May nga not so close friends akong tinawag ako at nagtanong tungkol sa bitcoin, years ago. Sinagot ko at pinuntahan ko naman at inexplain ko gaano ka volatile ang bitcoin at hindi sila basta basta maiiscam kung hawak nila ang bitcoin na binili nila at hindi nila idedeposit sa mga platforms na nagooffer ng mga percentage na profit kasi ganun ang mga obvious na scam dati tapos hindi pa kilala. Naexplain ko naman ng maayos na wala rin akong kikitain sa kanila kung bumili man sila o hindi kasi hindi naman ito networking o scam na iniisip nila. Ngayon heto na nga, nung dumating yung bear market ng 2018, sobrang lungkot na nila tapos may mga close friends sila na hindi ko rin naman close na natawag pa nga akong scammer dahil bagsak ang market. Inalok ko na bilhin ko yung mga binili nilang bitcoin sa ATH na presyo para lang mapanatag sila at makabawi ng pera nila, sila naman may gusto nun at parang ako pa nga ang naging masama. Pero sabi naman nung bumili na sanay daw siya sa volatility hanggang wala na akong balita sa ngayon.
Yun nga ang miharap. Pasasalamatan ka nila sa pag introduce ng bitcoin sa kanila tapos pag hindi nila gusto yung naging resulta magagalit sila sayo na parang nakalimutan nila yung mga babala at pag iingat na sinabi mo sakanila even before they actually invest. Ang problema kasi is nasisilaw sila sa perang maaari nila makuha sa bitcoin na hindi na nila inaalala yung mga risks at hindi dapat gawin tapos ikaw pa yung sisisihin sa pagpapabaya nila.