[quote author=mk4 link=topic=5447987.msg62054206#msg62054206 date=1680921357]
May feedback/reputation feature rin ba ang P2P sa ByBit? Sa Binance P2P kasi pinipili ko ung talagang mataas ang reputation kahit mas pangit ung price dahil praning lang talaga ako at ayoko ng hassle lol.
[/quote]
Kung katulad sa Binance na makikita mo ang completion rate nila sa trade meron ang Bybit,
Makikita mo rin kung online sila o hindi. Heto wala sa Binance sa pagkakaalam ko.
[img width=580]https://talkimg.com/images/2023/05/16/blobd74dc18c05c35f19.png[/img]
Note: Hindi ito yung nag attempt na mag scam sa kin, nilagay ko lang sya as halimbawa kung ano makikita nyo.
[quote author=jeraldskie11 link=topic=5447987.msg62054102#msg62054102 date=1680918777]
Balita ko may event sa Bybit p2p, hindi ko pa natatry yung p2p nila baka kasi hindi gaano kasecure , at yung support nila baka walang pakialam. Pero sa nakita ko post mo, same lang naman pala sa Binance.
Medyo risky talaga for beginners yung p2p kasi may tsansa talaga na mascam ka.
Kaya ito lang mapapayo ko sa mga p2p users.
For buyers: Kung nakasend ka na ng payment dapat
always i-screenshot yung receipt at isend sa sa seller. Para kung hindi nya irerelease crypto nya, may panglaban ka.
For sellers:
Huwag-huwag mong irerelease ang crypto kapag wala kang natangggap na message mula sa Gcash (kung Gcash ang ginamit) na nagsasabing may nareceive ka na pera. Para mas segurado, check mo rin yung history mo Gcash app.
Yun lang kasi tinatandaan ko sa paggamit ng Binance p2p.
[/quote]
Sa experience ko sa Binance, dito ako madalas mag trade, meron naman buyer na nag screenshot once na maipadala nila, at minsan magsasabi rin na sa ibang name ang gagamitin nila sa pag trade sa yo kung puno na ang main Gcash account nila, it's either i go mo o hindi. Or kung minsan kahit nakita na nila ang name ang Gcash number mo, hihingin pa rin nila para sigurado sila at ikaw mismo panatag din na ibigay ang details mo.
Ang ginagawa ko rin eh sini-save ko yung name ng mga naka trade ko na at dun na lang ulit ako makikipag transact kung available sila the next time. At least may history ka na sa kanya na good trade na nangyari sa inyo before.
[quote author=blockman link=topic=5447987.msg62055102#msg62055102 date=1680935951]
Hindi ko pa nagamit Bybit p2p pero mukhang nakikilala na din sila sa market natin specifically dito sa bansa natin.
Simple lang lesson diyan mga kabayan pag sa p2p lo kung sellers kayo, huwag na huwag kayo papa pressure sa mga buyers hanggat walang proof, ganun din naman sa mga buyers.
Yan ang ite-take advantage ng mga scammers, lalo na sa pricing. Mas pipiliin kong saktuhan lang ang presyo basta reputable o di kaya sa mga instant exchange nalang akp para less hassle kahit na medyo may kababaan ang rates.
[/quote]
Tama, at malinaw naman na sinasabi dun na wag mo irelease pag wala kang natatanggap kaya hindi ako nag release talaga kahit anong pressure nya. Kung titingnan mo nga maayos parin ang pagsagot ko sa kanya.
[quote author=Johnyz link=topic=5447987.msg62056824#msg62056824 date=1680963746]
Eto siguro yung mga bumibili ng account para makapangloko, good thing hinde mo nerelease hanggat walang proof na binibigay.
Kahit PC naman ang gamit you can still send the screenshot and confirmation, mag iingat talaga tayo sa P2P and make sure na legit seller ang pipiliin naten, mas risky ito kapag ikaw ang unang magsesend kaya double check if tama ang details ng binance account at ng bank account nila, their trust rating also matters.
[/quote]
Heto rin ang iniisip ko na baka bumili ng account, o baka talaga nag register sya para makapang loko kasi ang dali naman mag register at magpaverify. Ang sa tingin ko eh baka bogus yung history ng trades nya, baka sila sila na kapwa nya scammer o sya mismo ang gumawa ng mga trades niya sa sarili para mag mukhang legit.
[quote author=SFR10 link=topic=5447987.msg62056896#msg62056896 date=1680964601]
[quote author=Baofeng link=topic=5447987.msg62053891#msg62053891 date=1680910967]
Una ni block ko tong user na to: pero ni unblock ko at gusto kong imonitor, so far after nung attempt nya he 1 day ago sya before mag login. Ngayon eh 5 days ago na at mukhang hindi na active. At hindi na rin gumalaw yung buy/sell nya.
[/quote]
Visible parin ba yung mga advertisements niya? Kung hindi, ibig sabihin tinanggal na nila yung P2P functionality doon sa account niya
[source (#7)].
[/quote]
Hindi na visible ang ads sa kanya, malamang nga tinanggal na mismo ng bybit dahil sa kaso na to.
[quote author=SFR10 link=topic=5447987.msg62056896#msg62056896 date=1680964601]
[quote author=Maus0728 link=topic=5447987.msg62054802#msg62054802 date=1680931653]
~Snipped~
[/quote]
Pwede bang pindutin yun "all completed orders" para imonitor kung may certain pattern ba yung mga orders or hindi rin?
[/quote]
Hindi mo mapipindot ang 'all completed orders', makikita mo lang ang buy/sell orders niya.
Pero may isang importanteng data dyan na kailangan natin tingnan, eto yung
"Day(s) Since Account Creation" kasi yung nag attempt sa kin, 1 day old ang account, so sariwang-sariwa pa talaga ang malamang ang intention eh makapag scam, dahil nga bagong account tapos yung hinala na nga either bought yung account or bogus yung mga trades niya.