Baka may mga user dito ng Atomic wallet. Hindi na safe ang wallet dahil sa recent issue na nahack ang wallet ng isang whale customer matapos mabreach ng hacker ang security ng wallet meaning hindi talaga ito non-custodial as advertised.
Withdraw nyo lahat ng assets nyo kung ito ang ginagamit nyo pang hold ng mga coins nyo.
Although may good news naman dahil recoverable daw yung nahack na funds as per twitter ni @Zackxbt na isang sikat na crypto investigator ng mga rug pull at hack projects.
Mahalaga na yung mga coins mo na pang long term dapat ay imbestigahan mo muna ang reputasyon at feedback kasi sayang talaga ang pinag hirapan mong coins kung mahahack lang tulad ng ganitong pangyayari.