Madami kasing nagba-brag ng mga kita nila kaya yung mga newbies, desire agad nilang kumita at subukan yung futures kahit na parang hirap na hirap sila at karamihan sa kanila nasusunugan.
Yun ang mahirap, ung papasukin mo ang isang bagay na hindi mo pa naman talagang gamay, maraming nasusunugan at minsan hindi lang maliit na halaga ang natatalo sa kanila, dapat talaga aaralin mo ng maigi at papakiramdaman mo kung yung negosyong pinasok mo eh tugma sa kaalaman mo at kapasidad mo.
Mas mabuting unahin mo na muna ang pag aaral nandyan lang naman ang market any time pwede mo subukan kung talagang concern ka sa ipupuhunan mo, parehong pera at oras dapat ang nakafocus.
Mas madali yung ganitong strategy sakin tapos saka nalang magbenta kapag tumaas na masyado yung coin na inipon ko. Para sa akin, okay yung ganito steady at passive lang pero rewarding naman sa tamang oras.