Pages:
Author

Topic: [BEWARE] Fake/Scam Cryptocurrencies Giveaways sa mga Social Media - page 5. (Read 678 times)

legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
Mayroon pang isa, iyong fake coins.ph website. Phishing site. Nakita ko kanina. Nakalimutan ko na saang group. Marami rin kasi akong sinalihan.
~~
Example nito,


Kuhang kuha niya talaga ang coins.ph login page. Dami nito lalo na nung bull run 2017-2018 sa mga spam na facebook groups kahit mga groupchats.

Tapos ang masama nito kapwa pinoy mo pa nambibiktima sa kapwa pinoy, tapos sa mga group chat nagkalat din sila, nagsasalita ng Filipino tapos bigla mag se share ng mga link na kagaya nito, sasabihin na airdrop daw or free bitcoin, tapos pag send ng link mag rere-direct sa fake coins.ph na login page pero yung URL iba.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
pag open ko ng twitter ko bumaha ang mga scam giveaways, nagkalat nanaman sila, pwede ba natin e report? para ma delete ang kanilang account..

Yes, pwede. Nakailang report na din ako ng mga fake giveaway accounts. Mabagal nga lang ang pag-tangaal ni twitter sa mga account nila. By the time na wala na yung account, may higit sampo na sigurong nagawa ulit.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Uso nanaman itong mga to. Siguro ay hindi na sila kumikita sa trading at kung ano pa man at umasa nalang na mang scam ng taong mauuto nila. Dapat lang tayong mag ingat lalo na sa internet at mga bagay na hindi natin alam o hindi natin sigurado. Itong mga bagay na ika nga nila'y "too good to be true" ay kadalasang scam. Ingat kabayan.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 289
Zawardo
pag open ko ng twitter ko bumaha ang mga scam giveaways, nagkalat nanaman sila, pwede ba natin e report? para ma delete ang kanilang account..
full member
Activity: 1232
Merit: 186
Thanks for the info kabayan, I deeply appreciate it! Matutulungan kasi nito for sure ang mga beginners dito sa local board natin para maging aware sa mga ganiting modus lalo't sa unang tingin ay kapani-paniwala sila. In all fairness napapansin ko na mas tumatapang mga scammers ngayon dahil pati some of the big names/personalities in the crypto sphere ay ginagamit na nila kaya dapat lang na mas maging wise tayo.

Here's a friendly tip, if it's too good to be true, avoid it. Huwag basta magpapasilaw sa malaking kita with no investment etc.etc. Be logical always. Another tip is iwasan ng pumatol sa mga "PM is the key" na galawan kasi most probably scam yun o kaya naman ay walang kwentang referral (based only in my experience). Always keep safe mga kabayan Smiley.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Muntik na akong madali ng mga free giveaways na ito lalo na kapag nagsend ka daw ng ETH magiging doble ang pera mo. If you are in doubt, try to ask people on your group first, on telegram or on chat box kase for sure alam nila ang mga gantong uri ng scam. Hinde mauubos ang mga scammer, kase dyan sila kumikita kaya tayo ang dapat mag ingat at keep sharing if you see a new form of scam.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game

Mayroon pang isa, iyong fake coins.ph website. Phishing site. Nakita ko kanina. Nakalimutan ko na saang group. Marami rin kasi akong sinalihan.

Di ako makapagcomment kanina sa post niya kasi naka off iyong comment section. Marami pa namang kasali sa group na iyon. Sana walang madali ang post na iyon since obvious naman na shitpost iyon dahil free hosting pa ang ginamit na URL. Pero may mga newbie kasing greedy at di nag-iisip (no offense) at basta na lang pasok ng pasok.

Ganyan din ang sistema, free rewards pero dapat iconnect si coins.ph account via dun sa phishing website na ginawa nung scammer.
newbie
Activity: 4
Merit: 0
Salamat sa paalalang ito. Dahil dito magiging aware na ako sa mga scam na projects.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Yup, ingat lalo na mga baguhan.
Para naman sa mga datihan, magandang indikasyon na masigla (o papasigla) na ulit ang merkado.

Kamakailan, maraming lumalabas na mga TON at ETH scam giveaways sa telegram. Huwag mag-send o buksan ang mga links.
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
MAG INGAT!

Nag umpisa nanaman ang mga kupal sa mga social medias, dahil papataas nanaman ang presyo ni Bitcoin. Ang iba ang nag uumpisa na mag hasik ng lagim, lalo na sa mga bagohan sa crypto, at sa social media pa ito sila nang bibiktima. Kaya ingat tayo.

Ito ang mga ibang example na posibiling mga SCAM or FAKE Giveaways na nagkalat kahit saan.


Sa Facebook yan. Alam ko madami sa ating mga kababayan na gumagamit ng Bitcoin, kaya ingat kayo. At baka may mga kakilala kayo na bagohan sa crypto, pagsabihan niyo na din sila.

Tapos sa mga twitter din, madami na din nagkalat na bagong modus nila. Ngayon picture na ang tinitweet nila na edited, kunwari may mga sikat na crypto accounts na nag te tweet ng mga links na legit daw, ganito ganyan.


Paano mo ito maiiwasan?
  • Laging magbasa!
  • Matutong magtanong sa mas nakakaalam.
  • Walang easy money.
  • Think before you click.

Additional sa facebook app. Pwede mo ma filter ang mga comment ng mga tao sa mga sikat na crypto page.
If you will look on the comments, you can see a drop down, which will sort the comments, based on Most relevant, Newest, All comments.

By default, it is set by Most Relevant, but this can be effective if there are already a lot of comments, because it will just sort and avoid some spam/scam comments. Check the screenshot I uploaded below for more information about this feature on the comment section of every posts.

Again, it is still the best to report the posts if you encounter these kinds of comment/posts.


Always "think before you click", wag agad agad magtitiwala kahit kanino pag nasa internet ka. Lalo na ngayon, tumataas na ang presyo ni Bitcoin, nagkalat na ang mga masasamang tao upang nakawin ang mga Bitcoins mo. Laging magbasa, wag magmadali, walang easy money sa buhay, lahat yan pinaghihirapan.
Pages:
Jump to: