May nga not so close friends akong tinawag ako at nagtanong tungkol sa bitcoin, years ago. Sinagot ko at pinuntahan ko naman at inexplain ko gaano ka volatile ang bitcoin at hindi sila basta basta maiiscam kung hawak nila ang bitcoin na binili nila at hindi nila idedeposit sa mga platforms na nagooffer ng mga percentage na profit kasi ganun ang mga obvious na scam dati tapos hindi pa kilala. Naexplain ko naman ng maayos na wala rin akong kikitain sa kanila kung bumili man sila o hindi kasi hindi naman ito networking o scam na iniisip nila. Ngayon heto na nga, nung dumating yung bear market ng 2018, sobrang lungkot na nila tapos may mga close friends sila na hindi ko rin naman close na natawag pa nga akong scammer dahil bagsak ang market. Inalok ko na bilhin ko yung mga binili nilang bitcoin sa ATH na presyo para lang mapanatag sila at makabawi ng pera nila, sila naman may gusto nun at parang ako pa nga ang naging masama. Pero sabi naman nung bumili na sanay daw siya sa volatility hanggang wala na akong balita sa ngayon.
Yan ang hirap sa mga tao, tinuruan na nga natin at tinulungan na maintindihan nila ang market tapos kapag hindi umayon sa plano nila ang takbo tayo ang sisisihin. Maraming tao talaga ang mababaw ang pang-unawa, pero di bale kung sakalaing binenta nila iyong BTC nila malamang laking panghihinayang nila dahil niton huling bullrun ay halos ilang ulit ang itinaas ng BTC from ATH noong 2017. Nakita rin nila ang pagkakamali nila at sigurado akong natauhan ang mga iyon at malamang naguilty sa mga sinabi sa iyo.
Kaya dapat lang talaga minsan mas maganda pang sarilinin na lang natin ang mga nalalaman natin para di tayo masisi kahit na maganda ang hangarin natin para sa kanila.