sa bawat araw.

Bukod sa crypto, nahilig ako bumili ng mga classic na motor at magrestore nito sa sarili kong garahe. May iilan na rin akong nabuong mga motor mula 70s hanggang 90s na dinidisplay ko lang o binebenta sa ibang mga kolektor. Onti na lang kasi ang need kong ilaan na oras para sa trabaho dahil di naman na ako required pumasok ng walong oras simula nung napromote. Maayos na side hustle rin, kasi pawis, onting pera, at passion lang ang puhunan at meron pang satisfaction kasi may nabubuo kang mga piyesa na sa iba e tinatapon na lang.

Meron din akong ilang account sa mga online games gaya ng CABAL. Isa kasi 'to sa mga laro na kinaadikan ko noon, at sa ngayon e ginagawa ko na lang siyang libangan at kumikita rin ng maayos yung ilang account. Medyo malaki nga lang ang puhunan pero mababawi mo rin naman siya sa loob ng ilang buwan.

Sa crypto e madalas puro pagbabasa na lang ng mga news ang ginagawa ko. Okay na naman ako sa kung anong meron ako sa bitcoin at ibang crypto, pero di rin masama sumundot ng buys kapag talagang maayos ang presyo o may recent na crash.
Wow! Sana ol! Pangyayamanin itong mga pinagkakaabalahan mo kabayan. Ang pinakagusto ko sa sinabi mo ay yung kaya mong imanage oras mo sa work at iba pang bagay na kinahihiligan mo though not literally but base sa obserbasyon ko lang ay nagawa mo pang kumita ng extra sa gaming, crypto at collection ng mga classic motorcycles so dyan pa lang ay makikita ko na yung success dahil walang nasasayang sa oras mo.

Parang yung Restoration na napapanuod ko sa youtube ang galing ng mga yun, yung bang tipong wala nang pagasang marestore ay nagagawa talaga nilang marestore ulit, basta huwag lang tutulad kay boss toyo na scripted lang puro peke ang content ng tolongges. Ang galing ni kabayan talentadong pinoy.
hero member
Activity: 2268
Merit: 789
Ever since na introduce ako dito sa cryptocurrencies, ito talaga yung parang nagiging main hustle ko para makakuha ng extra income. Pero given na sobrang volatile ng prices ng BTC, hindi pa rin siya guarantee na profit unless nakakapag participate kayo sa mga campaign signatures.

Dahil dito, natuto din ako mag hanap ng alternatives para at least meron akong two (2) sources of money (one being BTC via signature campaigns). Natuto ako mag buy and sell ng mga diecast collectibles (e.g. Hot Wheels, Matchbox, etc.) since madami din ang nagiging hobby ang pag collect ng mga ito and may mga designated FB groups din ito.

Ang ginagawa ko usually is tinatago ko yung mga sought after na models (e.g. Skyline, Civics, etc.) tapos kapag medyo tumagal tagal na, binebenta ko ito sa FB Marketplace ng mga diecast (e.g. DCPH) for the collectors also. In addition, nag buy and sell din ako ng diecast and pinapatagal ko lang siya para medyo mas maging mataas yung value niya.



I also played tons of online games (e.g. FPS, MMORGPs, etc.) pero sobrang time consuming nito. Nakapag benta na din ako ng mga accounts with good items pero the time invested is not worth the reward talaga.
sr. member
Activity: 434
Merit: 250
Ngayon palang ako nagbabalik dito way back 2015 ata last ko dito? Huhu

Pero meron naman ako investment nilagay sa binance at iba ibang token din.

Sa ngayon, new user casino raker/hunter ako. HAHAHA

Plus lazada checkout new user voucher din. Buy and sell kumbaga.

