MAG INGAT!Nag umpisa nanaman ang mga kupal sa mga social medias, dahil papataas nanaman ang presyo ni Bitcoin. Ang iba ang nag uumpisa na mag hasik ng lagim, lalo na sa mga bagohan sa crypto, at sa social media pa ito sila nang bibiktima. Kaya ingat tayo.
Ito ang mga ibang example na posibiling mga
SCAM or
FAKE Giveaways na nagkalat kahit saan.
Sa Facebook yan. Alam ko madami sa ating mga kababayan na gumagamit ng Bitcoin, kaya ingat kayo. At baka may mga kakilala kayo na bagohan sa crypto, pagsabihan niyo na din sila.
Tapos sa mga twitter din, madami na din nagkalat na bagong modus nila. Ngayon picture na ang tinitweet nila na edited, kunwari may mga sikat na crypto accounts na nag te tweet ng mga links na legit daw, ganito ganyan.
Paano mo ito maiiwasan?- Laging magbasa!
- Matutong magtanong sa mas nakakaalam.
- Walang easy money.
- Think before you click.
Additional sa facebook app. Pwede mo ma filter ang mga comment ng mga tao sa mga sikat na crypto page.
If you will look on the comments, you can see a drop down, which will sort the comments, based on
Most relevant,
Newest,
All comments.
By default, it is set by
Most Relevant, but this can be effective if there are already a lot of comments, because it will just sort and avoid some spam/scam comments. Check the screenshot I uploaded below for more information about this feature on the comment section of every posts.
Again, it is still the best to report the posts if you encounter these kinds of comment/posts.
Always "
think before you click", wag agad agad magtitiwala kahit kanino pag nasa internet ka. Lalo na ngayon, tumataas na ang presyo ni Bitcoin, nagkalat na ang mga masasamang tao upang nakawin ang mga Bitcoins mo. Laging magbasa, wag magmadali, walang easy money sa buhay, lahat yan pinaghihirapan.
Sa totoo lang natawa ako sa mga sinabi mo sa paksang ginawa mo na ito, bagamat may katotohanan naman ang mga sinabi mo.
Minsan nga kapag nagbubukas ako ng Facebook, ang dami ko ko talagang nakikita na mga scammer, yung bang tipong akala siguro ng kolokoy lahat ng community sa FB ay mga walang alam or Bobo. Kagaya ng pinost mo na ito na magbibigay sila ng free Bitcoin, dun palang magiisip kana talaga ng pagdududa, saka walang totoong nagbibigay ng giveaways sa Facebook at twitter 100% akong naniniwala dyan, ang problema lang may iba na walang eh ayun nabibiktima parin. Kaya sa iba dito na kapwa ko pinoy medyo ingat din po tayo sa mga link na ioopen natin.