At heto narin muna ang trending hanggang sa katapusan ng taon na to, sideways. So maaring maganda kasi makakabili pa tayo ng mura or mag-antay na baka bumaba na naman sa $17k or lower next year.
If ever na umabot ito until December, panigurado marame ang magaacquired ng Bitcoin kase dyan marameng pera ang mga Pinoy. Safe range na siguro ito ni Bitcoin, and para makasiguro imonitor paren naten ito so we can know when to buy and sell.
Kung pababa pa rin ang trend hanggang sa last month ng taon malamang pabor sa mga long-term investors ang sitwasyon, sa ating mga pinoy na meron regular na trabaho malamang yung mga bonuses na matatanggap eh magagamit sa investment, medyo mahirap lang din mag tansya kasi ang nature na volatile nitong crypto market eh nakaka kaba talagang pasukin.
Sa mga investors naman na nakakaintindi ng pagkakataon eh malamang ung bear market talaga ang inaabangan para makapag tabi ng mas malaki laking halaga ng crypto.
Talagang pabor, napakamura ng bitcoin at ang ibang crypto dahil sa patuloy na pagbaba. Hindi na nga natin an sustain ang $20k support pero parang may mapaghang pagtaas nitong last 24 hours na pumalo pa nga sa $19,600 pero ngayon nasa $19,300.
At least hindi na masyadong bumaba pa na katulad ng ibang prediction na bago mag $10k or $15k. So ganun parin ang silip ko, baka heto na rin ang maging presyo hanggang katapusan ng taon at panalong panalo ang mga investors na may kapital dahil napaka mura parin ng presyo ng bitcoin.