At balak ko na din magbalik sa signature campaign, marami ba nagbago dito? Dami ko pang threads na babasahin
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
minsan din akong naenganyo sa mga larong ito kaso nung nagsara na disappoint ako considering an anlaki ng gastos at oras sa pagpapalevel then magsasara din pala.
Ako din MU at Ran Online player din ako way back mga 2007-2009 yata yun nung nasa syudad pa ako kaso nung pag-uwi ko sa probinsya ayun sobrang layo na nang mga computershop tapos wala pang MU at Ran Online tapos mabagal pa internet kaya natigil pagiging pc gamer ko wala kasi akong sariling desktop. Uso pa naman bentahan ng account at item dun kaya sayang din.

Kung may opportunity na darating i grab lang. Mahirap din kasi makampante dapat laging prepared.
Yes, yan talaga ang importante yung paghahanda kasi di natin alam ang mangyayari sa mga susunod na mga araw, buwan at taon kaya maigi nang prepared tayo sa anumang darating. Isa na yung pandemic at mga malalakas na bagyo ang nagsilbing leksyon sa atin para maging handa talaga.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Gaya ng sinabi ng iba, time management lang ang kailangan dahil kahit ilang oras lang ang ilaan dito sa forum ay pwede na. Staff ako sa isang private company, pag-uwi sa bahay, papasok naman ako sa online class ko (nag-aaral kasi ako ulit) tapos after, dito naman sa forum. Sinasabay ko rin yung pag self-study para maging VA para maging freelancer na lang.

•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Sapat naman dahil pareho kami ng asawa ko may trabaho at may negosyo rin na cellphone repair na matagal na naming business. Bonus na lang ang sideline dito sa forum.

•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Kung may opportunity na darating i grab lang. Mahirap din kasi makampante dapat laging prepared.

•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Kapag pamilyado na tayo yung focus na lang ay ang kumita para sa pamilya. Para sakin, as long as may income hindi ko na iniisip yung negative sides dahil wala namang trabahong madali. Kailangan lang pagbutihin kasi in the future makikita rin naman yung bunga ng pinaghirapan natin.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
Bukod sa crypto, nahilig ako bumili ng mga classic na motor at magrestore nito sa sarili kong garahe. May iilan na rin akong nabuong mga motor mula 70s hanggang 90s na dinidisplay ko lang o binebenta sa ibang mga kolektor. Onti na lang kasi ang need kong ilaan na oras para sa trabaho dahil di naman na ako required pumasok ng walong oras simula nung napromote. Maayos na side hustle rin, kasi pawis, onting pera, at passion lang ang puhunan at meron pang satisfaction kasi may nabubuo kang mga piyesa na sa iba e tinatapon na lang.

Meron din akong ilang account sa mga online games gaya ng CABAL. Isa kasi 'to sa mga laro na kinaadikan ko noon, at sa ngayon e ginagawa ko na lang siyang libangan at kumikita rin ng maayos yung ilang account. Medyo malaki nga lang ang puhunan pero mababawi mo rin naman siya sa loob ng ilang buwan.

Sa crypto e madalas puro pagbabasa na lang ng mga news ang ginagawa ko. Okay na naman ako sa kung anong meron ako sa bitcoin at ibang crypto, pero di rin masama sumundot ng buys kapag talagang maayos ang presyo o may recent na crash.
Wow! Sana ol! Pangyayamanin itong mga pinagkakaabalahan mo kabayan. Ang pinakagusto ko sa sinabi mo ay yung kaya mong imanage oras mo sa work at iba pang bagay na kinahihiligan mo though not literally but base sa obserbasyon ko lang ay nagawa mo pang kumita ng extra sa gaming, crypto at collection ng mga classic motorcycles so dyan pa lang ay makikita ko na yung success dahil walang nasasayang sa oras mo.

