Oo sabay lang din sa agos kasi napamahal na sila sa laro at yun yung gameplay na gusto nila kaya adopt lang din sa mga changes.
Bale ang nasa isip nila competition nalang at yung axs reward na magiging depende kung ano magiging ranking nila pagtapos ng season. Ang Daming mga competitive na builds ngayon kaso nga lang kahit sobrang baba na ng mga axie ngayon, ayaw ko na din gumastos haha.
Since almost competition na ang kinalabasan ng larong Axie, malamang ang scholar system ay hindi na magiging ganun ka popular sa larong ito. Iyong scholar system kasi naging magana dati dahil may reward na sa PVE may reward pa sa PVP. Tapos sureball ang kita sa PVE dahil daily ang reward basta imeet lang ang mga daily quest.
Talagang pagkakagastusan ito ng mga nagtatarget na mag top, though mas magastos ang Axie ay may rewarding naman siyang paglaanan ng time para sa mga may pangpuhunan kesa sa ibang mga competitive games dyan. Sa tingin ko kapag naestablish ang larong ito baka mapasama ito sa esport.
Hindi na popular pero meron pa rin namang mga gusto maging scholar. Lalo na yung mga hindi naka try ng game nung hype pa siya. Yung kaibigan ko mayroon siyang scholar nasa top 100 ngayon at dati ring player. Swerte lang din ng kaibigan ko kasi mahusay yung napili niya. Malamang sa malamang, hati sila sa reward pagtapos ng season.
Kapag naimplement nila ang ganitong sistema malamang buhay ang business ng mga breeder ng axie. Nakakapgburn na sila ng SLP, nakakapgburn pa sila ng mga NFT.
Breeding din ang gusto nilang ibalance noon dahil ang daming mga useless na Axie pero months ago na yun eh, hindi naman siguro nag bago ang isip ni Jihoz dahil yung mga previous na sinabi niya sa mga interviews like Beast ang magiging meta at nenerf niya ang mga Aqua ay nangyari nga.
Baka anytime biglang maging meta ang mga mech axies dahil sinabi din niya na magkakaroon sila ng sariling skills
Posible nga, halos ganyan naman nangyayari at iikot ang laro sa upgrade o bili ng bagong axies para laging online ka at nasa meta yung mga teams mo. Dahil kung hindi, siguro init ng ulo at baka mawalan nalang din ng gana. Ganito yung sistema nila simula dati pa kaya tuloy tuloy yan at laging may change ng meta.