Oo para dun sa mga gamers na ang habol eh entertainment na sa palagay ko eh kakaunti lang kung ang pag uusapan eh yung mga bilang
ng mga kababayan natin na nag invest pa ulit sa charms a runes.
Medyo mababa nga talaga at hindi sulit kasi hindi lang naman pera yung nainvest pati na rin yung oras na gugulin mo sa paglalaro, medyo
ang pag asa na lang siguro eh hold at umasang aangat pa ang presyo ng hawak mong rewards.
Nakadepende na lang talaga sa manlalaro kung itutuloy pa rin or hindi na.
Yun nalang din nakikita ko sa karamihan na kakilala ko na nag invest ng malaki sa Axie. Swerte nung mga milyons ang investment pero nakapag ROI agad at malas naman nung mga hindi pa nakaka ROI.
Ang siste kasi dito sa AXIE, di ka malilibang sa laro, so basically kahit gamer tatamarin dito. Maliban lang kung reward oriented ang maglalaro nito, meaning may aim na makasama sa ranking at kumita ng malaki. From that tipong mga may capital lang talaga ang makakapasok dito sa matataas na ranking. Meaning, ang mga malalakas ay patuloy na lalakas at iyong mga alanganin ang budget ay makukuntento na lang sa pinaka mababang rankings.
Sa reward kasi dedepende ang sipag ng isang tao. At sa laro na ito, maganda yung ginawa nila nung una. At nung medyo kumita na sila, doon na nila medyo ginawa yung sistema na pakonti konti aalis mga players pero maiipit mga investors dahil sa baba ng reward nila. Mautak sila sa ginawa nilang environment na scholarship.