Ito kasi ang dream ng karamihan, kumikita sa passion. Parang hindi na rin trabaho ang tawag dahil gusto mo gawin. Pero mukhang pangmayaman nga pag mahilig sa mga classics na motor dahil rare at mahirap na hanapan ng pyesa. At di rin boring ang araw kasi bukod sa motor ay naglalaro rin ng mga online games at the best dahil meron rin earnings. I wonder ano pa ibang online games na maganda ang kitaan. Gusto ko rin sana sumubok like Flyff kaso di ko linya MMORPG. Sana meron mala-Mobile Legends sa crypto na sisikat this cycle.
full member
Activity: 2548
Merit: 217
Bukod sa crypto, nahilig ako bumili ng mga classic na motor at magrestore nito sa sarili kong garahe. May iilan na rin akong nabuong mga motor mula 70s hanggang 90s na dinidisplay ko lang o binebenta sa ibang mga kolektor. Onti na lang kasi ang need kong ilaan na oras para sa trabaho dahil di naman na ako required pumasok ng walong oras simula nung napromote. Maayos na side hustle rin, kasi pawis, onting pera, at passion lang ang puhunan at meron pang satisfaction kasi may nabubuo kang mga piyesa na sa iba e tinatapon na lang.

Meron din akong ilang account sa mga online games gaya ng CABAL. Isa kasi 'to sa mga laro na kinaadikan ko noon, at sa ngayon e ginagawa ko na lang siyang libangan at kumikita rin ng maayos yung ilang account. Medyo malaki nga lang ang puhunan pero mababawi mo rin naman siya sa loob ng ilang buwan.

Sa crypto e madalas puro pagbabasa na lang ng mga news ang ginagawa ko. Okay na naman ako sa kung anong meron ako sa bitcoin at ibang crypto, pero di rin masama sumundot ng buys kapag talagang maayos ang presyo o may recent na crash.
Talaga kabayan? meron pa din bang CABAL? kala ko tuluyan ng nawala katulad ng mga kasabay nyang game na MU(Master Universe) and Flyff .
minsan din akong naenganyo sa mga larong ito kaso nung nagsara na disappoint ako considering an anlaki ng gastos at oras sa pagpapalevel then magsasara din pala.

Konting tips pano ang kitaan sa Cabal now kabayan?
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Bukod sa crypto, nahilig ako bumili ng mga classic na motor at magrestore nito sa sarili kong garahe. May iilan na rin akong nabuong mga motor mula 70s hanggang 90s na dinidisplay ko lang o binebenta sa ibang mga kolektor. Onti na lang kasi ang need kong ilaan na oras para sa trabaho dahil di naman na ako required pumasok ng walong oras simula nung napromote. Maayos na side hustle rin, kasi pawis, onting pera, at passion lang ang puhunan at meron pang satisfaction kasi may nabubuo kang mga piyesa na sa iba e tinatapon na lang.

Meron din akong ilang account sa mga online games gaya ng CABAL. Isa kasi 'to sa mga laro na kinaadikan ko noon, at sa ngayon e ginagawa ko na lang siyang libangan at kumikita rin ng maayos yung ilang account. Medyo malaki nga lang ang puhunan pero mababawi mo rin naman siya sa loob ng ilang buwan.

Sa crypto e madalas puro pagbabasa na lang ng mga news ang ginagawa ko. Okay na naman ako sa kung anong meron ako sa bitcoin at ibang crypto, pero di rin masama sumundot ng buys kapag talagang maayos ang presyo o may recent na crash.
Wow! Sana ol! Pangyayamanin itong mga pinagkakaabalahan mo kabayan. Ang pinakagusto ko sa sinabi mo ay yung kaya mong imanage oras mo sa work at iba pang bagay na kinahihiligan mo though not literally but base sa obserbasyon ko lang ay nagawa mo pang kumita ng extra sa gaming, crypto at collection ng mga classic motorcycles so dyan pa lang ay makikita ko na yung success dahil walang nasasayang sa oras mo.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Bukod sa crypto, nahilig ako bumili ng mga classic na motor at magrestore nito sa sarili kong garahe. May iilan na rin akong nabuong mga motor mula 70s hanggang 90s na dinidisplay ko lang o binebenta sa ibang mga kolektor. Onti na lang kasi ang need kong ilaan na oras para sa trabaho dahil di naman na ako required pumasok ng walong oras simula nung napromote. Maayos na side hustle rin, kasi pawis, onting pera, at passion lang ang puhunan at meron pang satisfaction kasi may nabubuo kang mga piyesa na sa iba e tinatapon na lang.

