Aside sa crypto isa din akong volunteer law enforcer. (di ko na lang po ispecific for privacy reason)
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Since full time ako sa crypto at sinasabay ko ang pagvolunteer sa ngayon, hindi naman ito naging istorbo o naging sanhi ng pagkakaroon ng kumplikasyon sa parehong activity. Kayang-kaya naman imanage kahit na may hinahabol ako na signature quota pero nung nakaraan pressure sya masyado kasi sobrang taas ng required quota dun sa kabilang forum kaya ako lumipat sa mas mababang quota.
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Para sa akin since binata pa naman ako ay sapat at sobra na sa akin yung kinikita ko dito at sa isang work ko as volunteer kahit may kaliitan lang yung incentives ko dun. Iniipon ko lang lahat ng mga nagenerate kong income lalo na sahod ko online pang long term investment ko sya since Bitcoin paying naman ang sig campaigns tapos yung honorarium ko naman doon ko binabawas mga expenses ng mga needs ko since priority ko sya kesa wants.
•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Sa tingin ko ay hindi pa future proof ang income at napundar ko lalo na mula sa source ko na crypto pero meron na din naman akong piece of residential at agricultural land na nainherit ko which is matatawag naman nating future proof investment kaya goods na rin. Balak ko din pala na mag-invest sa precious metals in the future depende na lang kung magkaroon ng extra money. About my crypto holdings naman future proof sya kaso paunti-unti lang sya.
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Aside sa cryptocurrency, mayroon akong full-time job, freelance din na side hustle, signature campaign, minsan sumaside line din ng ng deliver na lalamove kapag gusto kung kumita ng extra sabay sabay lang sa mga biyahe kapag trip ko.
So far kaya naman, pero syempre mayroong akong fulltime job as a video editor kaya hindi ako focus sa cryptocurrency or trading more on long term lang talaga at DCA lang din to accumulate lang ng Bitcoin for profit sa long term.
Maliit talaga siguro dahil na rin marami akong gustong mainvestsan o mabilis na assets like bahay at lupa kaya kinukulang din talaga pero kung makasurvive lang kaya naman kahit papano, mababa din ang sahod ng fulltime job ko hindi sapag lalo na kung ako lang ang magbabayad ng mga Bills or rent luckily mayroon akong mga katulong at mga kapatid kaya naghahati hati kame ng bills so hindi siya masyadong mabigat sa side ko.
I mean hindi naman tayo sigurado, kung sa Bitcoin o crypto lang naten ilalagay, kaya masmaganda pa rin talaga na magdiversify ng assets syempre hindi lang crypto ang iinvest ka rin ng mga passive income like apartments which I think ang magandang matarget.
Sa ngayon hindi pa talaga ako sigurado ang paginvest sa cryptocurrency ay isa siguro sa pinakamagandang investments ko pero sa trabaho ko hindi ko sure kung kakayanin ba namasustain o magsurvive kung ito lang ang work na gagawin ko, siguro kapag nagkaroon na ko ng malaking sahod dun ko pwedeng malaman.