Mahirap na talaga ngayon kahit anong wallet pwde kang mawalan ng funds anytime, since close source ang wallet na to maaari talagang inside job and nangyare kung ganun talaga ay wala ka talagang magagawa talagang pwding paginteresan ang funds mo lalo na whale itong tinarget nila sigurado pinili talaga nila yung maraming laman ang wallet, buti nalang ay hindi ako tumuloy sa wallet na to balak ko sanang gumamit din ng wallet na ito dati.
High chance na inside job dahil tinarget lang yung lang wallet na mayroong malaking laman. Napaka impossible kasi na nahack yung user wallet dahil madami din ang affected at isa pa dito ay mahirap silang iahck outside dahil nga close source yung part ng code nila para sa security.
Sobrang kawawa ng affected user pero lesson learned nalang din siguro dahil dapat ay hardware wallet ang gamit nila kung ganoon kalaki ang hawak nilang funds. Mahirap magtiwala ng 100% sa mga software application lalo na sa mga close source code.