Meron din akong ilang account sa mga online games gaya ng CABAL. Isa kasi 'to sa mga laro na kinaadikan ko noon, at sa ngayon e ginagawa ko na lang siyang libangan at kumikita rin ng maayos yung ilang account. Medyo malaki nga lang ang puhunan pero mababawi mo rin naman siya sa loob ng ilang buwan.

Sa crypto e madalas puro pagbabasa na lang ng mga news ang ginagawa ko. Okay na naman ako sa kung anong meron ako sa bitcoin at ibang crypto, pero di rin masama sumundot ng buys kapag talagang maayos ang presyo o may recent na crash.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
Well related pa rin naman sa Crypto pero my halong play to earn lang yung pinagkakaabalahan ko ngayon. Totally play to earn. Isa sa pinag kakaabalahan ko ngayon ay Pixels na aadik ako sa laro ito kahit na medyo mababa kita kada araw. As of now 60-90 kita kada araw depende kung magkano mapafarm na pixel. Nagsisi ako na nababasa ko yung play to earn ng pixels dinisregard ko sana kumita din ako Tulad nila ng 250K nung nagpa Play-To-Airdrop yung pixes. Ganyun focus ako sa Shuffle kapag sugal naman. Kasi kapag nag wager ka sa shuffle makakatanggap airdrop ng Shuffle token.

Talaga, pwede bang pakibigay mo yung link ng games na sinasabi mo, parang gusto kung subukan na laruin yang sinasabi mo. Hindi narin masama yung 60-90 pesos a day ba yan. San kapa makakakuha ng ganyang profit na habang naglalaro lang ay meron ng earnings na parang passive income narin kung titignan ko. Tapos nag-eenjoy kapa habang naglalaro nyan.

Parang nakakamis din kasi na maglaro ng play2earn at mukhang maganda naman yang pixel na sinasabi mo sa totoo lang at nacurious talaga ako sa larong yan. Wala naman siguro akong ilalabas na pera dyan sa games na yan.

Yeah totally wala kang ilalabas na pera depende nalang sayo kung gusto mo gumastos pang bili ng VIP (which mean malaki ang kikitain mo compared sa mga Non VIP. Pure oras lang kung gusto mung hindi gumastos.
Ito yung link:
Code:
https://play.pixels.xyz/

Listed na rin sya under Ronin Network sya. For sure kung into Axie Infinity ka alam mo na ito. Ang gameplay nya is parang Farmville. Sobrang dami din ng DAU (Daily Active User) nila ngayon umaabot ng 250K. Kaya medyo lag yun laro pero okay naman.
hero member
Activity: 2716
Merit: 698
Dimon69
Trabaho. In fact ito talaga ang main focus ko at side hustle lang ang crypto kaya hindi talaga ako madalas sa crypto scene unless active ako sa gambling. Currently ay tumigil muna ako sa gambling dahil quota na ako sa profit para maiwasan ang greediness.

Sapat ba sa amin ang kita sa trabaho ko(pinagkaka abalahan), sobrang sapat since malaki ang sahod ko sa trabaho ko tapos hindi naman kami magastos ng pamilya ko kaya halos wala kaming expenses bukod sa pagkain at bills na minimal lang dahil naka solar energy kami.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Well related pa rin naman sa Crypto pero my halong play to earn lang yung pinagkakaabalahan ko ngayon. Totally play to earn. Isa sa pinag kakaabalahan ko ngayon ay Pixels na aadik ako sa laro ito kahit na medyo mababa kita kada araw. As of now 60-90 kita kada araw depende kung magkano mapafarm na pixel. Nagsisi ako na nababasa ko yung play to earn ng pixels dinisregard ko sana kumita din ako Tulad nila ng 250K nung nagpa Play-To-Airdrop yung pixes. Ganyun focus ako sa Shuffle kapag sugal naman. Kasi kapag nag wager ka sa shuffle makakatanggap airdrop ng Shuffle token.

Talaga, pwede bang pakibigay mo yung link ng games na sinasabi mo, parang gusto kung subukan na laruin yang sinasabi mo. Hindi narin masama yung 60-90 pesos a day ba yan. San kapa makakakuha ng ganyang profit na habang naglalaro lang ay meron ng earnings na parang passive income narin kung titignan ko. Tapos nag-eenjoy kapa habang naglalaro nyan.

Parang nakakamis din kasi na maglaro ng play2earn at mukhang maganda naman yang pixel na sinasabi mo sa totoo lang at nacurious talaga ako sa larong yan. Wala naman siguro akong ilalabas na pera dyan sa games na yan.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
Well related pa rin naman sa Crypto pero my halong play to earn lang yung pinagkakaabalahan ko ngayon. Totally play to earn. Isa sa pinag kakaabalahan ko ngayon ay Pixels na aadik ako sa laro ito kahit na medyo mababa kita kada araw. As of now 60-90 kita kada araw depende kung magkano mapafarm na pixel. Nagsisi ako na nababasa ko yung play to earn ng pixels dinisregard ko sana kumita din ako Tulad nila ng 250K nung nagpa Play-To-Airdrop yung pixes. Ganyun focus ako sa Shuffle kapag sugal naman. Kasi kapag nag wager ka sa shuffle makakatanggap airdrop ng Shuffle token.
sr. member
Activity: 779
Merit: 255
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?

Tindera ako ng food supplement. Kapag walang customer, gumagawa ako ng sabon, shampoo, conditioner, powder detergent, liquid detergent, lotion, scented candles, resin crafts, cement jars habang nakabukas ang binance at ang mt4  Grin Di pa naman ako nahihirapan...

•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?

Depende sa pasok and ikot ng sales. Minsan marami, minsan matumal. Paang crypto trading, minsan bullish, minsan din bearish. Masaya pag bullish, lahat ng needs ay nabibili. Kapag bearish, tipid tipid din and nai-istress lalo na kapag anjan na si judith  Cheesy

•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?

Hindi natin alam ang panahon. Sa nangyayari sa mundo ngayon, lalo na sa mga balitang magkakaron ng financial crisis ang mundo, pwedeng mawala ang lahat. Ang mahalaga, meron tayong skills para kahit ano pa ang mangyari, may kaalaman tayo para mag create ng wealth.

•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?

Yup for me tama dahil kilala ko sarili ko, ayoko ng may amo kaya hindi ko pinangarap ang maging empleyado. Yun ang maganda sa sales, boss mo sarili mo. Kapag di ka nagsucceed, fault mo din dahil hawak mo ang oras mo and yung productivity mo, ikaw ang may control. Pag tinamad, tamad din pumasok yung income...
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Naka focus ako now sa isang bagong business na inumpisahan ni Misis and kailangan ko sya i guide at suportahan syempre while waiting for the Bull market to come so lets see what comes our way sooner.

and also sibusubukan ko ding mag hanap ng iba pang source of income since medyo mahina na ang kitaan sa regular job ko and need to na maghanap ng mas functional and mas malaki ang pasok ng pera aside from my investing sa crypto and also sa trading paminsan minsan.
hero member
Activity: 1120
Merit: 554
🇵🇭
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Yes, Hindi naman mahirap isabay ang crypto sa actual job dahil holding naman ang gngawa ko while dito sa forum ay turing break time at off work ko ginagawa kayo madali lang naman pagsabayin.


•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Wala pa akong sariling pamilya tapos maayos naman ang kalagayan ng magulang ko dahil may business sila kaya ako lang ang gumagamit ng income ko. Sobrang sapat na ang income ko kahit sa trabaho ko palang.

•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Hindi ko masasabi dahil wala naman nakakaalam ng mga expenses natin sa future. Pero masasabi ko na sasapat na ang income ko at napundar assuming pareho lang ang expenses ko sa ngayon at sa future.

•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Tama naman dahil wala naman akong problema in terms sa financial na panga2ilangan. Tapos napra2ctice ko ang profession ko sa work ko.
sr. member
Activity: 938
Merit: 303
Quote
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?

Madami akong pinagkakaabalahan ngayon mate, bukod sa pagiging single dad, siyempre yung mga gawain sa ng tahanan ginagawa ko din at kapag natapos na ito ay
dun naman ako maghahanda para sa trabaho ko dito sa crypto trading naman.

Quote
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Yes sapat naman sa ng awa ng Dios, hindi rin kulang at hindi rin sobra sa halip tama lang.

Quote
•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?

Wala namang fiox income dito sa crypto space at alam ito ng lahat, siguro pwewde itong maging proof kapag nakuha natin lahat ng gusto nating mabili na pangarap sa buhay.

Quote
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Hindi naman ako napilitan na gawin ito dahil inaalam at inaral ko muna ito bago ko pinasok talaga.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Quote
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?

Time management lang naman ang kailangan, masasabi kong kayang pagsabayin dahil hindi naman need na nasa forum 24/7 basta maglaan lang ng oras para sa forum intertaction at mahaba na ang 3 to 4 hours para makipag interaction sa mga kapwa member ng forum.

Quote
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Sapat naman.

Quote
•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?

Hindi ko masabi na future proof na ang income at napundar ko mula sa pinagkakakitaan ko dahil alam naman natin na walang nakakasiguro sa hinaharap.  Pero kung ang lahat ay tatakbo ayun sa plano, masasabi kong future proof na rin kahit paano.

Quote
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?

Para sa akin ay sakto lang dahil hindi naman ako nalugi sa mga desisyon ko sa investment at kumita rin kahit papaano.  Alam naman natin na pagdating sa cryptocurrency medyo maraming scams at fraud kaya minsan kahit anong ingat natin ay nauuntog pa rin tayo.
full member
Activity: 938
Merit: 108
OrangeFren.com
Quote
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?

Sa ngayon wala naman akong ibang pinagkakaabalahan, hindi man kalakihan kundi tama lang ay masasabi kung okay narin
ang nakukuha kung profit sa crypto trading.


Quote
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?

Sa ngayon ay tama lang at sakto palang hindi naman nakakapagpabaya ng pamilya kahit papaano.

Quote
•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?

sa ngayon wala pa akong naipupundar mula sa crypto profit, pero hopefully this coming bull run ay makapagbigay ng magandang earnings
ang holdings ko sa ngayon.

Quote
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?

Hindi ko kailanman p[inagsisihan na pinili ko na gawin ang crypto business bagkus mas masaya ako ngayon sa totoo lang.








hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Sa totoo lang struggling pa talaga ako. Ang dami kasing temptations online at offline. Dapat 5 hours lang ako nakatutok about crypto. Gusto ko pa magdadag either crypto again or not once mafix schedules ko.

•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
I'm single although meron isang kasama. Sapat naman pero sympre futuristic tayo which means kailangan ko pa magdagdag ng raket.

•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Sa ngayon wala akong investments na income generating regularly. So goal ko pa rin is to have a business at real estate investments.

•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
No regrets naman sa lahat dahil meron lessons although the hard way sa mga maling investments. Sa investment parang 50/50. I thought kasi ang bahay is a solid asset, yun pala ang daming expenses at maintenance lalo na pag subdivison galing unless high-end. Sa stocks talo ako ng malaki at niwidraw ko na lahat last year. Tama ang desisyon ko na work as freelance para available pag meron opportunities na darating lalo ngayong malapit na bullrun.
Pages:
Jump to: